Kalaunan nang mapangiti rin ako habang pinapanood ang mukha ni Gabriel sa screen ng TV. Bakit ba kahit anong gawin ng lalaking 'to ay hindi ko magawang magalit sa kaniya? O kung hindi man ay madali ko lang siyang napapatawad. Walang sorry o kahit anong panunuhol, kusa na lang itong napapatawad ng puso ko. Ganoon ko ba siya kamahal? Kahit hanggang ngayon na alam ko ng in a relationship ito? Well, wala ngang duda— literal na walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya. Sa ginawa pa niyang iyon ay tila mas lumalim lang itong pagmamahal ko sa kaniya, mas lumulubog ako at para bang wala na akong kawala kahit na anong gawin kong pangungumbinsi at pagpipigil sa puso ko. Mahal ko si Gabriel, mahal na mahal ngunit hanggang doon na lang iyon— hanggang pangangarap na lang ang gagawin ko sa ka

