Miel Dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong tinawagan ako ni Kiro sa f*******: Messenger. Simula noong araw na iyon eh hindi na natigil ang pag-uusap namin. Halos siya na nga lang ang dahilan kung bakit ko binubuksan ang phone ko eh. I think we are going to level up this relationship, nakikita ko na ang future ko na kasama siya. Nung sinundo ko nga siya sa airport last week eh nagulat ako kasi niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Ikaw naman Kiro, nahiya ka pa talaga sa akin. Bakit naman sa pisngi ka humalik? Bakit hindi sa labi para pak na pak di ba? Nag-umpisa na rin ang preparation namin para sa regalo ni Kiro kina Quin at Gwen. Ang galing niya nga eh, kahit ako eh hindi ko naisip iyon kahit na malapit ko silang kaibigan. Napag-planuhan niya kasi na gumawa ng video kung s

