Chapter 6

1133 Words
Quin Pagkababa ko sa lobby ay nakita ko na si Gwen. She was smiling at me, inlove na inlove siya sa akin. Paano ko naman masasaktan ang isang ganitong babae? She was patient with me for two years. Natagalan niya ako kahit na mainitin ang ulo ko sa kanya. Paano ko naman makakayang makita na naiyak siya? Believe it or not, mahal ko naman si Gwen. Not as a lover but just as a friend. She's actually like a sister to me. Ako ang nagkikilay sa kanya, ako ang namimili ng mga susuotin niya. I even cut her nails, inaayos ko ang buhok niya lagi. Buti na nga lang at hindi niya natatanong kung saan ko natutunan ang mga iyon. Maliban kasi kay Miel, ako din ay bestfriend na niya kaya hirap na hirap ako ngayon na saktan siya. Niyakap niya ako agad, I hugged her back dahil baka magalit siya sa akin kapag hindi ko iyon ginawa. Lagi pa naman niyang gusto na nilalambing ko siya kaya no choice ako kundi iyon ang gawin. Okay naman kasi talaga siyang ka-relasyon, pero iba pa rin kasi ang sigaw ng puso ko eh. "Sobra ang smile mo ngayon ah, abot sa tenga. What happened? May dapat ba akong malaman? Saka bakit mo ako niyakap ng mahigpit love?" sabi ko pagkatapos niya kong yakapin. "Wala. Alam ko lang na kailangan mo ngayon ng isang yakap. Alam kong pagod ka na kasi kita ko iyon sa kilos at sa mga mata mo. Pasensya ka na kung ito lang ang kaya kong ibigay sayo ngayon, isang yakap. Pagmamahal lang muna ang kaya kong ibigay ah?" sagot naman niya sa akin. Napangiti na lang ako dahil sa narinig ko. Ramdam niya pala na may problema ako, alam niya nga pala ang kilos ko kapag tensyonado ako o may problema. Haynaku, paano ko naman masasabi ngayon sa kanya na siya mismo yung problema ko? Eh sa dalawang taon na kasama ko si Gwen eh lagi siya ang sumasalo ng lahat para sa akin. Bakit pa kasi napasok sa ganitong sitwasyon? Nakakainis tuloy. "Haynaku, wala ito. Stress lang ito sa work. Kilala mo naman ako, kayang-kaya ko na ito. Kung ano man ang problema ko ay huwag mo na problemahin ha? Alam kong may mga inaasikaso ka din para sa kasal nating dalawa. Huwag mo na ako alalahanin dahil baka pumangit ka niyan. Sige ka, gusto mo ba 'yon?" pang-aasar ko pa sa kanya sabay ngiti, I pinched her nose. "Haynaku, tinatago mo na naman iyang problema mo sa akin. Ano ba ang kala mo sa akin? Secretary mo lang? Huy, mapapangasawa mo po ako. You can tell me everything!" sabi niya sabay ismid sa akin. Natawa na lang ako. Kung straight lang talaga ako eh crush ko na ang babaeng'to. "I know I can tell you everything, best friend mo ako hindi ba? But you have your own problems too, na hindi ko alam at hindi ko malalaman. Right? Please give this to me. Kaya ko na ito. Saan mo pala gusto kumain?" tanong ko sa kanya. "Pasalamat ka na lang talaga dahil mahal na mahal kita. Kaya kitang patawarin tapos mamahalin na lang ulit kita. Kaya kong magpakatanga para sayo. Ewan ko ba, ano bang pinakain mo sa akin at ganito ako kabaliw sayo? Sabihin mo nga sa akin," sabi ni Gwen. "Actually, lagi naman kitang pinapakain kasi matakaw ka. Look, ngayon nga kakain tayong dalawa ng lunch at sigurado ako na ready na ready ka na naman para sa sandamakmak na kanin. Tama ba ako?" pang-aasar ko sakanya, natutuwa kasi ako kapag naaasar ko siya eh. "Alam mo? Uuwi na lang ako kung wala kang gagawin kundi asarin ako. Ikaw na nga itong namimiss ko eh, pinuntahan pa kita rito tapos gaganyanin mo ako? Nakakainis ka talaga minsan eh!" sagot niya na nakabusangot ang kanyang mukha. "You are so cute pero tara na dahil gutom na ako. Tama na ang pabebe mode mo, okay? Naririnig ko na rin kasi ang tyan mo. Nag-iingay na sila, gutom ka na talaga 'no?" sabi ko sabay tawa. Inis na inis siyang lumabas ng building. Habang ako eh tawang-tawa sa reaksyon niya, panigurado kasi ako na madami na naman siyang sasabihin pagdating namin sa restaurant. She will overthink and tell me things like hindi na siya magpapakasal sa akin kasi ayaw ko na sa kanya. Normal reaction ng mga babae kapag inaasar sila ng boyfriend nila. Para makaiwas sa ganoong sitwasyon ay gumawa na agad ako ng aksyon. Tamang-tama ang pagdaan ng isang bata na may dalang mga pulang rosas, sa tapat ng restaurant na kakainan namin. Bumili ako ng tatlo para I love you. I hate surprises pero I have to this, Gwen will be like a monster kapag hindi ko ito tinuloy. "Bata, pabili nga niyan. Tatlong red roses, magkano lahat?" sabi ko doon sa bata habang kinukuha ko ang pitaka ko. "Labing-lima po ang isa,"sagot naman sa akin nung bata, kumuha agad ako sa pitaka ko ng isang daang piso at binigay ko iyon doon sa bata. "Naku po, sobra-sobra po ito. Wala po akong panukli kasi hindi pa po ako nakakabenta. Dadagdagan ko pa po ang rosas para doon sa babae na kasama niyo. Gagawin ko pong lima para I love you very much." sagot sa akin nung bata kaya natawa na lang ako. "Sige na nga, mukhang kailangan ko nga talagang gawing lima iyang rosas kasi galit siya sa akin eh. Nausok ang ilong at tenga niya ngayon, inaasar ko kasi," sagot ko naman doon sa bata at natawa siya sa akin. "Naku po, dalhin niyo lang iyan doon sa loob ng restaurant at pakainin. Magkakabati na po kayo niyan, ganoon naman po ang mga babae ngayon eh. Pagkain lang po ang katapat nila," sabi sa akin nung bata sabay ngiti na abot hanggang langit. "Oo, kaya nga kami nandito ngayon sa labas ng restaurant kasi kakain kami. Sige na bata, ibibigay ko na ito doon sa babaeng nausok ang ilong at tenga dahil tiyak ako na gutom na gutom na siya ah? Salamat sa 'yo!" sabi ko sa bata sabay apir sakanya. Kinuha ko na ang mga rosas at pinaalis ko na rin yung bata. Pumunta na ako sa loob ng kotse para sunduin si Gwen, abot langit naman ang ngiti niya nung makita niya ang rosas na dala ko. Sa dalawang taon naming pagsasama eh alam ko na kung ano ang mga gusto at ayaw niya. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga rosas kasi ito ang dinadala ko kapag gusto niya akong awayin. Hindi ako napatol sapagkat ayaw ko siya matalakan, iba pa naman ako kapag nagalit. Baka lumabas pa ang sikreto ko ng wala sa oras kapag nakipagtalo ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD