2: Girl in the Trash

1948 Words
"Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda kong talong. "Sige Ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi ko sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong. Inabot ko ito sa kaniya. Nang makapamili na siya ay inabot niya ito sa akin. "Ayos na ito. Pakilo na lang ako." Kinuha ko ito sabay kinilo. "Lagpas isang kilo Ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo." Kinuha ko ang isang daan na bayad niya. Binigay ko na sa kaniya ang mga talong at pagkatapos siya ay sinuklian ko na rin. "Salamat Ate. Sa uulitin. Talong ka ulit!" Tumawa ito. "Sige lang. Gusto ko naman talaga ng talong lalo na kung mahahaba at matataba." Natawa ako sabay palakpak. Kumaway pa siya bago tuluyang umalis. Napailing na lang ako. Iba talaga ang paninda kong talong. Mabentang-mabenta. "Paubos na ang talong mo! Palibhasa'y mahahaba at malalaki!" Kinindatan ko siya. "Naman! Talong ng bayan 'yan!" Ngumisi siya. "Baka mamaya pinapasok mo 'yan sa kuweba mo. Ikaw rin, bahala ka baka biglang maputol 'yan." Hinampas ko siya sa braso. "Siraulo ka! Napakabastos mo! Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi pa naman ako nababaliw at hindi ako malibog, gaya mo naman ako sa iyo. At saka pagkain 'yan. Baka bigla akong mawalan ng grasya kapag ginawa ko 'yon." Ngumuso siya. "Sige na nga! Maiwan na kita. Bye!" Nagmartsa na siya paalis. Mabilis na lumipas ang maghapon. Laking pasalamat ko dahil marami akong naibentang gulay. Lalong-lalo na ang pambato kong talong. Binilang ko na ang perang hawak ko at saka ito inilagay sa bulsa. Gabi na rin kaya magliligpit na ako. Inayos ko muna ang mga gulay ng maigi bago ko isinara ang aming tindahan. Pinagpagan ko ang aking sarili at nagsimula nang maglakad. "Ay anak ng tokwa!" malakas na sabi ko nang may biglang humawak sa braso ko. Humagalpak ng tawa si Rhian. "Gulat na gulat ka girl?" "Siraulo ka! Kung may sakit lang ako sa puso baka kanina pa ako natigok. Abnormal ka talaga kahit kailan." Naglakad ako ng mabilis at hindi na siya nilingon pa. Tinatawag niya ang pangalan ko habang mabilis din siyang naglakad para mahabol ako. Nang maabutan niya ako ay hinawakan niya ako sa kamay. "Ito namang kaibigan kong ubod ng ganda, galit na galit! Huwag ka na magalit diyan dahil nababawasan ang iyong kagandahan," sabi sabay yakap sa akin. Tinulak ko siya ng mahina. "Naku huwag mo na akong utuin pa." Nakasimangot ko siyang hinarap. Hindi naman talaga ako nagagalit. Nagkukunwari lang ako. Hinawi niya ang buhok ko. "Huwag ka nang magalit. Tara sumama ka sa akin. May handaan akong pupuntahan ngayong gabi. Magsuot ka ng dress. Pahihiramin kita ng mga sexy kong dress at pagkatapos ay aayusan na rin kita." Kumunot ang noo ko. "Saan naman tayo pupunta?" "Si Bernadette, 'yong kaibigan ni Mama na nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilyang Ford ay inaya si Mama na magpunta sa isang birthday-an. Kaso nga lang may lagnat si Mama ngayon kaya hindi siya makapupunta. Sabi ko, kung puwede ako na lang pero may kasama ako at ikaw 'yon. Sabi niya naman oo puwede." "Siraulo ka. Nahihiya! Baka mamaya bawal pala at hindi tayo papasukin. Sino ba ang mga 'yon? Sino ba ang may birthday?" Hinampas niya ako sa kamay. "'Yong anak ni Mr. Albert Ford. Si Val Ford! Ang sabi nila ay makalaglag panty daw ang itsura nito. Wala pa itong nobya kaya naman maraming babae ang nagkakandarapa na mapansin sila ni Val. Ayon sa chismis, naghahanap na raw ng mapapangasawa si Val pero walang babae ang pumasa sa standard niya. At ito pa ang sabi, malaki at mahaba raw ang talong ni Val! Talagang mababaliw ka kapag nakita mo ito! Paano pa kaya kung nahawak mo 'di ba?" Kahit kailan talaga ang baklang ito. Walang ibang nais kun'di ang mahahaba at matatabang talong. Kaya siguro nauubos ang pera niya dahil sa mga lalaking tinitikman niya. Minsan ang sarap niyang batukan. "Mukhang mayaman yata ang pamilyang 'yan. Baka mamaya magmukhang basura lang tayo roon kapag nagpunta pa tayo. Ayoko namang mapahiya. Kahit na mahirap ako, ayos lang sa akin. Sa mga ganiyang lugar kasi ay hindi maiiwasan ang mga taong mapagmata. Baka mamaya lait-laitin lang tayo roon." Inirapan niya ako."Ito naman, napaka-negative mo kung mag-isip. Huwag gano'n. Wala tayong pakialam sa kanila. Ang importante ay makakain tayo ng masarap na pagkain. At higit sa lahat, ang makita si Val Ford! Susukatin ko lang naman ang talong niya kung talaga bang mahaba ito at malaki. Kaya bilisan mo na. Umuwi ka na at maligo ka. Ako na ang bahala sa susuotin mo. Pagkatapos mong maligo, diretso ka kaagad sa bahay. Okay? Huwag ka na sanang tumanggi dahil tatapyasin ko 'yang matambok mong petchay!" "Pero kasi Rhian..." Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya. "Huwag ka nang magmatigas pa. Bilis na hintayin kita sa bahay. Bye na!" Tinalikuran na niya ako at saka mabilis na naglakad palayo. Bumuntong-hininga ako at saka nagsimula na akong maglakad. May kung anong kaba ang bumalot sa akin. Hindi kasi ako sanay na pumunta sa mga handaan. Nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit. Kung sakaling pupunta man ako roon, talagang kakain lang ako dahil hindi rin ako umiinom. Nasubukan ko na kasing uminom ng alak. Namantal ang katawan ko at sobrang bumilis ang t***k ng puso ko na tila ba hindi na ako makahinga. Akala ko no'n ay katapusan ko na. Sinalubong ako ng dalawa kong kapatid na lalaki. Ang sumunod sa akin ay sampung taong gulang at ang bunso ay walong taon. Matagal kasi akong nasundan kaya mga bata pa ang kapatid ko. Huminto ako ng pag-aaral para sa kanila. Para makapag-aral silang dalawa. Hindi na sa akin mahalaga kung makababalik pa ako sa aking pag-aaral dahil masaya na akong nakapagtapos ng high school. Ang importante sa akin ngayon ay kumita ng pera sa mga kapatid ko at kay Mama. "Kumain ka na po Ate dahil nagluto si Mama ng adobong manok. Tapos po kaming kumain lahat. Ikaw na lang ang hindi," sabi ng bunso kong kapatid na si Arman. "Saan kumuha si Mama ng pambiling ulam?" "May naitabi pa raw siya kaya bumili na siya ng ulam at nagluto para raw pagkauwi mo ay kakain ka na lang kasi alam niyang pagod ka sa palengke. Tulog na si Mama. Maaga siyang natulog dahil sumasakit ang ulo niya," sabi ni Arnold habang nagpupunas ng lamesa. "Gano'n ba. Sige kakain na ako. Aalis ako ngayon. May pupuntahan akong handaan. Pakisabi na lang kay Mama kapag hinanap niya ako. Magdadala ako ng pagkain kapag nakauwi na ako." Sumilay ang ngiti sa kanilang labi. "Sige po ate. Salamat Ate!" Nginitian ko silang dalawa at saka nagtungo na ako sa aking kuwarto. Nilapag ko ang mga dala ko at pagkatapos ay itinali ang buhok ko at lumabas na ako ng kuwarto. Pagkarating ko sa kusina ay wala na ang dalawa kong kapatid dahil tahimik itong nakaupo sa sala at nanunuod ng palabas. Nagsandok na ako nang kaunting kanin at ulam. Kaunti lang talaga ang kakainin ko dahil handaan naman ang pupuntahan ko. Kinuha ko ang cellphone ko para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad ko itong binasa. Bilisan ko raw maligo tapos ay dumiretso na ako sa kanila dahil aayusan niya pa ako. Napangiti na lang ako. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga ako sa galing niya. Iyon ang nagiging sideline niya kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. Mabilis lang ang bawat galaw ko. Isinara ko na ang pinto. Kumaway pa ako sa mga kapatid ko bago tuluyang naglakad palayo. Naabutan ko si Rhian na nag-aayos sa kaniyang sarili. Ang ganda ni Rhian kung naging babae siya. Sa totoo lang kasi ay guwapo si Rhian kung naging lalaki lang siya. "Tingin-tingin ka riyan? Ano? Inggit ka na naman sa beauty ko? Ang ganda ko 'no?" Ngumiti siya ng matamis sabay rampa sa harapan ko. Kumembot-kembot pa siya. Tumawa ako nang malakas dahil sa pinaggagawa niya. Rumampa siya na para bang modelo. Nakangiti ako habang pinapanuod siya. "Ang galing talaga ng kaibigan ko! Kapag sumali ka ng mga pageant ay sure win talaga! Go Rhian Ramos!" Kumurap-kurap siya. "Thank you." Lumapit siya sa akin at saka pinaupo ako sa isang monoblock. "Umayos ka ng upo dahil pagagandahin na kita. Gandang hindi mo aakalain!" "Sige gusto ko 'yan!" Nagsimula na siyang ayusan ako. Pinikit ko ang mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng antok. Inaantok kasi talaga ako kapag inaayusan ako sa mukha. Magaan pa ang kamay ni Rhian kaya mas lalo akong inaantok. "Hoy Adora baka makatulog ka riyan katulad ng dati. Sasampalin talaga kita nang magising ka," sabi niya habang inaayos ang kilay ko. Natawa ako bigla nang maalala ko 'yon. May pinuntahan kasi kaming debut no'n tapos inayusan niya ako tapos nakatulog ako. Akala niya nagkukunwari lamang akong tulog pero ang totoo ay nakatulog na talaga ako. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Ang ganda ko. Ang galing ni Rhian magmake-up. Tila ba isa akong kandidata sa isang pageant. "Ang ganda mo Adora! Nakaiinggit ka! Pero syempre mas maganda pa rin ako!" Tinawanan ko lamang siya. Tumayo na ako. Hinila niya ako patungo sa kaniyang kuwarto at pagkatapos ay pinakita niya sa akin ang dress na susuotin ko. Napangiwi ako. "Sobrang sexy naman 'yan! Kita ang dibdib ko diyan." "Mainam nga para makapang-akit ka ng mayamang lalaki roon! Bilisan mo na! Suotin mo na ito." Iniabot niya sa akin ang hawak niyang dress. Wala na akong nagawa kun'di ang kunin ito at suotin. Matapos kong makapagbihis ay dumiretso na ako sa sinasabi niyang kaibigan ng kaniyang ina. Sa kanila kasi kami sasabay. Sumukay kami sa isang van. Hindi naman daw ito ganoon kalayo. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang malaking bahay na may malaking gate. Pinagbuksan kami ng guwardiya roon. Pagkababa ko ng sasakyan ay namangha ako sa aking nakita. Ang laki ng bahay nila. Parang mansiyon na ito. "'Yong bibig mo Adora kulang na lamang ay tumulo ang laway mo. Halika na. Sundan na natin si Aling Bernadette." Sumunod na ako sa kanilang maglakad. Pagkapasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang maraming pagkain sa isang mahabang mesa. Tiningnan ko ang mga tao na may kaniya-kaniyang kinakausap. Sa suot pa lang ng mga ito ay masasabi kong mayaman sila. "Dito lang tayo banda, hindi tayo puwede roon kasi mga VIP ang nandoon. Mga bisita ni sir Val." Tumango kaming dalawa ni Rhian. "Puwede bang maglibot-libot dito?" bulong ko kay Rhian. "Puwede naman siguro," sagot niya. Lumabas muna ako ng kanilang bahay. Magpapahangin muna ako saglit. Nadako ang paningin ko sa isang lalaki na may kausap sa kaniyang cellphone. Tinitigan ko ang kaniyang mukha. Parang nakita ko na siya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya upang masilip ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko. Siya 'yong lalaking bumili sa akin ng talong! Siya 'yong nakakita ng kulay pink kong panty! Nang maramdaman kong lilingon siya ay nagmamadali akong nagtago. Wala na akong maisipang mapagtaguan kun'di sa basurahan. Mabuti na lang at hindi mabaho rito. "Aray ko!" daing ko nang may kung anong tumama sa braso ko. May nakausli pa lang bote. Nagulat ako nang makita kong may malalaking paa ang nasa harapan ko. Nag-angat ako nang tingin. Nandito siya sa harapan ko! "Anong ginagawa mo riyan sa basurahan babae?" Kunot-noong tanong niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD