3: Warm Hug

1972 Words
Mariin akong napapikit sabay kagat ng pang-ibaba kong labi. Kumamot ako sa aking ulo habang nakatingin sa mga paang nasa harapan ko. "Punyeta naman nakita niya pa ako!" sigaw ko sa aking isipan. Tumikhim siya. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your ass," mala-kulog na sabi niya. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin. Alanganin akong napangisi sabay tayo. Nagtama ang tingin naming dalawa. Seryoso lamang ang guwapo niyang mukha. Binalot ako ng kaba sa dibdib. Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa. "Sorry," tanging nasabi ko sabay yuko. Nakapamulsa siyang naglakad palapit sa akin. Siguro isang dangkal na lamang ang pagitan naman sa isa't-isa. Amoy na amoy ko ang pabango niya. "Anong ginagawa mo sa basurahan?" Napakamot ako ng ulo. "Natakot kasi ako sa iyo." "Natakot? Why? Ano bang akala mo sa akin? At isa pa, bakit ka nandito? Sino ka ba? Sinong nag-imbita sa iyo rito? Do you know that it's my birthday?" Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin ay siya pala si Val Ford?! Ang guwapong anak ni Mr. Albert Ford? Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Parang nakita na kita before. I can't remember where or when, but you look familiar." Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Punyeta mukhang maaalala niya pa yata na ako ang nagtitinda ng binili niyang mahahaba at matatabang talong! "Saan mo naman ako nakita?" Humawak siya sa kaniyang baba na para bang inaalala niya kung saan ba talaga kami nagkita. Bakit niya pa inaalala ang unang pagkikita naming dalawa? Hindi naging maganda ang unang pagkikita namin dahil sa butas kong panty na kulay pink! Kasi naman, nakalimutan kong bumili. Iilan na lamang ang mga panty kong maayos at karamihan sa mga ito ay luma na. Marami-rami na rin ang butas pero hindi ko magawang maitapon dahil sayang naman. Mahal rin kasi ang panty kaya hindi ko na binibigyan pa ito ng pansin. Pagkain talaga ang priority ko. "Hindi kasi ako puwedeng magkamali. Nakita na kita. Alam ko 'yon sa sarili ko." Humawak siya sa kaniyang sintindo at saka mariing napapikit. Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan na kaya si Rhian? Kumakain na kaya siya? Dapat pala hindi na ako lumabas pa. Dapat pala hindi ko na naisip maglibot-libot sa malaking bahay na ito. Kung nangyari 'yon, hindi ko sana kaharap si Val. Bigla siyang nag-angat nang tingin sabay ngisi. "I remember now. Ikaw 'yong babaeng may panty na kulay pink. Nakita ko 'yon dahil muntik nang masubsob ang mukha mo sa semento. Nice panty, huh? And nice eggplants. Natuwa ang Mommy ng kaibigan ko dahil sa talong itinitinda mo. It is long and big." Pilit akong ngumiti kasabay nang mahigpit na paghawak sa suot kong dress. Kainis! Bakit niya pa naalala? Sabi na nga ba't ang kulay pink kong panty ang magpapaalala sa kaniya no'n! "But anyway, bakit ka nga nandito? Sino ang nag-imbita sa iyo rito? Wala akong matandaang inimbita kita. Maybe it's my Dad, but you're not working with us. You're not one of our maids here." Tumikhim ako sabay umayos nang pagkakatayo. "Hindi nga ako isa sa mga kasambahay niyo rito pero inimbita kami ni Aling Bernadette. Isa siya sa mga kasambahay niyo rito. Sa totoo nga lang, ayoko talagang pumunta dahil nakahihiya pero pinilit niya kasi kami kaya sumama na lang ako," palusot ko sabay nguso. Ngumisi siya. "Yes you're right. Talagang nakahihiya. Puro mayayaman ang mga tao rito. You know it right? I'm a billionaire, so what do you expect from my visitors? Ofcourse, they are rich also. So why are you still here?" mayabang niyang sabi. Napairap na lang ako sa hangin. Napakayabang! Akala kung sino. Ano naman kung bilyonaryo siya? Pakialam ko sa kaniya? Pare-parehas lang naman kaming tao. Hindi naman niya madadala sa hukay ang pera niya kapag namatay siya. Ang yabang. Akala mo kung sinong tao. "Ang yabang mo naman! Wala naman akong pakialam kung bilyonaryo ka. Nandito lang ako kasi napilit lang ako. At saka pakialam ko ba sa inyo. Makikikain lang naman ako. 'Yon lang. Hindi kami manggugulo. Talagang kakain lang kami kasi once in a lifetime lang ito, papalagpasin ko pa ba?" Taas-noong sabi ko sa kaniya. Bigla siyang natawa. Nairita ako bigla. Punyetang lalaking ito. Anong nakatatawa sa sinabi ko? Minamaliit niya ba ako? "Anong tinatawa-tawa mo riyan? Minamaliit mo ba ang isang tulad ko? Okay sige ikaw na ang mayaman. Pakialam ko? Yayaman din ako. Soon but never." Inirapan ko siya sabay hawi ng aking buhok. Humagalpak siya nang tawa. Mas lalo akong nairita. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Anong nangyayari sa kaniya? Nababaliw na ba siya? Hindi ko naman lubos akalain na baliw ang isang guwapong katulad niya. Kawawa naman pala. "You know what? You're so funny. You make me laugh so hard. I appreciate that. Anyways, baka nagugutom ka na. You can go inside and eat what you want." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sigurado ba siya? "Paano ko makakain ang pagkaing gusto ko kung bawal kaming pumunta sa mga table ng VIP? Doon lang daw kami sa tabi sabi sa akin ni Aling Bernadette," nakangusong sabi ko. "Don't worry, I'm going to tell them na bigyan ka ng foods mula sa VIP table. Go inside now. Papasok na rin ako." Nagkibit-balikat na lamang ako atsaka malalaking hakbang na lumakad papasok sa loob. Bigla akong natuwa. Medyo may kabaitan naman pala siya. Sa wakas, matitikman ko rin ang mga pagkaing hindi ko pa natitikman sa buong buhay ko. Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong lumalamon na si Rhian. Malalaki ang bawat pagsubo nito. Halatang gutom. Nang makita niya ako ay kaagad siyang sumenyas sa akin. "Siraulo ka saan ka galing? Bruha ka talaga! Kanina pa kita hinahanap! Kumain ka diyan. Nauna na ako kasi kanina pa ako nagugutom. Plato na lang pala at kutsara ang kukunin mo, may mga nagse-serve pala diyan ng pagkain." Tumayo ako atsaka nagtungo sa buffet table. Lahat ng putahe ay ipinalagay ko sa aking plato. Bahala na kung magsama-sama ang mga ito. Ang mahalaga ay matikman ko silang lahat. "Saan ka ba galing babae ka?" tanong niya nang maupo ako sa kaniyang tabi. "Diyan lang, nagpahangin lang ako saglit. Napasarap kasi ako sa pagpapahangin kaya medyo natagalan. Nilibot ko rin ang paningin ko sa bahay na ito. Ang ganda kasi. Ang laki-laki pa. Balang-araw magkakaroon din ako ng ganito kalaking bahay." "Magkakaroon ka talaga ng ganito kalaking bahay kung gagamitin mo 'yang alindog mo. Kung ako sa iyo, gamitin mo na 'yan ngayong gabi. Akitin mo si Mr. Val Ford. Kapag siya ang napangasawa mo, wala ka ng magiging problema pa dahil mayaman ka na! Bilyonaryo ang magiging asawa mo! At higit sa lahat, guwapo na, masarap pa! Kaya ano pang hihintay mo? Ibalandra mo na ang matambok mong petchay!" Siniko ko siya sa kaniyang tagiliran. "Bunganga mo Ryan!" Inirapan ko siya at saka nagsimula na akong kumain. "For your information, my name is Rhian. Not Ryan. Who's Ryan huh? I don't know him." Inirapan niya ako. Matapos kong kumain ay pakiramdam ko nagugutom pa ako. Tumingin ako sa buffet table. Gusto ko pang kumuha ng pagkain kaso nahihiya na akong bumalik. Baka sabihin nila na napakatakaw ko kababae kong tao. Pagkatingin ko sa aking unahan ay may mga waiters na naglapag ng iba't-ibang putahe sa harapan ko. Nangunot ang noo ko. "Para sa inyo raw po iyan sabi ni Mr. Val. Enjoy eating Ma'am," sabi ng waiter sabay ngiti. Tiningnan ko ang mga putaheng nasa harapan ko. Ngayon ko lamang ito nakita at hindi ko alam ang mga pangalan ng mga ito pero mukhang masarap. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid para hanapin si Val ngunit wala naman siya. Akma na sana akong titikim nang sikuhin ako ni Rhian. "Hoy bruha ka! Nagkita na pala kayo ni Mr. Val? Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Pinaglilihiman mo na ako?" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong sa akin. Tumawa ako. "Sorry na. Ganito kasi 'yon, pagkalabas ko may nakita akong lalaki na may kausap sa phone tapos tiningnan ko kung sino kasi parang pamilyar. Tapos ayon siya nga si Val, pamilyar siya kasi bumili siya ng talong sa akin. Inutusan siya ng kaibigan niya. Dapat talaga ang kaibigan niya ang bibili kasi inutos ito ng Mama niya kaso may injury yata 'yong kaibigan niya kaya si Val ang bumaba ng sasakyan para bumili sa akin." Dahan-dahan siyang umatras palayo sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong sabunutan. Hindi naman ito masakit dahil hindi naman malakas. "Bruha ka talaga! Paano mo nalamang siya si Val?" "Ayon na nga, nagtago ako sa basurahan nang maramdaman kong lilingon siya kaso may kung anong tumusok sa braso ko kaya napasigaw ako ng aray. Pagkatapos no'n nagulat ako nasa harapan ko na siya. Tinanong niya pa nga kung sino ang nag-imbita sa akin kasi hindi naman ako isa sa mga katulong dito kaya sinabi ko na si Aling Bernadette ang nagpapunta sa atin dito. Tapos 'yon sinabi niya na siya si Val Ford at birthday niya ngayon." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sabay palo sa kamay ko. "Sige na! Sa susunod huwag ka nang maglilihim sa akin dahil tatapyasin ko 'yang matambok mong petchay." Tumawa na lang ako tapos sinimulan ko nang lantakan ang pagkaing nasa harapan namin. Maya-maya pa ay may mga isinalin na wine sa aming baso. Nagkatinginan kami ni Rhian. "Uminom ka bruha. Nakahihiya naman kung hindi ka iinom. Huwag kang mag-alala, nandito naman ako. Ako ang bahala sa iyo." "Pero kasi baka mamaya magsuka na lang ako diyan. Hindi kasi ako sanay uminom ng alak kahit na wine pa 'yan," bulong ko. Pinandilatan niya ako. "Sige na! Ako nga ang bahala. Baka kasi isipin nila na ignorante tayo. Syempre makisabay tayo sa kanila ng kahit kaunti." Ngumuso na lamang ako sabay dire-diretsong nilagok ang wine na nasa baso ko. Napapikit ako dahil sa pinaghalong pait at tamis na lasa nito. Muling nagsalin ang waiter na nasa baso ko. Nilagok kong muli 'yon at pagkatapos ay kumain na ako. Nagsalin ulit ito. Nakatingin na lang ako habang sinasalinan ang baso ko. Maya-maya pa ay tila ba nakaramdam na ako nang pagkahilo. Naduduling na rin ako. Humawak ako sa sintindo ko at hinilot-hilot ito. Muli kong nilagok ang alak na nasa baso ko. May kaunting tumulo sa aking bibig. Pinunasan ko iyon gamit kamay. Napahawak ako sa aking sikmura. Tila ba nasusuka ako. Kumapit ako sa balikat ni Rhian. "Rhian, labas lang muna ako saglit. Nahihilo na kasi ako. Magpapahangin lang ako para mawala 'yong tama ng alak sa akin." Tumayo na ako ngunit hinawakan niya ako sa kamay. "Teka lang, baka magsuka ka sa labas," sabi niya sa tonong nag-aalala. Ngumiti ako. "Mas ayos na 'yon kaysa rito ako magkalat." Mabagal ang paglakad ko patungong labas. Napahawak ako sa gilid ng pader dahil muntik na akong madapa. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa matalisod ako. Mabuti na lang may nakasalo sa akin. Nag-angat ako nang tingin. Si Val pala. "Amoy alak ang bunganga mo. Bakit masyado kang nagpakalasing?" inis niyang tanong sa akin habang yakap ako. Ang init ng katawan niya. Damang-dama ko ito. Tinikom ko ang bibig ko dahil nararamdaman kong masusuka na ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang mainit niyang yakap sa akin. "Huwag mo akong masyadong yakapin dahil baka may makakita pa sa atin. Nakahihiya naman kayakap ko ang isang katulad mo." Hindi ko na pinansin pa ang kaniyang sinabi dahil hindi ko na napigilan pang masuka. Sumuka ako sa dibdib niya. "Ano 'yon? Bakit parang ang init?" tanong niya sabay tulak sa akin ng bahagya. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang puno ng suka ang damit niya. Galit siyang tumingin sa akin. "What the f*ck?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD