Nakauwi na si Krypton nang makarating ako sa bahay. Mabuti na nga lang at hindi ako siniraduhan, eh. Napatingin siya sa akin at dahil sobrang liwanag nitong mansiyon niya ay hindi nakaligtas sa akin ang nagtatanong niyang tingin. Nag-iwas ako ng mukha. Tila alam ko na ang dahilan ng titig niya. Malamang kasi na namamaga ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. “Pasensya ka na, Sir, medyo na-late ako ng uwi. Magluluto na ak—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ako sa braso. Maging ang paghakbang ko ay nahinto dahil sa ginawa niya. “Okay ka lang ba?” Nagulat ako sa tanong niya. Ang ini-expect ko kasi at bubulyawan niya ako. Hindi pala. Tapos ito ngayon, nagtatanong siya kung okay lang ba ako. Maybe, he’s not that bad at all. Tumikhim ako para tanggalin ang ba

