Gwen "Hey, Quin! Kumusta ka na? Bakit di ka pumunta nung party ko? Haynaku, may ipapakilala pa naman ako sa'yo, sayang!" sabi noong bakla na pakendeng-kendeng at papunta sa amin. Nagulat ako kaya agad akong napatayo para komprontahin siya. "Excuse me, bakit kailangan mo pa siyang ipakilala sa iba? Don't you know that he's already engaged with me?" mataray na sabi ko. Akala yata ng baklang ito ay hindi ako existing sa buhay ni Quin. "Gwen, please. Madaming tao ang makakakita. Pag-usapan na lang natin mamaya sa office. Okay? Not now, please," pagmamakaawa pa ni Quin sa akin. Hindi man lang niya sabihin sa taong 'to na engaged na kami? What?! " No! Do you think I'll calm down right now? After noong sinabi nito?" sabay turo doon sa bakla na makapal ang lipstick. Parang McDonald's eh. "O

