Kabanata 3

1555 Words
Kabanata 3 Marami ang dumalo sa seremonya ng kasal nina Haring Arthur at Prinsesa Varakuda dahil palihim na hiniling ni Princess Varakuda ito sa mahal na hari. Nais kasi ng prinsesa ng Barama na marami ang makasaksi sa pag-iisang dibdib nila ng hari ng Atlantis. Nais niyang ipamukha sa mga ito na siya na ang bagong reyna ng Atlantis. Marami ang hindi nasiyahan sa pagpapakasal ni Haring Arthur kay Prinsesa Varakuda pero wala silang lakas ng loob para tumutol. Sa hardin ng palasyo ginanap ang seremonya ng kasal nina Haring Arthur at Prinsesa Varakuda. Napuno ng iba't ibang makukulay na coral reefs at halaman ang hardin. Marami din ang nagsisilanguyan na iba't ibang klase ng isda mapaliit man o mapalaki. Gaya ng sinabi ni Prinsesa Varakuda kay Meriyah ay isinuot nga niya ang telang puti kaya naman natabunan nun ang kanyang maganda at mahabang buntot. Marami ang bumati sa kanya pero isang ngiti lamang ang kanyang ibinigay sa mga ito. Dahil sa nararamdamang kalungkutan ni Meriyah ay hindi na niya namalayan na tapos na ang seremonya ng pag-iisang dibdib ng ama at ng Tiya Varakuda niya. Nalaman na lang niya na tapos na ito nang sumigaw ang mga kawal at sinundan iyon ng mga dumalo sa kasal. "Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay ang Haring Arthur at Reyna Varakuda!" "Mabuhay ang bagong reyna ng Atlantis!" Puro ganyan ang naririnig ni Meriyah kaya naman nagpasya na lang siya na umalis na lang doon. Bago tuluyang umalis ay pinakatitigan pa niya ang kanyang ama na halata sa mukha at mata ang labis na kasiyahan. Dahil doon ay napangiti na rin siya dahil kung ito ang magpapasaya sa kanyang ama ay magiging masaya na rin siya. Wala namang hangad si Meriyah kundi ang kasiyahan ng kanyang amang hari. Lumangoy nang lumangoy si Meriyah papalayo sa hardin kung saan ginanap ang kasal ng kanyang amang hari. Tinanggal na rin niya ang telang ipinasuot sa kanya. Hanggang napadpad siya kung nasaan ang lagusan na nagdudugtong sa mundo ng mga tao at ng Atlantis. Napakunot naman ng kanyang noo si Meriyah dahil ngayon niya lang nakita ang lugar na ito sa tanang buhay niya. Na-curious tuloy siya at nais niya na malaman kung ano ang bagay na ito. "Prinsesa Meriyah huwag kang lumapit diyan," napahinto si Meriyah sa paglangoy niya dahil narinig niya ang boses ng kaibigang gold fish na ang pangalan ay Dolly. "Delikado diyan." "Bakit delikado? Mukhang luma na nga ang bagay na ito eh," sabi ni Meriyah habang nakatingin sa may malaking square na bato na tila nilulumot na. "Iyan ang ipinagbabawalan na lagusan. Kaya tara na. Tiyak akong kapag nalaman ng mahal na hari na napadpad ka dito ay magagalit iyon," sabi ni Dolly habang lumalangoy siya paikot kay Meriyah. Mabuti na lang at nakinig siya kay Dolly at lumangoy na ito pabalik. Habang nalangoy si Meriyah ay nilingon niya ito sa huling pagkakataon. Maraming nadaanan si Meriyah na magagandang coral reefs at iba-iba ang kulay ng mga ito. Kaya naman marami rin ang iba't ibang isda ang naninirahan dito. Habang nalangoy si Meriyah ay may nakasabay siyang white whale kaya kinawayan ito ni Meriyah. May kakayahan si Meriyah na makipag-usap sa mga isda at halaman doon. Namana niya ito sa kanyang amang hari. Layunin ni Haring Arthur na protektahan ang yaman ng dagat at ang mga nilalang na nakatira dito. At dahil sa magandang pamumuno niya ay nagawa niya nga ito. Minsan kapag may umaatake na pating sa mga malaliliit na isda ay ipinagtatanggol ito ng kawal ng palasyo. Maski nga sirena ay inaatake ng pating. Bukod sa pating ay mayroon pang ibang lamang-dagat ang ayaw magpasakop sa pamumuno ng hari dahil ang nais nila ay malaya silang makagawa ng masama. May kanya-kanyang eskwelahan sa Atlantis na para sa mga isda at sirena lalo na kapag baby pa ang mga ito. Sa eskwelahan na ito ay tinuturuan sila na matutong lumangoy at ng iba't-ibang bagay. Minsan ng pumasok dito si Meriyah noong bata pa ito. Kasama ni Meriyah na lumangoy si Dolly at nakasanayan na niyang libutin ang kabuuan ng Atlantis. Kaya naman sa tuwing nakikita siya ng iba ay nagbibigay galang ang mga ito. Halos araw-araw nga nila na inaabangan ang pagdating ng prinsesa dahil nais nilang masilayan ang maganda, mahaba at malaking buntot ni Meriyah. Kahit na onse anyos pa lang si Meriyah ay marami na siyang tagahanga. Walang hindi mabibighani sa makinang na buntot ni Meriyah na tila umaalon dahil sa kulay nitong taglay. Ang mala-lila at mala-rosas na kinang nito na may halong puti na abot hanggang baywang. Isama pa ang maamong mukha niya na namana niya pa sa kanyang yumaong ina, ang mapupulang labi niya na nakakaakit rin. Idagdag pa ang matangos at makapal na kilay nito na namana naman niya sa kanyang ama. "Prinsesa Meriyah, ipinapatawag po kayo ng mahal na hari," sabi ng kawal kay Meriyah kaya napatango siya. "Ano Dolly paunahan tayo papunta sa palasyo?" hamon ni Meriyah sa kanyang kaibigang isda. "Lagi naman akong talo sa 'yo Prinsesa Meriyah eh," nagdradrama pa nga si Dolly ay inunahan na siya ni Meriyah na lumangoy. "Teka, hintay Prinsesa." Habang nalangoy ang batang Meriyah ay tumatawa ito dahil naisahan nanaman siya si Dolly. Mula noon ay hilig na niyang makipagkarera sa kaibigang isda. Si Dolly lang rin naman ang madalas niyang kausap dahil lagi lang itong namamalagi sa loob ng palasyo upang mag-aral at magsanay. Ang sabi kasi sa kanya ng kanyang amang hari ay siya ang itatalaga nito upang maging reyna ng Atlantis. Paglusot ni Meriyah sa naka-arkong kweba ay lumabas doon ang dalagang bersyon ni Meriyah. Mas lalong humaba, lumaki at mas kuminang ang buntot ni Meriyah. Ang itim nitong buhok ay mas humaba rin hanggang sa kanyang bewang at habang siya ay lumalangoy ay nakikisabay ito sa kanyang paglangoy. Mas lalong naging balingkinitan ang kanyang katawan bagay na mas lalong nagbigay sa kanya ng alindog. Nabiyayaan rin siya ng malaking hinaharap na tama lamang sa kanyang katawan. Marami na nga rin ang nanliligaw sa kanya ngunit wala siyang napupusuan sa mga ito. Dahil wala pa sa isip niya ang mga bagay na ito kahit na nasa bente uno anyos na siya ngayon. Ngayong araw rin kasi ang kanyang kaarawan. Gaya ng dati ay si Meriyah nga ang unang nakarating ng palasyo at inaasar nanaman niya si Dolly. Hanggang sa nakarating na silang dalawa sa sentro ng palasyo kung nasaan ang trono ng mahal na hari. Maraming kawal na merman at shokoy ang nagbabantay sa loob at sa labas ng palasyo. Meron ding itinalaga upang magbantay sa iba't ibang sakop ng Atlantis. Naabutan niyang nakaupo sa kanyang trono si Haring Arthur at ang kabiyak nitong si Reyna Varakuda. Si Reyna Varakuda ang nagsabi sa kanyang asawa na nais niya ng isa pang trono upang doon siya maupo. At dahil may talab pa ang gayuma at itim na mahika sa mahal na hari ay pumayag ito sa gusto nito. Kahit lumipas na ang siyam na taon ay hindi sila nagkaroon ng anak ni Varakuda kaya naman si Meriyah lamang ang nag-iisang tagapagmana ni Haring Arthur at ngayon ang ika dalawampu't isang kaarawan ni Meriyah. "Nandito na po ako amang hari," sabi ni Meriyah habang nagbigay galang sa kamahalan saka naman siya napatingin sa kanyang madrasta at nagbigay galang rin siya dito. Naging mabuti naman ang pakikitungo sa kanya ng madrasta niyang si Reyna Varakuda kapag nakaharap ang kanyang amang hari. At kapag nakatalikod na ito ay sinusungitan na siya nito. Ramdam ni Meriyah na hindi siya gusto ng madrasta niya kahit na pamangkin rin siya nito. Ang kabaitang ipinakita nito sa kanya noong maliit pa lamang siya ay upang makuha ang atensyon ng kanyang amang hari. Hindi naman manhid si Meriyah para hindi malaman iyon. Walang lakas ng loob si Meriyah upang sabihin iyon sa kanyang ama dahil nakikita niyang masaya ang ama kay Varakuda at ayaw niyang mawala ang mga ngiti ng kanyang ama. "Lumapit ka aking prinsesa," nakangiting sabi ni Haring Arthur kay Meriyah. Naalala ni Haring Arthur sa kanyang anak ang kanyang yumaong unang asawa na si Reyna Merilla dahil para silang pinagbiyak na bunga habang papalaki ng papalaki si Meriyah. At dahil ngayon ang ika dalawampu't isang kaarawan ng nag-iisang prinsesa ay ngayon na niya ipapaman dito ang isa sa ipinamana ng kanyang ama, ang lolo ni Meriyah. Nakita ni Reyna Varakuda na inilabas ni Haring Arthur ang medalyong perlas at alam niya kung ano ang gamit nito. Isa ito sa inaasam ni Reyna Varakuda na makuha mula sa kanyang asawa. Matagal na niyang binabanggit sa asawa ang bagay na ito ngunit sa tuwing kinakausap niya si Haring Arthur tungkol dito ay hindi siya pinapansin nito. "Bakit sa kanya mo ibibigay iyan?" pinipilit ni Varakuda na itago ang pagkainis sa kanyang tinig. Tinignan niya ng masama si Meriyah na hindi makapaniwala dahil sa sinabi ng kanyang ama. "Ipinamana ito sa akin ng aking amang hari noong ako ay sumapit sa edad na dalawampu't isa katulad ni Meriyah. Kaya naman aking prinsesa tanggapin mo ang medalyong perlas na ito," sabi ni Haring Arthur saka niya isinuot kay Meriyah ang medalyong perlas. "Ingatan mo ito katulad ng pag-aalaga ko sa Atlantis. Isa ito sa pamana sa atin ng ating ninuno." "At ngayong araw ding ito ay itinatalaga ko si Prinsesa Meriyah na susunod na reyna ng Atlantis." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD