Miel After an hour ay nagising ako, dahil sa maingay na tunog galing sa cellphone ko. Ano ba iyan, ang sarap ng tulog ko dito sa kama ni Gwen tapos tatawagan lang ako ng isang tao? Psh! Kinuha ko ang cellphone ko kahit na nakapikit pa ang isa kong mata. Baka mamaya kasi ay importante ang tumatawag sa akin sa f*******: Messenger eh. Napatalon ako sa saya nung makita ko na natawag sa akin si Kiro. Bakit naman kaya? Anong kailangan niya sa akin? Bago ko sagutin ang tawag ay tiningnan ko muna kung bad breath ako, kahit na hindi naman talaga niya maaamoy ang hininga ko. "Hello? What's up? Bakit ka pala napatawag sa akin?" sabi ko kay Kiro. "Ah wala naman, gusto ko lang itanong kung kasama mo ngayon sina Quin at Gwen? May sasabihin kasi ako sa iyo na tayo lang dapat dalawa ang nakakaalam eh

