Quin Dumaan na ang dalawang linggo pero hindi ko pa rin nasasabi kay Gwen ang totoo. Kailan ba ako magkakalakas ng loob na sabihin sa kanya 'yon? Nalalapit na ang kasal namin, pati ang pag-uwi ni Kiro ng Pilipinas ay nalalapit na rin. Binalaan niya na ako na kapag hindi ko pa rin sinabi kay Gwen ang totoo ay mas lalaki ang gulo. Paano naman ako noon? Naisipan ko na dalhan si Gwen ng pwedeng kainin at yayain siyang mag-lunch sa kanila. Sigurado ako na pagod na iyon ngayon dahil kung anu-ano na ang kailangan gawin dahil malapit na ang kasal namin. Hindi ko kasi siya natutulungan dahil marami din naman akong ginagawa sa kompanya, isa pa ay alam ko naman sa sarili ko na hindi na matutuloy pa ang kasalanan na iyon. Pagdating ko sa bahay nila ay tama nga ako, busy siya sa pag-aayos ng guest

