Kiro
I'm Kiro, 27 years old. Kaibigan ako ni Quin kapag hindi nakatingin si Gwen sa amin, ilang taon na niya akong tinatago sa babaeng iyon at sa pamilya niya. Noong una ay ayos naman sa akin, pero habang natagal na ang kasinungalingan naming dalawa ay hindi ko na kinakaya. Minsan nga kahit hindi dapat mag-selos ay nagseselos na ako eh.
Alam ko naman na hirap na hirap siya sa sitwasyon namin, lalo pa at sundalo ang tatay niya. Malaki ang tyansa na magalit iyon sakanya o kaya naman ay saktan siya noon kapag nalaman ang katotohanan. Kaso, paano naman kami? Hindi naman pwedeng buong buhay na kaming mabuhay sa kasinungalingan hindi ba?
Kung hindi man siya tanggap ng pamilya niya sa kasarian niya ay hindi na iyon mahalaga. At least ay nasabi niya ang totoo, kung hindi siya tanggapin eh handa naman kami ng mommy ko na ampunin siya kung sakali. Haynaku, kung pwede lang na ako ang magsalita para sakanya ay matagal ko nang ginawa.
Close naman kami ni Gwen, we have to be dahil baka maghinala iyon kung ipapakita ko ang tunay na kulay ko sakanya. Ayaw ko naman na masira ko ang plano ni Quin, hinayaan ko lang siya noon na siya ang mag-open up kay Gwen. Pero, iba na kasi ngayon, ikakasal na sila. Wala sa plano namin iyon, nagulat na lang nga ako na nag-propose na pala siya sa babaeng iyon.
I confronted Quin about it, sabi niya ay palabas lang naman daw ang lahat. He is firm na ako pa rin daw ang gusto niya, he was pressured lang daw because of his dad. Dahil nagtatanong na ito, kung bakit hindi pa rin niya niyayaya si Gwen na magpakasal. Ano nga ba ang magagawa ko eh sa mata ng lahat ay isa lang naman akong kaibigan?
Naiinis pa nga ako doon sa Miel eh, todo cheer pa siya sa kaibigan niya at kay Quin. Hindi niya alam eh niloloko lang naman namin silang lahat. May gusto pa nga yata sa akin iyon, kaso snob ako. Hinding-hindi ako papatol sa babae, para lang masabi ko na lalaki ako kasi tanggap naman ako ng mommy ko eh. Magkaiba kami ni Quin ng sitwasyon kaya hindi ko siya gagayahin.
"Bakit ka kasi nagyaya magpakasal? Alam mo naman na tayong dalawa ang magpapakasal hindi ba? Naka-plano na tayo eh, alam mong lilipad tayo ng ibang bansa para magpakasal tapos ganyan?! Bahala ka, ayusin mong mag-isa iyan!" sabi ko kay Quin na pasigaw sa cellphone.
"Kiro, alam ko naman ang mali ko eh. Alam ko na nabigla ako noon, hindi ko dapat ginawa iyon eh. Akala ko kasi ay hi-hindi siya sa offer ko, malay ko ba na papayag siya. Aayusin ko ito, huwag ka mag-alala," sabi ni Quin sa akin.
"Dapat talaga na maayos mo iyan. Ilang taon na tayong nagtatago Quin, hindi ko na rin kaya. Baka kapag hindi ka pa naglabas ay ako na ang magsabi sa pamilya mo kung ano ang totoo. Mahal kita pero kailangan na nating magpaka-totoo sa mga sarili natin at sa mga taong nakapaligid sa atin. Matagal na natin silang niloloko, tama na," sagot ko sabay patay ng cellphone ko dahil sa inis.
Huminga ako nang malalim pagkatapos ay umupo sa dining area para makapag-isip isip. Hindi ko na kasi alam kung paano ko tutulungan si Quin sa problema niya, kahit na sinabi ko pa sakanya na hindi ko na siya tutulungan ay hindi ko pa rin matitiis iyon. Mahal ko iyon eh. Napa-iling na lang ako habang nakatingin sa kawalan. This should end, hindi habambuhay ay ganito ang set up namin.
"Anak, okay ka lang ba? Tungkol na naman ba ito kay Quin? Ano na ang update sakanya tungkol sa pag-out niya sa parents niya?" tanong sa akin ni Mommy, tumingin lang ako nang matagal sakanya bilang tugon.
"Mommy, hindi pa rin niya sinasabi eh. Nalalapit na ang kasal nila pero wala pa rin yata siyang balak na sabihin sa buong mundo na merong kami. Napapagod din naman akong maghintay, Mommy. Kung pwede lang na ako na ang mag-sabi sa kanila ay ginawa ko na eh," sabi ko kay Mommy habang nakasimangot.
"Anak, konting tiis pa. Kilala ko naman si Quin, alam kong naghahanap lang ng tyempo iyon para sabihin ang totoo. Naiintindihan mo naman siya hindi ba? Pray for him, na sana ay maayos na niya ang problema niya sa pamilya. Konting haba pa ng pasensya anak. Malapit na din iyan," sabi ni Mommy na may matamis na ngiti sakanyang labi.
"Ano, Mommy? Ang tagal ko na naghihintay dito. Ilang beses ko na siyang pinagbigyan sa mga gusto niya. Alam mo iyan, saksi ka sa relasyon namin. Paulit-ulit na ito na lang ang problema namin dahil hindi nga siya tanggap ng pamilya niya pero paano naman ako?”
“Hindi ba niya ako iintindihin eh ako ang kasama niya hanggang dulo? Ako na lang ba ang laging magbibigay dahil mas malaki ang pag-uunawa ko? Paano kung pati ako ay umayaw na dahil sa sobrang tagal na ng sinasabi niya?" maktol ko kay Mommy.
"Anak, konting tiis na lang naman. Tiyak naman na sasabihin na ni Quin iyon bago sila magpakasal. Konting hintay pa, alam kong inip ka na pero nandito ka na sa dulo eh, bakit a-ayaw ka pa? Mahal mo si Quin hindi ba? Ibigay mo na sa kanya ito, hindi naman siya nagkulang na ipakita sa iyo at sa akin na ikaw talaga ang pinipili niya kaysa sa babaeng iyon," sabi sa akin ni Mommy pagkatapos ay lumapit siya sa akin at yumakap ng mahigpit.
Si Gwen naman talaga ang may kasalanan ng lahat, kung hindi naman siya pumasok sa istorya namin ay hindi ako mahihirapan ng ganito. Kung wala siya edi sana ang pagsasabihan lang namin ng katotohanan ay ang pamilya niya. Bakit kasi nagkaroon pa ng cover up si Quin? Nakakainis eh.
I'm sorry Quin pero oras na bumalik na ako sa Pilipinas at hindi pa rin alam ni Gwen ang totoo, kahit mahal kita ay ako na mismo ang magsasabi sa kanila. Gusto ko na maging malaya ka na, tayong dalawa. Gusto ko na makasama ka, iyong hindi na tayo takot sa sasabihin ng iba. I'm sorry Quin pero this time ay magiging selfish na ako sa pagmamahal ko sa iyo.