Mabilis din namang nagtama ang mga mata namin ni Gabriel, imbes din na mag-iwas ng tingin ay mas lalo ko lang siyang tinitigan. Ewan ko rin, hindi ko alam kung bakit sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo lang din itong gumagwapo sa paningin ko. Partikular ngayon na hindi pa ako nasasanay sa halatang bigote at balbas niya, kitang-kita ko iyon kung saan mas nakadagdag ang pagiging matured nitong tingnan sa kagwapuhan niya. Tumerno pa iyon sa mas pinakisig at pinalaki nitong katawan. Ilang minuto kaming nagkatitigan na para bang baliwala sa amin ang presensya ng mga tao roon, kahit pa alam naming bulgar kaming minamata ng mga kasama namin. Wala pa iyon sa akin ngayon na masyado akong nadadarang sa mga mata ni Gabriel. Wala siyang reaksyon bukod sa malamig niyang emosyon, seryoso lang ito kung

