Chapter 4

1130 Words
Miel I'm Miel, bestfriend ako ni Gwen. Since highschool ay magka-kilala na kami, noong una nga lang ay hindi kami magkasundo dahil mataray ako sakanya. Tahimik kasi na babae si Gwen parang manang nga iyan eh. Akala ko hindi na magkaka-boyfriend iyan, buti na lang ay nakilala niya si Quin. Kung hindi kasi sila nagkakilala ay hindi ko makikilala si Kiro, my loves. Ewan ko ba, merong kakaibang feeling kapag nakikita at nakakasama ko si Kiro. Inlove na nga yata ako sa kanya, kahit na snob siya sa akin at kung minsan ay parang ayaw niya akong makita. Feeling ko nga, minsan eh ayaw na niya akong huminga dahil sa sobrang kulit ko. Naiinis na yung mga titig niya sa akin eh, pinipigilan na lang ako ni Gwen sa sobrang kulit ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Kiro sa akin, wala naman akong buhok sa kili-kili at mas lalong hindi naman ako bad breath. Bakit ba ayaw niya sa sexy kong katawan? Wala naman akong nakikitang ibang babae sa paligid niya, kung meron man ay sasabunutan ko iyon, for sure. Akin lang si Kiro 'no? Konting giling pa ay mapapa-sakin din siya. Pumunta ako sa bahay ni Gwen dahil wala akong magawa sa bahay namin. Ganito naman ako lagi, panggulo sa buhay nila ni Quin. Madalas kasi ay kasama nila si Kiro kaya nakakasilay ako ng konti, kaso parang ayaw talaga niya akong kasama eh. Ewan ko doon, maganda naman ako. Anong hanap pa niya hindi ba? Dali-dali akong pumasok sa bahay nina Gwen, hindi na ako nahihiya dahil parang bahay ko na rin naman ito. Kilala na nila ako, alam na nila na makapal ang mukha ko. Lagi kaya akong kumukuha ng pagkain sa kitchen kahit hindi ko pa pinagpapaalam kay Gwen. Natatawa na lang sa akin ang mga kasambahay nila eh. "Manang Sol, nandyan po ba si Gwen? May sasabihin po kasi ako sakanya--ay pakurot na rin po ng isang fried chicken ha? Salamat po!" bati ko kay Manang Sol at kumurot na nga ako ng isang fried chicken na niluluto niya. "Oo, nasa taas nga iyon. Puntahan mo na lang siya, parang aalis din naman iyon maya-maya at may lunch date yata sila ni Quin. Dito ka ba kakain ng lunch?" sabi sa akin ni Manang Sol. "Opo sana, kaso kung may lunch date naman po sila ni Quin ay uuwi na din po ako maya-maya. Gusto ko po sanang dito mag-luch kasabay si Gwen eh, kaso huwag na po pala," sabi ko naman kay Manang Sol. "Naku, alam ko naman na kaya ka rin pumunta dito ay dahil gusto mong masilayan si Kiro. Ang alam ko eh wala siya ngayon sa Pilipinas pero uuwi din daw sa araw ng kasal ni Quin," sabi ni Manang Sol na para bang nakakaloko. "Manang Sol naman, alam niyo naman po na secret lang natin iyon ah? Huwag niyo na pong ipagkalat. Tayo-tayo na lang po ang nakaka-alam noon. Sige na po, pupunta na po ako sa taas at guguluhin ko na po si Gwen doon," sabi ko naman kay Manang Sol. Pumunta na ako sa taas, habang papasok sa kwarto ni Gwen ay naisipan kong tingnan ang f*******: Messenger ko. Tiningnan ko kung online si Kiro, dahil sa sobrang kilig na nakita ko ang kulay green na bilog which means na online siya ay napasigaw ako. Agad-agad akong nag-wave kay Kiro kahit na puro seen na ang inaabot ko sakanya. "Ano ba naman kasi iyon? Alam mo na may ginagawa dito eh. I'm daydreaming! Istorbo ka eh, si Kiro na naman?! Ang tanong, pinapansin ka ba naman niyan? Parang hindi naman ah," sabi ni Gwen sa akin. Grabe naman. Inismiran ko tuloy siya bago tuluyan akong magsalita. "Huy friend, alam mo naman na crush na crush ko siya hindi ba? Baka naman pwede mong sabihin sa mapapangasawa mo na ako na lang ang mapangasawa ng bestfriend niya. Ayaw mo noon? Bestfriend sa bestfriend. Malay mo, parehas pa tayong ikasal hindi ba?" sagot ko naman kay Gwen. "Miel naman, paano kung hindi ka naman talaga gusto nung tao? Pipilitin mo siya dahil sa gusto mo siya? Ang selfish naman yata noon. Baka magalit pa sa akin si Quin niyan. Hintayin mo na lang na si Kiro ang mag-approach sayo. Ano ka ba?" sagot sa akin ni Gwen. Napatahimik na lang ako sa aking cellphone sa inis. 'To naman oh, hindi ba pwedeng pagbigyan niya ako? "Haynaku, kung hindi ako kikilos ngayon ay baka tumanda na akong dalaga kakahintay kung mag-make move ba siya o hindi. Saka, kahindi-hindi ba ako? Malaki naman ang boobs ko, mapapa-dede naman siya nito ah?" sagot ko naman. "Ewan ko sayo. Oh, bakit ka pala nandito? Ano ba iyan, bigla-bigla ka na lang napunta dito. Paano na lang pala kung nakaalis na ako? Kakain kami sa labas ni Quin eh. Hindi namin kasama si Kiro kaya huwag kang sasama sa amin," sagot naman sa akin ni Gwen. Grabe sa akin ah? Hindi ko naman sila ge-gyerahin ni Quin. Hindi naman ako ganoon ka-adik kay Kiro 'no! "Yeah, alam ko naman eh. Sinabi na sa akin ni Manang Sol kanina na wala sa Pilipinas si Kiro, kaya hindi talaga ako sasama sayo. Okay? But please, paki-sabi sa mapapangasawa mo ang sinabi ko kanina. Kundi isesend ko kay Quin ang lahat ng pictures na tulog ka. Sige ka, baka hindi ka na pakasalan ni Quin kapag nakita niya ang mga iyon!" sabi ko pagkatapos eh tumawa akong malakas. "Okay fine, whatever! Sasabihin ko na sa kanya pero oras na ayaw talaga ni Kiro ay tigilan mo na ako. Okay? Huwag mo kasing pipilitin ang isang taong ayaw naman sa iyo. Para kang tanga noon, nakakaawa ka. Ang dami namang nagkaka-gusto sa iyo dyan, ayaw mong i-try. Puro ka Kiro!" sagot sa akin ni Gwen. "Paki mo ba? Basta Kiro my loves ako. Tapos ang usapan, okay? Sabihin mo na lang ang pina-pasabi ko, kung ayaw pa rin ni Kiro after that,eh ako na ang bahala. May evil plan ako na tiyak magugustuhan niya," sabi ko sabay ngiti na nakakaloko. "Ugh, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayong babae ka. Okay fine! I'm doing this for our friendship. I'll try my best,pero hindi ako mangangako na kaya kong baguhin ang desisyon ni Kiro. I'll just want you to stop," sabi ni Gwen sa akin. Ngumiti na lang ako kay Gwen at hinatid ko na siya pa palabas ng kwarto niya. Nagpaalam ako na makikitulog muna ako dito ng konting oras habang wala siya. Dahil sa kakulitan ko ay wala na siyang nagawa kundi ang pumayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD