"Lights, camera, action!" panimula ni Warren. "Totoo ba, Junard?" angil ni Melvin habang pinipilit pa ang sarili na maging malungkot ngunit dahil sa may natural na siyang seryosong mukha ay naging madali iyon sa kaniya. "Ang alin?" maang na pagtatanong ni Warren. Naroon silang dalawa sa harapan namin, magkatabi sila habang inaakto ang tag line na iyon na siyang napanood daw ni Warren sa online. Samantalang kami nina Paul Shin at Leo ay nakaupo sa pahabang sofa habang nakatingala sa kanila. Tahimik lang kaming tatlo at pare-parehong nakatikom ang mga bibig. Ang deal namin ngayon ay dahil brokenhearted nga ako ay kailangan nila akong pasayahin at patawanin— of course, with a twist. Sa kadahilanan pang may naturingan akong mga kaibigan na takas sa Mental na itatago ko na lang sa pangalan

