Gwen
"Ano ba naman kasi iyon? Alam mo na may ginagawa dito eh. I'm daydreaming! Istorbo ka eh, si Kiro na naman?! Ang tanong, pinapansin ka ba naman niyan? Parang hindi naman ah,"" sabi ko kay Miel.
"Huy friend. alam mo naman na crush na crush ko siya hindi ba? Baka naman pwede mong sabihin sa mapapangasawa mo na ako na lang ang mapangasawa ng bestfriend niya. Ayaw mo noon? Bestfriend sa bestfriend. Malay mo, parehas pa tayong ikasal hindi ba?" sagot naman ni Miel sa akin.
"Miel naman, paano kung hindi ka naman talaga gusto nung tao? Pipilitin mo siya dahil sa gusto mo siya? Ang selfish naman yata noon. Baka magalit pa sa akin si Quin niyan. Hintayin mo na lang na si Kiro ang mag-approach sayo. Ano ka ba?" sagot ko.
"Haynaku, kung hindi ako kikilos ngayon ay baka tumanda na akong dalaga kakahintay kung magmomove ba siya o hindi. Saka, kahindi-hindi ba ako? Malaki naman ang boobs ko, mapapa-dede naman siya nito ah?" sagot ko naman.
"Ewan ko sayo. Oh, bakit ka pala nandito? Ano ba iyan, bigla-bigla ka na lang napunta dito. Paano na lang pala kung nakaalis na ako? Kakain kami sa labas ni Quin. Hindi namin kasama si Kiro kaya huwag kang sasama sa amin," inis na sabi no sa kanya.
"Yeah, alam ko naman eh. Sinabi na sa akin ni Manang Sol na wala sa Pilipinas si Kiro kaya hindi talaga ako sasama sayo. Okay? But please, pakisabi sa mapapangasawa mo ang sinabi ko kanina. Kundi isesend ko kay Quin ang lahat ng pictures na tulog ka, baka hindi ka na pakasalan ni Quin kapag nakita niya ang mga iyon!" sabi ni Miel pagkatapos eh tumawa akong malakas.
"Okay fine, whatever! Sasabihin ko na sakanya pero oras na ayaw talaga ni Kiro ay tigilan mo na ako okay? Huwag mo kasing pipilitin ang isang taong ayaw naman sa iyo. Para kang tanga noon, nakakaawa ka. Ang dami namang nagkakagusto sayo dyan, ayaw mong i-try. Puro ka Kiro!" sagot ko.
"Paki mo ba? Basta Kiro my loves ako. Tapos ang usapan, okay? Sabihin mo na lang ang pinapasabi ko, kung ayaw pa rinn ni Kiro after that,eh ako na ang bahala. May evil plan ako na tiyak maguguatuhan niya, " sabi ni Miel sabay ngiti na nakakaloko.
"Ugh, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayong babae ka. Okay fine! I'm doing this for our friendship. I'll try my best pero hindi ako mangangako na kaya kong baguhin ang desisyon ni Kiro. I'll just want you to stop," sabi ko kay Miel.
Pagkatapos noon ay sinamahan niya na ako papunta sa kotse ko. Nagpaalam pa si loka-loka na makiki-idlip muna siya habang wala pa ako, I have no choice but to say yes. Ganoon naman siya lagi eh, lagi akong talo sakanya kapag sa ganyang mga bagay. Hindi na lang ako nagsasalita kasi gagawin pa rin naman niya kahit anong sabihin ko kaya hinahayaan ko na lang siya.
Kahit ganoon naman kami ay alam namin sa sarili namin na mahal na mahal namin ang isa't isa. Ewan ko ba, siya na lang kasi ang meron ako dahil nerd type ako na tao. Ayaw sa akin ng lahat dahil hindi daw nila ako maintindihan but I'm glad na meron akong isang Miel sa tabi ko.
Nagdrive ako for about 15 minutes papunta sa office ni Quin. I want to surprise him kaso baka may important lunch meeting siya kaya I need to check first kung may ginagawa ba siya ngayon. Saka na siguro ang surprises kapag mag-asawa na kaming dalawa. I called him through the phone habang nandito pa ako sa baba ng building.
"Yes, my love? Ano po iyon? May inaayos pa ako dito sa office. May kailangan ka ba? May gusto ka ba? Ipabili mo na lang sa kasambahay natin tapos ako na ang bahalang magbayad mamaya," sabi ni Quin sa akin, mukhang problemado ang boses niya. Wrong timing ba ko?
"No, wala naman akong kailangan o gusto. It's just that, nandito ako sa sa labas ng office mo kasi gusto ko sanang lumabas tayo for lunch. Kaya ba ng schedule mo, love? Pwede namang hindi pero kasi miss na kita eh, miss mo na rin ba ako?"sagot ko naman kay Quin na pa-cute pa 'yong boses.
"Yes of course, sino ang hindi makaka-miss sa cutie pie na iyan? Wait, bababa na ako. Wait for me there, okay? I'll take you out for lunch. Saan mo ba gusto? Sa dating favorite restaurant mo ulit?" he asked me. I smiled after hearing that from him.
"Yeah, kahit saan mo gusto. Okay naman ako kahit saan, basta ikaw ang kasama ko. Alam mo naman iyon hindi ba? Baba ka na, I want to see and kiss you. I miss your scent, my love." Sabi ko with a sweet voice.
"Ang sweet naman ng love ko na 'yan. Sige na, i-end ko na itong call and bababa na ako. Five minutes. Okay?" sagot naman niya sa akin.
I don't know pero alam ko kasi kapag may takot o may problema siya. Alam ko iyon sa pamamagitan ng boses niya. I know na may problema siya and kung ano man iyon ay nandito ako para alagaan at suportahan siya. Maybe he's stressed sa work or sa upcoming na kasal namin. Ako din naman, I'm stressed sa pag-aayos ng lahat kaya kung ano man ang nararamdaman niya ay naiintindihan ko.
Ilang minuto pa ay nakita ko na siyang lumabas ng elevator. Kahit problemado ay nagawa pa rin niyang ngumiti sa harapan ko. That's what I hate about him, tinatago niya sa akin ang mga problema niya mapa-personal man o problema sa kompanya. Bakit? Dahil lalaki siya at trabaho ng lalaki na itago ang pagod at hirap na nararamdaman nila? Dapat talaga eh nababago na iyon ngayon eh. Lalaki sila, tao din sila. We should both be treated the same way.
Wala na akong sinabi pa, I just hugged him nung nakita ko siyang papalapit sa akin. He deserve to be hugged right now eh. Nagulat naman siya dahil sa ginawa ko. I think, ito lang sa ngayon ang maibibigay ko at ito rin ang kailangan niya. He hugged me back na para bang sinasabi sa akin na ito nga ang kailangan niya sa mga pagkakataon na ganito.
After I hugged him, tumingin ako sa mga mata niya at kita ko ang pagod doon. I kissed him on the lips kahit na ayaw pa niya dahil masyado daw kaming PDA. Bakit ba? Magiging asawa ko na rin naman siya hindi ba? Hindi ko siya dapat ikahiya at kailan man, hindi ko siya ikakahiya kahit na ano pa siya.