Gwen Isang buwan na rin pala ang nakalipas simula nung nag-away kami ni Miel. Sa totoo lang ay miss ko na siya. Walang maingay na napunta dito sa bahay, walang nangungulit sa akin at nangunguha ng kung anu-ano sa bahay. Bakit naman kasi kailangan naming mag-away? Eventhough ganoon na ang nangyari sa aming apat ay I'm still looking forward na magiging okay ulit kami. Isa pa, isa siya sa importanteng tao sa kasal ko. Maid of honor kasi si Miel, hindi siya pwedeng mawala doon. Sana, isa sa mga susunod na araw ay magkasalubong kami at magkapatawaran. Habang nagmumuni-muni ako sa kwarto ay biglang may kumatok sa aking pintuan. I got excited, akala ko kasi ay si Miel na iyon pero si Quin pala. May dala siyang ice cream at yung flavor na paborito ko pa ang binili niya which is strawberry. Ka

