Quin Mahaba-haba na rin ang nilakbay ng pagsisinungaling ko at oras na rin siguro na sabihin ko na sa kanila ang totoo lalo na kay Gwen, siya ang pinaka nasasaktan ko dito eh. Gusto ko na matapos ito at mabuhay sa totoong ako. Nag-book ako ng date para sa aming dalawa ni Gwen, sana lang talaga ay maintindihan niya ang sasabihin ko sa kanya. Kung hindi naman ay matatanggap ko iyon dahil ako naman talaga ang mali eh. Aasa na lang ako na isang araw ay tanggap niya na ang lahat at tanggap niya na rin ako kung sino talaga ako. "Bumili ako ng dress para sayo, nasa kama mo iyon. Iyan ang suotin mo mamayang gabi pagpunta mo sa date natin. Hayaan mo at may susundo naman sayo, special itong date natin dahil may sasabihin akong importante sayo. Isa pa, ito ay huling date na natin, ha?" sabi ko ka

