Ay, hindi pa ba tapos? Umawang ang labi ko, gulat na gulat ako sa sinabi nito. Hindi pa nga rin ako nakakabawi sa kaninang sinabi niya, sa isang iglap ay bigla na lang ako nitong binuhat kung saan ay mabilis ko ring ipinulupot ang dalawang binti ko sa baywang nito upang maiwasang malaglag. Para pa akong lantang gulay habang namamahinga ang ulo ko sa kaniyang balikat, doon naman ay amoy na amoy ko ang naturabg amoy ng katawan ni Gabriel. Sa magkadikit pa naming dibdib ay ramdam na ramdam ko roon ang magkasabay na pagtibok ng puso naming dalawa. Iisa lang ang ritmo nito na animo'y nagkasundo ang mga puso namin, bawat pagpintig ay pangalan ng isa't-isa ang isinisigaw. Gaano man nga karahas akong inangkin ni Gabriel kanina ay dama ko pa rin doon ang pagiging sinseridad niya. Tipong iyong p

