Chapter 8

1035 Words
Quin Ngayon ko na sana sasabihin ang tungkol sa amin ni Kiro. Sana ay palayain na ako ni Gwen, kung maaari ay huwag niya munang sasabihin kay Daddy ito. Nang sasabihin ko na sa kanya ay may sasabihin raw siya sa akin kaya pina-una ko muna siya. Nagulat ako sa sinabi ni Gwen. Paano ba naman kasi, kung pwede ko siyang tulungan kay Kiro dahil hindi matahimik si Miel sa ka kakakulit sa kanya. What the hell? Paano ko pa sasabihin sa kanya ang sikreto ko ngayon? "Wala namang problema, it is just that hindi ko napigilang hindi matawa dahil sa sinabi mo sa akin ngayon. Iniisip ko pa lang eh hindi ko na kinakaya, si Miel at si Kiro? Hindi sila bagay to be honest. Alam mo naman iyon si Kiro, tahimik samantalang si Miel naman ay maingay, di ba?" sabi ko, inaalis ko sa thoughts niya na pwede iyon. "Oo nga eh, ilang beses ko na sinabihan si Miel na mukha namang hindi siya gusto ni Kiro, pero nagpupumilit pa rin siya sa akin. Can you help me with this? Wala namang pinopormahan si Kiro na iba hindi ba?" pangungulit pa niya sa akin. Haynaku talaga. "Ah, wala naman pero hindi ko mapapangako sa iyo na 100% eh magugustuhan siya ni Kiro ha? I'll try my best para matulungan kita dyan. Siguro we'll set up like a date for them? Is that okay with you?" sagot ko na lang kahit alam kong nakakadiri ang sinabi ko. " Oh di ba may sasabihin ka pa sa akin? What is that? Tungkol ba iyan sa problema mo kanina sa office? Don't worry, I'm open with it naman. Spill it. Makikinig ako and we'll figure kung ano ang pwede nating gawin. Alam mo naman na I'm with you kahit saan pa iyan hindi ba?" sabi niya sa akin, kung pwede nga lang talaga na sabihin ko na sa iyo Gwen, ginawa ko na. "Ah, about doon sa sasabihin ko. I just want to say sorry kanina dahil inasar kita. Alam mo naman ako, madalas kitang inaasar kasi ang cute-cute ng mukha mo kapag irita ka. That's it, I love you very much. Kaya lima yang bulaklak kasi I love you very much, eh," sabi ko na lang. Nakakainis talaga. Palaging wrong timing. "Are you sure about that? Hindi ba ito tungkol sa problema mo sa kompanya o may iba ka pa bang problema na gusto mong sabihin sa akin ngayon?" pag-aalala pa niya. Sigurado naman ako na kapag nalaman mo na ito ay hindi mo na ako tatangapin. "Yeah, I'm sure na iyon ang sasabihin ko. Ano ka ba? Saka, sabi ko nga kanina hindi ba, kaya ko na itong problema ko. Alam kong mas marami ka pang problema sa kasal natin kaya ayaw ko na dumagdag pa. Okay?" sagot ko. "Okay, sabi mo eh pero kung may problema ka eh i-open up mo sa akin iyan. Mapapangasawa mo na ako, kaya kailangan ay alam ko na ang mga problema mo, kahit ano pa iyan ay tatanggapin ko. Ikaw na pinipili ko eh, di ba?" sagot ko naman niya sa akin. Talagang nasa isip mo na ang pakasalan ako ah? You wish! Buti na lang at dumating na ang pagkain namin. Kundi ay mawawala na yata ang hairlalu ko sa babaeng 'to. God, I just want peace in the world. Hindi po ba pwede 'yon? Nang nakain na kami sa restaurant ay bigla namang dumating ang kaibigan kong si Norman, isa sa mga kaibigan ko na kitang-kita ang pagiging paminta. Tanggap kasi siya ng Papa niya eh, kaya ayos lang na mag-out siya. Nang makita niya ako ay naglakad na siya nang pakendeng-kendeng. Gusto kong matawa pero naalala kong kasama ko nga pala si Gwen. "Hey, Quin! Kumusta ka na? Bakit di ka pumunta nung party ko? Haynaku, may ipapakilala pa naman ako sa'yo, sayang!" sabi ni Norman na labis kinagulat ni Gwen. Napakagat na lang ako sa labi dahil sa panimula ni Norman. Ngayon pa lang eh gusto ko na siyang sabunutan dahil sa ginagawa niya. God, I'm not ready to face this! "Excuse me, bakit kailangan mo pa siyang ipakilala sa iba? Don't you know that he's already engaged with me?" mataray na sabi ni Gwen kay Norman. Sabi ko na nga ba. Bakit naman kasi 'yon pa ang sinabi ni Norman. "Gwen, please. Madaming tao ang makakakita. Pag-usapan na lang natin mamaya sa office. Okay? Not now, please," pagmamakaawa ko pa dahil mukha na siyang tigre ngayon sa harap ko. " No! Do you think I'll calm down right now? After noong sinabi nito?" sabay turo kay Norman habang galit na galit. "Oh, sorry. I forgot. Engaged na nga pala kayo ni Gwen. Pasensya na," nahihiyang lumayo sa amin si Norman. Diyos ko! Ang baklang 'yon, lagot talaga siya sa akin kapag nagkita ulit kami. Ge-gyerahin ko siya sa oras na mag-krus ang landas naming dalawa. Umayos ako nang-upo at saka humingang malalim. Alam ko na mahabang usapan na naman ito at hindi ko mae-enjoy ang pagkain ko. Tinabi ko na lang 'yonat tumingin kay Gwen. "Ano? Hindi mo ba sasabihin sa akin ang meaning noon? Sino pa ang ipapakilala niya sayo? Sinasabi mo ba sa ibang tao na single ka pa?!" galit na sabi ni Gwen, rinig na halos ng ibang tao sa loob ng restaurant ang away namin. "No, love. Hindi naman 'yon ganoon. Let me explain. A-Ang ipapakilala niya sa akin ay potential clients ng company, okay? 'Yon lang 'yon. Nothing more about it. Hindi niya lang na-ipaliwanag nang maayos kasi sumagot ka agad," sabi ko, kahit alam ko na mas magagalit siya sa akin. "So, kasalanan ko pa nga? What the hell! May ibang babae ka ba, Quin?!" sigaw ulit niya. Kung wala lang kami sa isang public place ay lumabas na ang totoong Quin. Pinipilit ko lang talaga na huwag dahil ayaw ko pa rin maapektuhan ang trabaho ko. Pinaliwanag ko sa kanyang wala naman akong ibang babae, pero hindi pa rin siya naniwala. Hanggang sa pagbalik namin sa office ay galit pa rin siya sa akin. Ang mga babae din talaga, kaka-iba eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD