5: Explode

1530 Words
Napalunok ako habang nakatingin sa malaking gate ng pamilyang Ford. Kararating lang naming dalawa ni Rhian. Humigpit ang hawak ko sa dala kong isang kilong talong. Pinili ko talaga ang mahahaba at matatabang talong na paninda ko. "Anong itsura 'yan Adora? Parang isang nakatatakot na lugar ang nasa harapan natin ngayon dahil sa itsura mo. Bakit ba ganiyan mukha mo? Ngumiti ka kaya, bruha ka!" singhal sa akin ni Rhian. Napakamot ako ng ulo. "Kinakabahan kasi ako." "Bakit naman? Kinakabahan saan?" Kumamot ako sa aking ulo sabay ngisi ng pilit. "Kasi nga 'di ba, nasukahan ko siya. Nahihiya akong humarap sa kaniya." "Hay naku Adora! Act normal na lang. 'Yong parang walang nangyari. Halika na!" Hinila na niya ako. Wala na akong nagawa kun'di magpatianod. Kaagad naman kaming pinapasok ng guard dahil alam nila na darating kami. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Nakalulula ang ganda nito. Napakayaman talaga ng pamilya Ford. Napakasuwerte ng mapangangasawa ni Val kung sakali dahil halos nasa kaniya na ang lahat. "Hello po. Magandang ha-hapon po sa i-inyo," mautal-utal kong bati sa kanila. Kasalukuyang nasa sala nakaupo si Mr. Albert habang nagbabasa ng dyaryo. Tumayo ito nang makita kami. "Kayo na ba si Adora at Ryan?" "Opo Sir. Ako po si Adora." "Yes Sir pero hindi na po Ryan ang pangalan ko. It's Rhian Sir," sabi ni Rhian sa boses pambabae. Siniko ko siya. Natawa naman si Mr. Albert. "Okay I'm sorry Rhian. By the way, 'yan na ba ang talong na bibilhin ko? Gusto ko na kasi kumain niyan dahil ang sabi sa akin ng kaibigan ng anak kong si Val ay malalaki at mahahaba ang talong na paninda mo Adora. Puwede ko na ba itong kunin? Torta ang gustong luto nito tutal iyon ang paboritong luto ng yumao kong asawa." Iniabot ko ang dala kong talong kay Mr. Albert. Kaagad niya itong kinuha at saka kumuha ng isa upang tingnan. "Malalaki nga ito at mahahaba. Wala ring butas-butas. Talagang maganda ang paninda mong talong Adora," aniya sabay tango-tango. "Salamat po Sir," sabi ko sabay kamot ng ulo. "Magkano ito?" "Singkuwenta lang po Sir." "Okay." May kung ano siyang kinuha sa kaniyang bulsa. Iniabot niya sa akin ang isang libong piso. Napakamot ako ng ulo dahil wala akong dalang panukli. Pamasahe lang kasi ang dinala ko. At saka hindi rin naman kami magtatagal dito dahil alam kong nais lang siguro na ihatid dito ang binili nilang talong. "Sir, wala po ba kayong maliit na halaga lang po? Fifty pesos lang po sana Sir. Wala po kasi akong dalang panukli sa inyo." Kumamot ako ng ulo sabay tawa ng alanganin. Nginitian niya ako. "You don't need to. Sa iyo na ang sukli. Keep the change." "Pero Sir..." "Please accept it now. Bayad ko iyan sa inyo dahil inihatid niyo rito ang talong na binili ko. Huwag muna kayong umuwi dahil nagpaluto ako. Dito na kayo maggabihan. Samahan niyo kami ng anak ko." Nagkatitigan na lamang kami ni Rhian. Nakatawa niya akong inirapan. Napailing na lamang ako. "Maupo muna kayong dalawa riyan. Manuod muna ako ng palabas." "Sige po Sir salamat po," saad ko at saka naupo na sa sofa. Nakatuon lamang ang paningin ko sa palabas ngunit wala akong naiintindihan sa pinapanuod ko. Nilingon ko si Rhian na seryosong nanunuod. "Argh! Ang sakit ng ulo ko." Napatingin ako sa aking likuran. Nakita ko si Val na pababa ng hagdan. Mukhang kagigising lang nito. Nagtama ang paningin naming dalawa. Nanlaki ang mata ko samantalang siya ay ngumisi. "Nice one Adora. You're here," nakangising sabi niya. Peke ang ngumiti. "O-oo na-nandito nga ako," sabi ko sabay tawa ng pilit. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Panigurado si Rhian ang nagsabi nito. "Did my Dad buy some eggplants to you?" "Oo isang kilo." "I see. That's my Mom favorite vegetable. Prito o tortang luto ang gusto niya." Lumakad siya palapit sa amin. "I miss her," aniya sa malungkot na tono ng boses. "You're already awake Val. Hindi mo sinabi sa akin na magandang dalaga pala ang nagtitinda ng talong na binili niyo. Kahawig siya ng pinsan mo." Tumingin sa akin si Val. "Yes. They're look alike. Pero mas maganda ang pinsan kong 'yon." Nakangising sabi niya sabay talikod. Napairap na lamang ako. Maraming pagkaing nakahain ngayon sa malaking lamesa na nasa aking harapan. Natakam ako bigla. Ganito pala talaga kapag mayayaman. Maraming pagpipiliang ulam hindi kagaya sa tulad kong mahirap na masaya na sa iisang ulam at masuwerte na kung dalawang klase ng ulam ang nakahain. "Kumain kayo ng marami. Huwag kayong mahiyang dalawa. Sige na kumain na kayong dalawa." Napalunok ako ng ilang ulit dahil talagang nagugutom na rin ako. "Sige po Sir. Salamat po. Lalamon na ako." Natawa siya. "Sige Adora kain lang." Hindi na ako nag-abala pang lingunin si Rhian sa tabi ko dahil nagsimula na akong lumamon. Nilantakan ko kaagad ang sugpong nasa harapan ko. Napakasarap ng pagkakaluto nito. Wala na akong pakialam sa paligid ko basta lalamon ako. Sinunod ko naman ang adobong baboy. Ang sarap din ng pagkakaluto nito dahil matamis-tamis at may kaunting anghang ito. Nakatatlong sandok na yata ako ng kanin. Siniko ako ni Rhian. "Bruha ka, dahan-dahan lang sa paglamon dahil baka mabulunan ka." Kumuha siya ng isang basong tubig at saka inilagay sa tabi ng plato ko. Kinuha ko iyon at kaagad na nilagok. "Hindi ako mabubulunan. Ayos lang ako. Kailangan kong sulitin ang pagkain ko rito dahil sa susunod wala na ito. Lumamon ka na lang din diyan. Sulitin na natin ang araw na ito. Lamon lang," bulong ko sa kaniya sabay kuha ng pritong manok. Hindi ko na pinansin pa ang niluto nilang tortang talong dahil sawang-sawa na ako rito. Matapos naming kumain ay pakiramdam ko sasabog ang tiyan ko sa dami kong kinain. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. "Nabusog ka ba Adora?" tanong sa akin ni Mr. Albert. "Opo Sir sobra po. Napakasarap ng mga inihain niyong ulam. The best! Sa uulitin kung makauulit pa!" Narinig kong tumawa si Val. "Ibang klase talaga," mahinang sambit niya pero rinig ko. Sinamaan ko siya nang tingin. "Sure, no problem. Basta kapag bibili ako ng talong ay pakihatid na lang dito. Sa inyo na ako lagi bibili. Ayoko kasing mawala ito sa mga ulam na nakahain sa mesa dahil ito ang nagpapaalala sa akin sa mahal kong asawa." "Sige po Sir. Wala pong problema." "Salamat Adora. Mamaya na muna kayong dalawa umalis. Magpahinga muna kayo saglit dahil katatapos niyo lang kumain. Maupo muna kayo sa sala." Tumango na lang ako at saka nagtungo sa sala. Pagbagsak akong naupo. Hinimas-himas ko ang tiyan ko. Ang dami ko pala talagang nakain. "Pasaway ka talaga Adora! Nakasampung sandok ka yata ng kanin. Para kang bibitayin sa ginawa mong paglamon." "Sorry na. Hindi ko lang kasi talaga napigilan ang sarili ko kanina. Ang sarap kasi talaga ng pagkain. At saka parang hindi mo naman ako kilala kung kumain." Inirapan niya ako sabay iling. "Oo kilala kita kung kumain. Para kang may anaconda sa tiyan mo." Napapikit ako dahil medyo sumasakit ang tiyan ko. Dagdag na rin ang malamig na paligid dahil sa aircon ay nakaramdam ako ng antok. "Baka makatulog ka riyan babae." Minulat ko kaagad ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Val. "H-hindi po Sir Val. Nagpapahinga lang kami saglit tapos uuwi na rin kami." Nagkibit-balikat siya at saka naupo sa aking harapan. "Stop calling me Sir. Just Val." Alanganin akong napatango. "Sige Sir este Val." Val mukhang Vulvol! "Bakit ka nakangiti?" Kunot-noong tanong niya. Mabilis akong umiling. "Wala. Wala naman. May naisip lang ako." Natawa ako dahil sa Vulvol. Val the Vulvol. Makapal kaya ang bulbo*l niya? Hay ewan bakit ko ba naiisip! Napangiwi ako nang maramdaman ko ang biglang pagsakit ng aking tiyan. Hinimas-himas ko ito upang sakaling mawala ngunit mas lalo itong sumasakit. Pakiramdam ko tinatawag ako ng kalikasan. Napansin yata ni Val na hindi ako mapakali kaya tumingin siya sa akin. "Ay putek!" biglang sabi ni Rhian nang tumunog ang cellphone niya. "Teka lang lalabas lang ako saglit may tumatawag sa akin. Labas lang ako saglit." Kaagad siyang naglakad palabas ng pinto habang ako naiwan na namimilipit sa sakit ng tiyan. Punyeta hindi ko na yata kaya! Natatae na ako! "What's wrong?" Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malamig. "Ha? A-ano? Wa-wala naman." Lumapit siya sa akin. "Bakit? Anong nangyayari sa iyo? Are you okay?" Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sobrang sakit na talaga ng tiyan ko at pakiramdam ko gusto ng lumabas ng tae ko sa puwet. Napahawak ako sa mapintog niyang braso. Matigas ito at kaysarap hawakan. Tila hindi niya alam ang kaniyang gagawin habang nakatingin sa akin. Kagat-kagat ko lamang ang pang-ibaba kong labi. "Hoy! Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit? Ayos ka lang ba? Answer me!" Nanlaki bigla ang mata ko nang maramdaman kong may bumulwak mula sa akin. Kasabay nito ang hindi kaaya-ayang amoy. "Su...sumabog ang t-tae ko..." mahinang sambit ko sabay hawak sa puwetan ko. May mainit na likido akong naramdaman mula sa aking short. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin sabay takip ng ilong. "What the f*ck? Did your sh*t explode in your shorts?" nandidiring sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD