bc

Tale of Meriyah (Tale Series #2)

book_age16+
280
FOLLOW
1K
READ
powerful
mermaid/mermen
drama
bxg
magical world
realistic earth
supernature earth
superpower
like
intro-logo
Blurb

A fantasy collaboration with TinyYuki, FilipinangManunulat, _chameehh, IAM_MARCELINE, LavenderPen, Jeimsue15 and Criptica_G

---

Tale Series #2 : Princess Meriyah

Pinapunta ni Haring Arthur ang anak niyang si Prinsesa Meriyah sa mundo ng mga tao upang magtago at magawa ang misyon upang mailigtas ang kanilang kaharian. Nasakop na kasi ni Reyna Varakuda ang kaharian ng Atlantis at nais nitong ipapatay si Meriyah upang siya lang ang maghahari sa buong Atlantis.

Ano ang mangyayari sa prinsesang unang beses pa lanv makakatapak sa mundo ng mortal?

Mabubuhay at masasanay ba si Meriyah na wala ang kanyang maganda at makintab na buntot? Matutunan ba niyang makibagay sa mga tao?

Maililigtas at magagawa ba ni Meriyah ang tungkulin na inatang sa kanya gayong umibig siya sa mortal na hindi dapat niya naramdaman?

Magiging hadlang ba ang nararamdaman niya para sa lalake o ito pa ang magbibigay ng lakas kay Meriyah upang maisakatuparan ang kanyang tungkulin?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1 Sa kailaliman ng West Philippine Sea ay matatagpuan ang lagusan papunta sa kaharian ng Atlantis. Kung saan nakatira ang mga sirena, shokoy, at merman at iba na nilalang na sa aklat lamang mababasa. May ilan na naniniwalang merong sirena o ibang nilalang na nakatira sa ilalim ng karagatan pero mas madami ang hindi naniniwala dahil na rin sa pagkakaroon ng modernisasyon na pamumuhay. Katulad lang sa tao ang haba ng buhay ng isang sirena. Ang hindi alam ng mga mortal ay totoo sila dahil ipinagbabawal sa batas nila na tumawid sa lagusan na nag-uugnay sa mundo nila at sa mundo ng mga tao. Kapag nakita sila ng mga tao ay tiyak na katatakutan, kamumuhian at pagmamalupitan sila dahil sa itsura nila. Ang mga sirena o sireno kasi ay may ulo at katawan na maihahalintulad sa tao at ang bewang hanggang pababa nila ay katulad ng buntot katulad ng isda. Marami pang sea mythical creatures ang matatagpuan sa kaharian ng Atlantis at dito matatagpuan ang nag-iisang prinsesang sirena na sinasabing siya lamang ang may pinakamahaba, pinakamakintab at pinakamagandang buntot sa buong kaharian ng Atlantis. At dito magsisimula ang kwento ni Prinsesa Meriyah. Aligaga ang tagapagsilbi ng mahal na Reyna Merilla dahil ngayon na siya nakatakdang manganak sa kauna-unahang pagkakataon. Pabalik-balik naman na langoy si Haring Arthur dahil maski siya ay kinakabahan. Kanina pa niya naiutos sa mga kawal na pagbutihin ang pagbabantay sa palasyo. Nais lamang niya maging sigurado ang kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na kabiyak at ng magiging supling nila. Hindi rin maitago ang pagkasabik ni Haring Arthur na malaman kung isang prinsipe o prinsesa ang kanyang magiging panganay na anak. Si Haring Arthur ay ang merking ng Atlantis, siya ang pumalit sa trono nang yumao ang kanyang ama at napangasawa niya naman si Reyna Merilla na mula rin sa may bughaw na dugo ng mga sirena sa Barama dahil ipinagkasundo sila ng kanilang ama. Saksi ang nasasakupan nila sa pag-iibigan nina Haring Arthur at Reyna Merilla. Ang lahat ng nilalang sa Atlantis ay naghihintay sa paglabas ng anak nina Haring Arthur at Reyna Merilla. Isang mabait at madaling lapitan na hari si Haring Arthur kaya naman lahat ng paggalang ay natatanggap niya. Naitaguyod niya rin ng maayos ang kaharian ng Atlantis. Dahil doon ay maraming hari siyang kaibigan at kasangga. Bilib rin sa kanya ang ibang hari dahil simula ng maupo siya sa trono ay naging mas lalong gumanda ang pamamalakad sa buong kaharian ng Atlantis at ng nasasakupan nito. Ganun rin naman si Reyna Merilla na may busilak na kalooban. Kaya naman marami ang nagmamahal sa kanila. Dahil na rin sa mabuting katangian ni Reyna Merilla ay hindi nahirapan si Haring Arthur na mahalin niya ang kanyang kabiyak kahit na ipinagkasundo lang sila. "A-aking kamahalan," agad na napalingon si Haring Arthur sa kanyang kabiyak nang tawagin siya nito. Nahalata kasi ni Reyna Merilla na hindi rin mapakali ang kanyang kabiyak. "Malapit na akong manganak kaya naman nais ko na nasa tabi kita at magpakatatag ka. Mangako ka." Hinaplos muna ni Haring Arthur ang buhok ni Reyna Merilla saka niya ito hinawakan sa kanyang kamay. Pagkatapos niyang mahagkan ang asawa ay tumango ito sa kanya. "Ipinapangako ko, hindi ako lilisan sa iyong tabi," pangako ni Haring Arthur saka naman bumukas ang malaking pintuan ng silid ni Reyna Merilla saka pumasok ang matandang manggagamot na sirena. "Oras na po kamahalan," sabi nito at napatango naman si Haring Arthur. Nagsimula na ang matandang manggamot sa pagpapaanak kay Reyna Merilla. Naging mahirap ang panganganak ni Reyna Merilla kaya mas lalong hindi iniwan ni Haring Arthur ang kanyang kabiyak. Napuno ng sigaw ang silid ni Reyna Merilla. Kapag nanganganak kasi ang mga sirena ay halintulad lang rin sa tao 'yun nga lang ay sa tubig nanganganak ang mga sirena. Saka naman dumating si Prinsesa Varakuda sa silid kung saan nanganganak ang mahal na Reyna Merilla. Si Prinsesa Varakuda ay kapatid ni Reyna Merilla sa kanilang amang hari ng Barama. Ito rin ang dating kasintahan ni Haring Arthur noong prinsipe pa lamang ito. Pero kinakailangan sumunod ni Haring Arthur sa kanyang amang hari kaya naman ang napangasawa niya ay si Reyna Merilla. "Konti na lang," bulong ni Haring Arthur sa kanyang kabiyak habang sobrang higpit ng kanyang hawak sa kamay ni Reyna Merilla. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Reyna Merilla at ibinigay na niya ang lahat ng lakas upang mailabas na niya ang kanyang anak. At kasabay nun ay narinig nila ang iyak ng munting sirenang sanggol. Bigla naman pinaghahagkan ni Haring Arthur ang noo ng kanyang pinakamamahal na Reyna Merilla pagkatapos ay isang ngiti ang sumilay sa labi ng reyna. Isang masamang tingin naman ang ibinigay ni Prinsesa Varakuda ngunit hindi ito nakita nina Haring Arthur dahil ang buong atensyon niya ay nasa kabiyak at bagong silang anak. "Nais ko siyang makita," mahinang sabi ni Reyna Merilla kay Haring Arthur kaya naman lumapit siya sa manggamot upang kunin ang kanyang anak. "Binabati ko kayo kamahalan, isang magandang prinsesa," nakangiting sabi ng manggamot na sirena saka niya ibinigay ang prinsesa sa hari. Mangiyak-ngiyak si Haring Arthur nang makarga niya ang kanyang anak. Hindi matatawaran ng kahit na anumang bagay ang nararamdaman niyang kasiyahan sa mga oras na ito. Napadako ang tingin ni Haring Arthur sa buntot ng kanyang nag-iisang prinsesa. Kapansin-pansin ang pinaghalong mala-rosas at mala-lilang buntot ng prinsesa, may kalakihan ito kumpara sa ibang sirena. "Napakaganda ng iyong buntot," magiliw na wika ng hari sa karga niyang prinsesa na mahimbing na ang pagkakatulog sa bisig ng kanyang niya. Napatingin ang mahal na hari sa kanyang kabiyak na reyna na nakangiti habang nakatingin sa kanila at lumapit ito sa kanya. Inilapit ni Haring Arthur kay Reyna Merilla ang kanilang anak kaya agad naman itong kinuha at kinarga ng reyna. Napahagulgol sa iyak ang mahal na reyna nang makita niya na sa wakas ang pinakamamahal na anak. Ang mga butil ng kanyang luha ay agad naman nagiging perlas. "Tahan na mahal ko, nakikita mo ba? Ang ganda-ganda ng ating anak. Mana sa iyo," pang-aalo ni Haring Arthur sa kanyang asawa saka niya hinagkan ang noo nito. "A-anak ko," mahinang bulong ni Reyna Merilla kahit na nanghihina siya ay nagawa pa rin niyang mahagkan ang kanyang anak at mayakap. "Patawarin mo ang iyong ina." Narinig ni Haring Arthur ang sinabi ng kanyang kabiyak kaya naman napakunot ang kanyang noo. Kanina pa nilalabanan ni Reyna Merilla ang matinding antok na kanyang nararamdaman. Matagal na niyang alam na hindi siya maaaring magkaroon ng anak o manganak dahil ikamamatay niya ito. Isa itong sakit na namana pa niya sa kanyang lola na walang may alam kung paano magagamot. Inilihim niya ito sa kanyang kabiyak at ipinagpatuloy ang panganganak. "Ingatan mo ang ating a-anak," sabi ni Reyna Merilla na tila nahihirapan huminga at agad naman iyong napansin ni Haring Arthur kaya agad niyang kinuha ang anak sa kanya at siya na lamang ang nagkarga. Nagmadali naman ang manggagamot upang tignan ang kalagayan ng mahal na reyna pero umiling lang ito at malungkot na humarap kay Haring Arthur. Alam ni Prinsesa Varakuda ang nangyayari sa kanyang kapatid kaya naman sumilay sa kanyang labi ang isang ngisi bago niya nilisan ang kwartong iyon. Ngayon pa lamang ay nagbubunyi na ang kanyang kalooban. "H-hindi," halos hindi alam ni Haring Arthur kung ano ang kanyang sasabihin sa mga oras na ito. Nag-unahan ang kanyang luha sa pagbagsak saka siya napatingin sa anak nilang mahimbing na natutulog. "Lumaban ka, kailangan ka pa namin ng anak natin, kailangan pa kita. Mahal na mahal kita." "A-alam ko na magiging mabuti kang ama... sa ating munting p-prinsesa," sabi ni Reyna Merilla at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng kanyang kabiyak. Hindi pa sana nais lisanin ni Reyna Merilla ang kanyang asawa at munting prinsesa pero sinusundo na siya ng kanyang lola. Nais pa sana niyang paglingkuran ng mahabang panahon ang kanyang asawa at makitang lumaki ang kanyang anak ngunit hindi na niya iyon magagawa. "M-Meriyah ang ipangalan mo sa kanya p-pakiusap..." nahihirapang salita ni Reyna Merilla dahil hinahabol na niya ang kanyanv hininga. Napatango naman si Haring Arthur sa sinabi ng kanyang asawa habang pinipigilan niya ang paglandas ng kanyang mga luha. "P-paalam aking pinakamamahal na kamahalan, aking Meriyah." ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook