Miel Isang buwan na pala ang nakakalipas nung nag-away kami ni Gwen. Yeah sure, I miss her pero hindi ko pa rin matanggap na ganun ang nangyari sa amin. Sana ma-realize na niya ang mali niya, she has everything and ako? Wala ni isa ng mga meron siya, kaya inggit na inggit ako tapos pagbabawalan pa ako sa mga bagay at taong gusto ko? Ang unfair naman yata noon. Nagkabati na rin pala kami ni Kiro, akala ko nga ay hindi na niya ako papansinin right after nung pag-aaway naming apat. Nagulat na lang ako isang araw, nasa tapat na siya ng bahay ko at may dalang bulaklak. Tototohanin niya na daw talaga ang panliligaw sa akin, sino ba naman ako para humindi di ba? Iyon naman talaga ang gusto ko eh. Oo na, marupok na ako pagdating kay Kiro. Wala eh, siya talaga ang gusto ko. Anong magagawa ko? Al

