Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at saka dahan-dahang bumangon mula sa aking higaan. Inayos ko ang pinaghigaan ko bago tumingin sa salamin upang makita kung maayos ba ang aking itsura. Pagkalabas ko ay wala na ang mga kapatid ko dahil pumasok na ito sa eskuwela. Naabutan kong may pagkain sa lamesa. Tumingin ako sa oras. Alas siete y media na pala ng umaga. Nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Ay punyeta tanghali na pala!" bulaslas ko at saka nagmamadaling kumilos.
Patungo na sana ako sa banyo upang makaligo ngunit nakita ko ang pagkain sa mesa. Mabilis ko itong nilantakan dahil ayoko namang hindi ito kainin. Hinanda ito sa akin ni Mama kaya naman kailangang kainin ko ito upang hindi siya magtampo sa akin.
"Mama sorry po tinanghali ako ng gising. Naabala ko pa po kayo. Bakit hindi niyo ako ginising Mama?"
Kaagad kong nilapag ang baon kung kanin sa ilalim ng mesa. Inayos ko ang mga gulay upang mas maganda itong tingnan ng mga mamimili.
"Hindi na kita inabala pang gisingin dahil alam kong may hang over ka pa. Baka mamaya kasi matumba ka pa sa daan dahil masakit ang ulo mo. Hindi ba sabi ko sa iyo huwag kang iinom ng alak dahil bawal hindi mo makokontrol ang sarili mo at masusuka ka lang?"
Napakamot ako ng ulo dahil ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita ni Mama. Peke akong ngumiti sabay tawa nang mahina.
"Sorry na po Mama. Hindi lang kasi ako makatanggi. Syempre Ma, nakahihiya naman kung tatanggihan ko lalo pa't mga mayayaman ang naroon tapos halos lahat sila nag-iinom ng wine," sabi ko sabay nguso.
Bumuntong-hininga si Mama. "Basta sa susunod, kaunting-kaunti lang ang iinumin mo. Uminom ka pero kaunti lang dahil baka mamaya masuka ka na naman. Nakahihiya dahil hindi bastang tao ang may birthday na pinuntahan niyo."
Biglang nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Punyeta! Nasukahan ko si Val kagabi sa damit niya!
"Bakit? Anong nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanont ni Mama.
Napalunok ako ng ilang beses. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig. "Wala po Ma. S-sino po pala ang n-naghatid sa akin sa bahay? A-ano po pala ang itsura ko kagabi? Nag...nagkalat po ba ako ng suka kagabi?" Sunod-sunod kong tanong.
Inirapan ako ni Mama. "Si Rhian ang naghatid sa iyo. Karga ka niya kagabi dahil tulog ka na. Naduduwal na nga siya sa iyo dahil ang dami mong suka sa damit. Para kang bata na sumuka. Kalat sa suot mo. Pati si Rhian mayroon na rin sa damit niya."
Nangasim bigla ang mukha ko. Grabe pala ang katangahan ko kagabi! Siguro galit nito sa akin si Rhian!
"May...may sinabi pa ba siyang iba sa iyo Mama?"
Umiling siya. "Wala na. Iyon lang. Humingi ka ng sorry kay Rhian dahil kawawa itsura niya sa ginawa mo sa kaniya. Sinukahan mo siya."
Tila bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. "O-opo Ma. Mamaya kapag pumunta siya rito sa puwesto ko. Baka kasi nasa kanila pa iyon."
"Okay sige." Tumayo si Mama at saka pinagpagan ang kaniyang sarili. "Sige na aalis na muna ako. May lakad kasi kami ng mga kumare ko. Ayoko sanang sumama kaso baka magtampo ang mga iyon. Lagi ko raw silang tinatanggihan sa tuwing mag-aaya silang lumabas kami."
"Sige po Mama ingat po kayo."
Tinanguhan na lamang ako ni Mama at saka nagsimula na siyang maglakad paalis. Nanatili akong nakatingin sa kaniya hanggang siya ay makasakay na ng jeep.
"Ay petchay na matambok!" malakas na sigaw ko nang biglang kumurot sa aking binti.
Humagalpak ng malakas na tawa si Rhian. Matalim ko siyang tiningnan sabay upo ng pabagsak. Tinabihan niya ako.
"Hoy Adora! Huwag mo akong artehan diyan ha! May kasalanan ka pa sa akin kahapon!"
Nilingon ko siya habang nakaarko ang kilay ko. "Kasalanan? Anong kasalanan ko sa iyo? Anong pinagsasabi mo riyan?"
"Sinukahan mo ako! At hindi lang iyon, sinukahan mo pa si Val Ford! Grabe kang babae ka! You're so nakahihiya! Mabuti na lang naisipan kong lumabas para hanapin ka at nakita kitang nakayakap sa kaniya. Tapos bahagya ka niyang itinulak at nanlaki ang mata ko nang makita ko na puro suka mo ang suot niya! Ano ba 'yang kagagahan mo!"
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang palad ko. Binabalot ako ng kahihiyan ngayon. Ano bang katangahan ang ginawa ko?
"Mabuti na lang mabait si Val. Pinahatid niya pa tayo sa driver niya para makauwi tayo ng maayos. Tapos ikaw na letche ka sinukahan mo pa talaga ako sa loob ng kotse niya! Nagkaroon tuloy ng suka mo 'yong kotse niya. Halos lahat yata ng kinain mo niluwa mo lahat."
Malungkot ang mukha kong humarap sa kaniya. "Sorry Rhian. Hindi ko naman si sinasadya 'yong nangyari. Hindi ko naman gusto na sukahan kayo. Lasing na ako no'n. Kaya nga sinabihan kita na huwag mo akong painumin 'di ba? Naparami pa naman ako no'n."
Bumuntong-hininga siya sabay hampas ng mahina sa aking braso.
"Sige na huwag ka ng malungkot diyan. Ayos lang naman sa akin na nasukahan mo ako. Nga pala kumusta naman ang pagyakap mo kay Val? Masarap bang damhin ang matigas niyang dibdib?"
Biglang uminit ang aking pisngi na pakiramdam ko namumula na ako ngayon. Sumingkit ang mata ni Rhian.
"Bakit mo ba tinatanong? Huwag mo ng tanungin pa dahil naaalala ko lang ang katangahan ko."
Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin na para bang nang-aasar. Ngumuso ako.
"Ryan..."
Sabay kaming napalingon nang may tumawag kay Rhian.
"Ano ba naman Aling Bernadette! Sabing huwag mo akong tatawagin ng Ryan dahil Rhian ang pangalan ko!" pagmamaktol ni Rhian sabay nguso.
Napangiwi si Aling Bernadette. "Arte mo Ryan. Nasanay na kasi akong Ryan ang itawag sa iyo kaya huwag ka ng mag-inarte pa riyan."
"Aling Bernadette naman!"
"Hay naku! Ewan ko sa iyo. Pabili ako ng dalawang kilong baboy."
Nakairap na tumayo si Rhian. Natawa na lang ako sa mukha niya.
"Nga pala Adora, dalhan mo ng isang kilong talong si Sir Val. Sabi niya sa bahay nila mo ito dalhin. Doon ka na rin niya babayaran. Mamayang hapon pa naman."
Biglang tumambol ang aking dibdib. Bakit kailangang sa kanila ko pa dalhin? Hindi ba puwedeng dito na lang siya bumili gayong may sasakyan naman sila?
"Po? Bakit sa kanila pa? At isa pa po bakit hindi na lang ngayon kayo bumili ng talong para hindi ko na ihatid sa kanila?"
"Iyon ang utos ni Sir Val. Sundin mo na lang Adora. Malay mo bigyan ka pa ng tip dahil sa paghatid mo sa kanila ng paninda mong talong. Isama mo na lang si Ryan para may makasama ka pauwi. Sige na, marami pa akong gagawin."
Wala na akong nagawa kun'di ang tumingin lamang kay Aling Bernadette na naglalakad papalayo. Ano ba naman 'yan! Ayoko na ngang magkita pa kami dahil sa ginawa kong katangahan pero ganito naman!
"MATAGAL KA PA ba riyan?" tanong ko kay Rhian habang tinitingnan siya habang nag-aayos. Nagpapaganda pa kasi ang bakla.
"Huwag kang mainip diyan Adora. Kailangang maganda ako sa paningin ni Val. Kailangang maakit siya sa alindog ko," sabi niya habang patuloy pa rin sa paglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha.
Napakamot na lang ako ng ulo. "Oo sige na bilisan mo."
Nadako ang paningin ko sa TV. Napangiwi ako dahil sa naghahalikan ang aktor at aktres na pinapanuod ko ngayon. Hollywood movies.
"Grabe talaga ang mga Hollywood movies. Talagang bakbakan kung maghalikan sila," sabi ko habang nakatitig pa rin sa TV.
"Ganoon talaga. Lamon kung lamon ang mga 'yan. Kaya kung ako sa iyo, mag-asawa ka na lang ng ibang lahi. 'Yong mayaman kung ayaw mo sa Pinoy. Malalaki, mahahaba at matataba ang mga talong no'n. Abot sikmura mo talaga tapos magagaling pang bumayo," aniya sabay tawa ng malakas.
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya. "Bastos ka talagang bakla ka!" sigaw ko sabay hampas sa kaniyang braso. Napalakas yata ang hampas ko dahil napangiwi siya.
"Ay nanakit kang babae ka?"
"Ewan ko sa iyo!"
Tatalikod na sana ako nang bigla akong hatakin ni Rhian. Nagulat ako nang itaas niya ang kilikili niya at isinubsob ang mukha ko rito.
"Halikan mo ang kilikili ko! Ang sakit mong manghampas ah!"
"Punyeta!" sigaw ko sabay tulak kay Rhian.
Nahalikan ko ang kilikili ni Rhian na amoy baktol!