Chapter 7

1090 Words
Gwen Hindi maipinta ang mukha ko nung inasar ako ni Quin. Ang lakas talaga nitong mag-asar, talo ako kasi pikon ako na tao pagdating sa kanya. Paano ba naman kasi eh weight ko na ang inaasar niya. Mataba na ba ako at lagi niya akong sinasabihan ng matakaw? Ayaw ba niya ng matabang asawa? Ano naman kung mataba ako? Hindi na niya ako mahal, ganun ba 'yon? Buti na lang talaga at gumawa siya ng paraan para gumaan ang loob ko. Nung nakita niya ang bata na may tinitindang bulaklak ay agad siyang bumama ng kotse para bumili, alam na alam niya na gusto ko ang red roses. Sandali pa niyang kinausap ang batang nagtitinda, hindi ko nga alam kung anong kalokohan na ang sinasabi niya sa bata. Sigurado ako na pang-aasar na naman sa akin ang kwinento niya sa batang iyon, dahil tumitingin sila sa aking dalawa. Tss, alam na alam talaga niya kung paano ako mapikon! Bakit kasi mabilis akong mapikon eh. Talo tuloy ako lagi sa kanya. Haynaku naman. Pagkatapos niyang kausapin ang bata ay pumunta na siya sa kotse para sunduin ako. Nakatingin siya sa akin habang binibigay niya ang red roses. Wala na akong nagawa kundi ngumiti sakanya at tanggapin iyon. Alam niya kasi paano ako lalambingin kaya iyan, hindi na ako maka-hindi. Haynaku, tiningnan niya pa ako kaya lalo akong natunaw! "Pasalamat ka talaga doon sa bata dahil kung hindi dumaan iyon, eh hindi ka naman makakabili ng bulaklak na ibibigay mo sa akin ngayon. I hate you, lagi mo na lang akong inaasar. Wala ka na bang ibang magawa?" sabi ko kay Quin. "Kung hindi ko man makita ang batang iyon eh gagawa naman ako ng paraan para makabili ng bulaklak. May flower shop malapit sa restuarant 'no," sagot naman sa akin ni Quin. Haynaku, kahit ano yatang sabihin ko sa kanya ngayon ay makakalusot siya. I'll just shut my mouth para tumigil na din siya. Gutom na ako ngayon at ang gusto ko na lang ay kumain. Nakaka-stress pala talaga kasi kapag ikakasal ka na. Hindi mo alam kung mae-excite ka ba o kakabahan eh. Pumasok na kami sa loob ng restaurant at um-order na agad kami. Medyo madami ang tao ngayon dahil lunch time na, buti na lang at may nakita pa kaming available na table dahil kakatapos lang kumain nung mga customer. "Gwen, may sasabihin nga pala ako sayo. If you have the ears to listen to me," sabi sa akin ni Quin, pero may sasabihin din ako sa kanya eh "Pwedeng ako muna? Ang tagal na kasi akong kinukulit ni Miel tungkol dito eh. Eh paano kasi, gustong-gusto niya talaga si Kiro, pwede mo ba akong tulungan na mapa-lapit sila sa isa't isa? Ayaw kasing tumigil ng babaeng iyon, sinabihan ko na siya na ayaw ni Kiro sa kanya pero nagpupumilit pa din eh," sabi ko kay Quin pero nagulat ako sa nangyari sa kanya. Natapon kasi ang tubig na iniinom niya eh, may mali ba doon sa sinabi ko o may nakakatawa? Tumayo na lang ako at tinulungan siya dahil sa natapon na tubig sa damit niya. He looked so tensed and problematic at the same time. Ano naman kayang mali doon sa sinabi ko? "Is there something wrong? May mali ba sa sinabi ko? May iba na ba si Ki-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot na si Quin sa akin. "Wala namang problema, it is just that hindi ko napigilang hindi matawa dahil sa sinabi mo sa akin ngayon. Iniisip ko pa lang eh hindi ko na kinakaya, si Miel at si Kiro? Hindi sila bagay to be honest. Alam mo naman iyon si Kiro, tahimik samantalang si Miel naman ay maingay, di ba?" sabi sa akin ni Quin. Napatango na lang ako. "Oo nga eh, ilang beses ko na sinabihan si Miel na mukha namang hindi siya gusto ni Kiro, pero nagpupumilit pa rin siya sa akin. Can you help me with this? Wala namang pinopormahan si Kiro na iba hindi ba?" sabi ko naman kay Quin. "Ah, wala naman pero hindi ko mapapangako sa iyo na 100% eh magugustuhan siya ni Kiro ha? I'll try my best para matulungan kita dyan. Siguro we'll set up like a date for them? Is that okay with you?" sagot naman sa akin ni Quin. Masaya akong ngumiti at nagsabi ng yes sakanya. I'm sure Miel will be happy about this, pero for now eh secret muna kasi date iyon eh. Aayusin muna naming dalawa ni Quin ang date na iyon bago kami ikasal. "Di ba may sasabihin ka pa sa akin? What is that? Tungkol ba iyan sa problema mo kanina sa office? Don't worry, I'm open with it naman. Spill it. Makikinig ako and we'll figure kung ano ang pwede nating gawin. Alam mo naman na I'm with you kahit saan pa iyan hindi ba?" sagot ko sakanya pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya. "Ah, about doon sa sasabihin ko. I just want to say sorry kanina dahil inasar kita. Alam mo naman ako, madalas kitang inaasar kasi ang cute-cute ng mukha mo kapag irita ka. That's it, I love you very much. Kaya lima yang bulaklak kasi I love you very much, eh," sabi ni Quin sa akin at ngumiti. "Are you sure about that? Hindi ba ito tungkol sa problema mo sa kompanya o may iba ka pa bang problema na gusto mong sabihin sa akin ngayon?" sagot ko, para kasi siyang may tinatago sa akin na hindi ko malaman kung ano iyon. "Yeah, I'm sure na iyon ang sasabihin ko. Ano ka ba? Saka, sabi ko nga kanina hindi ba, kaya ko na itong problema ko. Alam kong mas marami ka pang problema sa kasal natin kaya ayaw ko na dumagdag pa. Okay?" sagot sa akin ni Quin. "Okay, sabi mo eh pero kung may problema ka eh i-open up mo sa akin iyan. Mapapangasawa mo na ako, kaya kailangan ay alam ko na ang mga problema mo, kahit ano pa iyan ay tatanggapin ko. Ikaw na pinipili ko eh, di ba?" sagot ko naman kay Quin. Pagkatapos ng usapan na iyon ay na-serve na ang pagkain namin. Habang kumakain kami ay tinitingnan ko si Quin, may iba sa mga titig niya. Para bang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sa kanya. Ano naman kaya iyon? I should know, ikakasal na kami at hindi na pwedeng meron pa kaming tinatago sa isa't isa by this time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD