Kabanata 2

1216 Words
Kabanata 2 Nagdadalamhati ang buong kaharian ng Atlantis sa pagkawala ng kanilang butihing reyna. Pero kahit papaano ay masaya rin sila dahil sa pagdating ng kanilang prinsesa. Pero hindi pa rin nila maiwasan na hindi maawa sa munting prinsesa dahil ang araw ng kanyang kapanganakan ay siya ring araw ng kamatayan ng kanyang ina. Malungkot at nagdadalamhati si Haring Arthur ngunit nananatili siyang isang matatag na hari para sa Atlantis at isang ama para kay Meriyah. Habang abala si Haring Arthur sa kanyang katungkulan ay iniiwanan niya si Meriyah kay Prinsesa Varakuda. Pagkalipas kasi ng isang taon nang ikasal sina Haring Arthur at Reyna Merilla ay muling bumalik ng Atlantis si Prinsesa Varakuda at sinabing ipinapatawad na niya ang mga ito saka ibinibigay na niya ang basbas sa kanila. Kaya naman naging maganda ulit ang kanilang pagsasamahang tatlo. Kapag hindi naman abala si Haring Arthur sa pag-aasikaso sa mahahalagang bagay sa Atlantis ay siya ang nag-aalaga kay Meriyah. Mabilis natutong lumangoy ng mabilis si Meriyah. Mas lalong kumintab at lumaki ang buntot niya gayong isa pa lamang siyang sanggol kaya marami rin ang nahumaling sa munting prinsesa ng Atlantis. Nasubaybayan ni Haring Arthur ang paglaki ni Meriyah. Lumaking masunurin ang prinsesa at malambing. Marami itong nagiging kaibigan sa kaharian na kauri nila at ang iba ay mga isda. Naging malapit rin ang loob niya kay Prinsesa Varakuda dahil siya ang nagpalaki kay Meriyah. Lahat ng utos, pangaral at gusto ni Haring Arthur ay sinusunod ni Meriyah kaya naman wala siyang naging sakit sa ulo sa kanyang anak. Hanggang isang araw ay ipinatawag ni Haring Arthur si Meriyah na nag-aaral sa kanyang silid. Onse anyos na ang nakakalipas ng mga panahon na ito kaya naman onse anyos na din ang edad ni Meriyah. Habang papunta si Meriyah sa sentro ng palasyo ay napapatingin ang ibang sirena, merman at shokoy sa kanya. Paano ba naman kapansin-pansin ang ganda ng kanyang buntot na mas malaki kumpara sa iba. Kaya kahit na onse anyos pa lang si Meriyah ay madami na ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. At hindi rin maaalis na madami ang nainggit sa kanya kasi bukod sa anak na nga siya ng hari ng Atlantis ay binayayaan pa siya ng pinaghalong mala-rosas at mala-lila na kulay ng buntot. Ang buntot nya ay makulay at tila ang dulo nito ay parang mga hibla ng buhok na sumusunod sa tubig kapag ito ay lumalangoy. Agad naman nakarating si Meriyah sa sentro ng palasyo at naabutan niyang nakaupo sa kanyang trono ang kanyang amang hari. Habang nasa gilid naman nito si Prinsesa Varakuda. "Nandito na po ako kamahalan," bahagyang niyuko ni Meriyah ang kanyang ulo upang magbigay galang sa kanyang amang hari. "Mabuti at nakarating ka kaagad Meriyah. May mahalaga akong ibabalita sa 'yo," nakangiti nitong sabi sa kanyang anak at hinawakan ang kamay ni Prinsesa Varakuda na ngayon ay halos abot na tenga ang kanyang ngiti. Napansin at napatingin si Meriyah sa ginawa ng kanyang ama. Bahagya pa nga kumunot ang kanyang noo. Alam ni Meriyah kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila ng kanyang ama at ina. Paano bata pa lamang ay isinasalaysay na ito sa kanya ng ama. Pangarap pa nga niya na magkaroon ng ganoong kabusilak na pagmamahalan. Ngunit ano ang ibig sabihin ng paghawak ng kamay ng kanyang ama kay Prinsesa Varakuda na kanyang tiyahin. Matalinong bata si Meriyah kaya naman nagkaroon siya ng kutob. Kung magkataon man na totoo ang kanyang kutob ay hindi siya tututol lalo na kung ito ang magpapasaya sa kanyang amang hari. "Alam kong nakakabigla ang sasabihin ko sa iyo Meriyah ngunit nais kong pakasalan ang iyong Tiya Varakuda," nakangiting sabi ni Haring Arthur sabay nun ay hinalikan pa niya ang kamay ni Varakuda. Kitang-kita ni Meriyah kung gaano kasaya ang Tiya Varakuda niya sa sinabi ng kanyang ama. Nakasanayan na niyang tiya ang tawag niya kay Varakuda simula noon pa na maliit siya hanggang ngayon. Si Varakuda kasi ang katulong ni Haring Arthur sa pagpapalaki sa kanya kapag abala ang siya sa katungkulan sa Atlantis. Nagulat pa rin si Meriyah sa sinabi ng kanyang ama kahit na alam naman niya na iyon ang saaabihin sa kanya. Hindi lang siya makapaniwala dahil ang sabi noon ni Haring Arthur sa kanya ay ang ina niya lang ang nag-iisang sirena na mamahalin niya. "Mukhang hindi ka yata masaya Meriyah," sabi ni Varakuda na mayroong malungkot na tinig. Paano kasi ay hindi agad nakapagsalita si Meriyah. "M-masaya po ako Tiya Varakuda, binabati ko po kayo sa nalalapit niyong kasal," kahit na medyo nasasaktan siya sa kanyang nabalitaan ay pinilit pa rin niyang ngumiti. Dahil sa sinabi ni Meriyah ay bumaba si Varakuda upang yakapin ang prinsesa. Walang nagawa si Meriyah kundi yakapin pabalik ang kanyang Tiya Varakuda. Paano siya tututol gayong ang saya-saya ng mukha ng kanyang ama. Ngayon niya lang nakita na naging ganun kasaya ang kanyang ama. Madalas kasi niyang nakikitang umiiyak ng patago ang ama habang nakatingin sa estatwa ni Reyna Merilla na siya pa ang umukit. "Meriyah, bakit hindi ka pa nakaayos?" napalingon siya sa kanyang Tiya Varakuda dahil nasa pintuan siya ng kanyang silid habang siya ay nakadapa pa sa kanyang kama. "Ngayon ang kasal namin ng iyong ama, hindi ka ba pupunta?" Napatingin naman si Meriyah sa kanyang Tiya Varakuda. Puno ng kolorete ang kanyang mukha at may suot itong maliit na korona. Nakita rin niyang suot ng kanyang tiya ang kwintas ng kanyang ina. Ang sabi ng Tiya Varakuda ay ibinigay ito ng hari sa kanya kaya walang naging tutol doon si Meriyah. Pagkatapos kasi sabihin ng kanyang ama na papakasalan niya ang Tiya Varakuda niya ay idinugtong pa nito na bukas na agad gaganapin ang kasal. Doon mas lalong nagulat at nalungkot si Meriyah. Ang hindi alam ni Meriyah ang Tiya Varakuda niya mismo ang nagsabi kay Haring Arthur na madaliin ang kanilang kasal. Hindi rin nila alam na matagal na pa lang inaakit ni Varakuda si Haring Arthur at pinainom pa niya ito ng gayuma at ginamitan ng itim na mahika kaya naman nagtagumpay si Varakuda na maakit ang hari ng Atlantis pagkatapos niyang magawang kunin ang loob nito. "Ito ang nais kong ipasuot sa 'yo Meriyah. Ipantakip mo ito sa iyong buntot," kapansin-pansin ang pagbabago sa ugali ng kanyang Tiya Varukada. Dati kasi ay malambing ito kay Meriyah pero ngayon ay para na siyang kung sino na utusan si Meriyah. "Pero bakit po Tiya Varakuda? Hindi po ba ako magmumukhang katawa-tawa kapag isinuot ko ang tela na iyan?" lumangoy si Meriyah papalapit kay Varakuda at tinignan ang tela na hawak ng kanyang tiya. "Anong tiya? Simula ngayon ay ina na ang itatawag mo sa akin. Ako na ang bagong asawa at reyna ng hari kaya igalang mo ako. Nagkakaintindihan ba tayo Meriyah?" maawtoridad na tanong nito kay Meriyah. Kahit na hindi siya makapaniwala dahil mukhang lumabas na ang tunay na kulay ng kanyang Tiya Varakuda ay tumango na lang siya para walang gulo. "Isuot mo iyan sa ayaw at sa gusto mo. Masyadong maganda ang buntot mo baka makaagaw ng atensyon sa mga dadalo ng kasal ko," mataray at nakataas ang isang kilay nito habang tinitignan si Meriyah na napayuko na lang. "Ako ang ikakasal kaya dapat sa akin ang atensyon ng lahat. Magmadali ka na dahil mag-uumpisa na ang seremonya. Ayoko ng pasaway!" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD