Dahil sa kaiiyak ay nakatulog na pala ako sa sala nila Aling Miranda. Madilim na nang magising ako kaya nagmamadali akong kumilos dahil may trabaho pa ako. Hindi ako dapat magpabaya dahil lang sa nangyayari sa buhay ko. Dapat gawin ko itong motivation para mas lalong umayos ang buhay ko. Tiningnan ko na muna ang cell phone ko kung may message si Krypton pero wala naman kaya ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ko. Lumabas na ako ng bahay at naabutan kong may inaasikaso na costumer si Aling Miranda. Lumapit ako sa kanya para magpaalam. “Aling Miranda, mauuna na po ako.” Ngumiti ako, hindi iyong pilit na ngiti dahil kahit ganito ang nangyari sa buhay ko ay feeling bless pa rin ako. May pupuntahan ako at may trabaho ako. Kakausapin ko na lang si Krypton para doon na ako sa bahay niya tum

