Kiro Isang buwan na makalipas ang pag-aaway namin ni Quin. Medyo sinusuyo ko pa siya hanggang ngayon dahil ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Kaso lang ay hindi ko pa rin ititigil ang plano ko, ginamit ko pa rin si Miel laban kay Gwen at Quin. Paniwalang-paniwala na tuloy siya sa akin ngayon na totoong nanliligaw na ako sa kanya. Pumupunta pa nga ako sakanila habang may dalang bulaklak para para lang kuhanin ang tiwala niya ulit. Syempre ay gumana pa rin naman ang aking charm, marupok si Miel eh. Naniwala ulit siya sa kalokohan ko. Actually, ngayon nga ay pinapapunta ko siya sa condo ko para magbigay ng oras sa kanya. Sweet gesture kumbaga, lagi na lang kasing ako ang napunta sakanila kaya siya naman ang pinapunta ko dito. Tiyak ko naman ay pupunta iyon, hindi naman niya ako k

