Kabanata 9

1104 Words
Kabanata 9 "Laspastangan!" sabi ni Haring Arthur at inilabas niya ang kanyang espada. Ngunit dahil sa nainom niyang lason na pangpahina ng kapangyarihan at lakas ng katawan ay pagewang-gewang ang kanyang langoy papunta kay Reyna Varakuda. "Wala ka na magagawa! Sa mga oras na ito ay nasakop ko na ang Atlantis! Ako na ang maghahari dito," sabi ni Reyna Varakuda at inilabas din niya ang kanyang espada at nilabanan si Haring Arthur. Kahit nanghihina na si Haring Arthur ay hindi pa din siya magpapadaig. Hindi niya hahayaan na mapunta sa masamang kamay lalo na kay Reyna Varakuda ang kanyang pinakaiingatan na kaharian. "Kahit kailan ay hindi mapupunta sa 'yo ang Atlantis!" galit na wika ni Haring Arthur at nilabanan nga niya si Reyna Varakuda. Hinang-hina na ang katawan ni Haring Arthur ngunit pinilit pa din niya ang sarili niya na gamitin ang kanyang kapangyarihan. Sinubukan niyang ipunin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang palad ngunit mas lalong tumindi ang kirot na kanyang nararamdaman. "Huwag mo na gamitin ang iyong kapangyarihan dahil mas lalo lang kakalat ang lason sa iyong katawan," nakangisi na wika ni Reyna Varakuda kay Haring Arthur at lalaban na sana ulit si Haring Arthur nang pumunta si Heneral Fin sa kanyang harap at itinutok niya ang espada niya sa leeg ni Haring Arthur kaya naman nagulat si Haring Arthur dahil doon. Si Heneral Fin ay isang shokoy na matagal na pa lang may galit sa ama ni Haring Arthur. "Ano ang ibig sabihin nito Heneral Fin?" tanong ni Haring Arthur sa kanyang inaakala na matapat ma heneral. "Tapos na ang pamumuno ng inyong pamilya sa kaharian na ito," seryosong sabi ni Heneral Fin at inutusan niya ang ibang kawal na sumumpa na pala ng katapatan kay Reyna Varakuda na hawakan ng mahigpit si Haring Arthur at ikulong. Sinunod naman ito ng mga kawal na takot na paslangin sila. "Paano mo nagawa ang bagay na ito?" seryoso at pahina-hinang sabi ni Haring Arthur kay Heneral Fin. "Itinuring kitang kaibigan ngunit hinayaan mo lang na paslangin ng iyong ama ang aking magulang," nanggigigil na wika ni Heneral Fin kay Haring Arthur na siyang ikinangisi ni Reyna Varakuda. "Ang akala ko ay sa akin lang kayo may ginawang masama ngunit pati pala sa iba. At kaibigan mo pa," nang-aasar na wika ni Reyna Varakuda. "Tumahimik ka! Nilason mo lang ang kaisipan ni Heneral Fin kaya niya ginagawa ito. Fin, alam mong hindi totoo iyan. Nagkasala ang iyong magulang kaya naman nagawa iyon ni ama," paliwanag ni Haring Arthur kay Heneral Fin ngunit hindi na siya pinakinggan ni Heneral Fin dahil si Reyna Varakuda na ang kanyang sinusunod. "Maski kaibigan mo ay hindi na nakikinig sa 'yo. Kaawa-awang hari," tumawa ng malakas si Reyna Varakuda. "Ikulong na siya sa dungeon!" Nagpupumiglas pa si Haring Arthur ngunit hindi na siya makawala. Ni hindi na nga niya nagagamit ang kanyang kapangyarihan. Nahagip ng kanyang mata si Meriyah na nagtatago sa mga halaman. Sigurado siya anak niya iyon na si Meriyah. Hindi na lang siya nagpahalata na nakita niya ang anak niya dahil baka mamaya kung ano pa ang gawin sa kanya ni Reyna Varakuda. Habang si Meriyah at Dolly ay nagtatago lang sa likod ng halaman at kitang-kita mismo ni Meriyah kung paano dakpin ng mga kawal ng palasyo ang kanyang amang hari. Nagpupuyos ang kanyang dibdib sa sobrang galit. Gusto sana niyang tulungan ang kanyang amang hari ngunit agad siyang pinigilan ni Dolly dahil baka pati siya ay mahuli ng mga kawal ni Reyna Varakuda at narinig naman nila ang sinabi nito na papahirapan din nito si Meriyah. "Kailangan maitakas natin si ama dito," bulong ni Meriyah kay Dolly na sinang-ayunan naman ni Dolly. Kinagabihan ay nagsagawa ng plano si Meriyah upang maitakas ang kanyang ama mula sa dungeon kung saan nakakulong ito ngayon. Mabuti na lang ay madaming daan na alam si Dolly na patungo sa dungeon kung nasaan ngayon ang amang hari ni Meriyah. "Salamat Dolly," sabi ni Meriyah kay Dolly nang iabot nito sa kanya ang susi ng kulungan ni Haring Arthur. "Wala iyon Prinsesa Meriyah, nagkataon na mahimbing ang tulog ng nagbabantay sa kulungan ni Haring Arthur," sagot ni Dolly kay Prinsesa Meriyah. "Tayo na Dolly bago pa matunuga nina Reyna Varakuda ang gagawin natin," sabi ni Prinsesa Meriyah. "Umalis na kayo Meriyah, bakit pa kayo bumalik ng iyong kaibigan dito?" mahinang tanong ni Haring Arthur kay Meriyah nang makita niyang binubuksan ni Meriyah ang kanyang kulungan. "Hindi ko kaya na iwanan kayo dito ama,'' sabi ni Meriyah at agad niyang inalalayan ang kanyang ama ng mabuksan na niya ang kulungan nito. "Pabayaan mo na ako," sabi niya sa kanyang anak pero hindi nakinig sa kanya si Prinsesa Meriyah. "Pakiusap ama," sumang-ayon na din si Haring Arthur sa kanyang anah dahil nakikita niyang tumatangis na si Prinsesa Meriyah. "Reyna Varakuda, ang hari nakatakas po mula sa kanyang kulungan," sabi ng nagsumbong na kawal kay Retna Varakuda. Dahil s akanyang inis ay pinugutan niya ng ulo ang kawal na nagsabi sa kanya na nakatas mul sa kulungan si Haring Arthur. "Habulin inyo ang tampalasan na tumakas sa kanyang kulungan. Hindi siya maaaring makatakas dahil kinakailangan ko pa siya upang mapasunod ang aking nasasakupan!" galit na utos ni Reyna Varakuda sa mga natirang kawal sa kanyang silid. "Reyna Varakuda, huminahon po muna kayo. Ako na ang bahala sa pagbabalik sa dating hari," tumango naman si Varakuda kay Fin at umalis na si Fin sa kwarto ni Reyna Varakuda. Narinig nina Prinsesa Meriyah, Haring Arthur at Dolly ang trumpeta hudyat na may nakatakas sa dungeon. Kaya naman sa mga oras na ito ay alam na nila na natunugan na nina Reyna Varakuda at Heneral Fin ang pagtakas ni Haring Arthur. "Ayun ang hari kasama si Prinsesa Meriyah!" rinig nilang sabi ng mga kawal na humahabol sa kanila. "Kailangan na po nating bilisan," naiiyak na wika ni Prinsesa Meriyah saka niya binilisan ang paglangoy papalayo sa mga shokoy na humahabol sa kanila. "Hindi na kayo makakatakas pa. Kaya naman huwag niyo na subukan kung ayaw niyong mawala agad sa mundong ito," rinig nilang sabi ni Heral Fin na paplapit na sa kanila. Mabilis kasi ang langoy ni Heneral Fin kaya naman naabutan sila nito. "Iwanan mo na ako Prinsesa Meriyh, sundin mo na lang ang aking sinabi pakiusap. Ikaw na lng talaga ang pag-asa ng ating kaharian," sabi ni Haring Arthur at ginamit niya ang natitirang lakas upang gumawa ng isang malaking alon na magpapahiwalay sa kanila ng kanyang anak. Kaya naman nagkahiwalay sina Haring Arthur at Prinsesa Meriyah na kasama si Dolly. "Ama! Hindi!" rinig na sigaw ng kanyang anak bago siya nawalan ng malay. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD