Kabanata 8
Makalipas ang isang buwan...
Abala ang buong palasyo dahil ngayong araw ang kaarawan ng mahal na Haring Arthur. Si Reyna Varakuda ang punong abala sa kaarawan ni Haring Arthur ngayon. Ang gusto ng reyna ay maging engrande at bongga ang piging ngayon.
Simula naman nang mapagalitan si Meriyah ay hindi na siya nagtangka pa na tumakas dahil natatakot din siya dahil baka habangbuhay na niyang hindi makita ang kaibigan niyang gold fish. Napatawad na rin naman siya ng kanyang ama at ipinaliwanag naman sa kanya ni Haring Arthur kung bakit siya nito hinihigpitan at naintindihan iyon ni Meriyah.
"Maligayang kaarawan, ama," bati ni Meriyah sa kamahalan. Ipinatawag kasi ni Haring Arthur si Meriyah sa kanyang silid.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa aking anak. Kailangan mong umalis ngayon sa ating kaharian upang mailigtas ka," napakunot naman ng noo si Meriyah sa sinabi ng kanyang ama.
"Ngunit sa anong dahilan?"
"Magtiwala ka lang sa akin. Isama mo na lang si Dolly, ang iyong kaibigan."
"Ama bakit ganito ang iyong winiwika sa araw mismo ng iyong kaarawan?"
"Hindi ka na ligtas sa lugar na ito aking prinsesa. Sana maintindihan mo."
"Ama, hindi ko po maintindihan dahil alam ko namang may inililihim kayo sa akin," naiiyak na sabi ni Meriyah.
"Basta aking prinsesa. Para naman ito sa ikabubuti mo."
"Kung aalis po ako sa ating kaharian, saan naman po ako papatungo?" tanong ni Meriyah sa kanyang ama kahit na siya ay naguguluhan.
"Sa mundo ng mga tao."
"Sa mundo ng mga tao? Pero bakit doon ama? Akala ko ba ay ipinagbabawal niyo na pumunta ako doon?"
"Nasa lupa ang tatlong magigiting na mandirigma na mas pinili na lang manirahan sa mundo ng mga mortal. Meriyah, kailangan mo silang mahanap na tatlo," bili ni Haring Arthur kay Meriyah.
"Magmadali ka na Meriyah," dagdag na wika ni Haring Arthur saka niya niyakap ang kanyang anak. Niyakap naman niya pabalik ang kanyang ama.
"Paano po kayo kung aalis ako dito? Hindi ko naman po kayo maiwanan ng ganito lang," naluluhang sabi ni Meriyah pero umiling-iling sa kanya ang kanyang ama.
"Magiging ayos lang ako dito. Hindi ko maaari iwanan ang ating kaharian. Kaya ikaw na lang ang inaasahan ko aking anak. Sige na, baka may makakita pa sa 'yo na papaalis," inalis na ni Haring Arthur ang kanyang yakap sa nag-iisa niyang prinsesa at pinaalis na niya itong muli ngunit hindi kaya ni Meriyah na umalis siya na hindi kasama ang kanyang ama.
"A-ama!" naiiyak na wika ni Meriyah.
"Inuutusan kita Meriyah, umalis ka na dito!" maawtoridad na utos ni Haring Arthur kay Meriyah kaya naman walang nagawa si Meriyah kundi ang sundin ang sinabi ng kanyang ama kahit pa labag sa kanyang loob at kahit pa wala siyang naiintindihan kung bakit siya pinapaalis ng kanyang ama.
"Hilingin mo lamang sa medalyon na gawing paa ang buntot mo. Mag-iingat ka doon anak ko," sabi pa ni Haring Arthur at hinalikan niya ang noo ni Meriyah. "Hanggang sa muling pagkikita natin aking mahal na anak."
Habang lumalangoy sila ni Dolly ay walang tigil ang kanyang pag-iyak. Hinihintay na pala ni Dolly si Meriyah sa tagong daanan sa may ilalim ng palasyo. Una na palang nakausap ni Haring Arthur si Dolly tungkol sa pag-alis nila ni Meriyah ngayon sa palasyo. Napahinto si Dolly sa kanyang paglangoy dahil huminto rin si Prinsesa Meriyah sa paglangoy.
"Hindi ko kaya ito Dolly. Hindi ko kaya na iwanan na lang basta ang aking ama," sabi ni Meriyah kay Dolly na naiiyak na din.
"Ngunit hindi natin maaari na suwayin ang utos ng kamahalan," sagot ni Dolly.
"Masama ang kutob ko. Babalik ako sa palasyo," determisnadong sabi ni Meriyah at hindi nanaman siya napigilan ni Dolly.
"Jusko, prinsesa, bakit ba lumaki kng matigas ang iyong ulo," mangiyak-ngiyak na wika ni Dolly dahil sa katigasan ng ulo ni Prinsesa Meriyah.
Mahigpit ang bilin ni Haring Arthur na huwag na silang babalik sa palasyo dahil alam ng hari na may masamang mangyayari. Pero kahit si Dolly na naguluhan pero hindi na niyang nagawang magtanong kay Haring Arthur dahil pinagmamadali niya siya na puntahan na ang prinsesa sa kanilang tagpuan. Napapatanong din si Dolly sa kanyang sarili kung bakit sa araw pa ng kaarawan nito nangyari ito. Dahil pabalik sa palasyo ang mahal na prinsesa Meriyah ay wala siyang nagawa kundi ang sundan ito.
Sa loob naman ng palasyo ay nagpatuloy pa din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Haring Arthur sa kabila ng panganib na paparating. Katabi niya si Reyna Varakuda na hinihintay ang pag-inom ng alak ng Haring Arthur. Walang kaalam-alam na sa kanyang pag-iingat at hinala ay hindi pa din niya napansin ang isang maliit na detalye. Napangiti si Reyna Varakuda ng uminom si Haring Arthur ng alak na mayroong lason na pampahina ng katawan at kapangyarihan. Habang si Haring Arthur ay naubos na ang alak ay iniisip pa din ag kanyang nag-iisang anak niyang si Meriyah. Iniisip niya na sana ay nakaalisna ito sa mga oras na ito at patungo na sa mundo ng mga tao. Alam niyang pinagbabawalan niya ang anak niya na pumunta doon pero dahil sa babala sa kanyang panaginip at hinala ay kinakailangan niyang papuntahin ang anak doon. Gusto sana nyang samahan ang anak niya pero alam niyang kapag kasama niya ang anak ay susundan siya ng mga kalaban. Alam na din ni Haring Arthur na ang mga kalaban ay nasa palasyo lang pero hindi niya alam kung sino ang mga ito. Kaya naman minabti niyang paalisin na si Meriyah habang maaga pa.
Gano'n na lang ang pagkagulat ni Haring Arthur ng biglang nagsipagbgsakan at nakatulog ang mga matatapat niyang kawal na uminom din ng alak. Kaya naman napatayo siya sa kanyang trono at lalangoy na sana kaso muli siyang napaupo sa trono nia dahil nararamdaman niya ang panghihina ng kanyang katawa at hindi siya makainga ng maayos. Paglingon niya ay nakita niya ang nakakainis na ngisi ni Reyna Varakuda.
"I-ikaw? P-pero bakit?" tanong ni Haring Arthur kay Reyna Varakuda na ngayon ay tumayo na din sa kanyang trono at humarap sa kanya sabay haplos niya sa pisngi ni Haring Arthur. "T-traydor."
"Ako traydor?! Sino ba ang unang tumraydor sa akin? Yung lalakeng minahal ko lang nman at pinaglaban ko noon! Diba ikaw yun? Pero ano ang ginawa mo?! Mas pinili mo ang pagiging hari mo at ang malala doon ay pinakasalan mo pa ang kapatid ko!" galit na wika ni Reyna Varakuda at hinigpitan niya ang hawak sa pisngi ni Haring Arthur. "Patay na ang mahinang Varakuda noon. Ngayon matitikman mo ang sakit ng paghihiganti ko."
"Nakaraan na iyon Varakuda. Hindi ba asawa mo na ako ngaon. At ang sabi mo ay napatawad mo na kami ni Merilla. Bakit mo pa ginagawa ito?" ngumisi si Reyna Varakuda sa sinabi ni Haring Arthur.
"Ipaparanas ko din sa 'yo ang malaman ng isang anak. Katulad ng naranasan ko. Maswerte pa nga si Meriyah dahil nasilayan pa niya ang kanyang walag kwentang ama. Pero ang anak ko! Sapilitan na ipinalaglag ng aking ama noon upang matuloy lamang ang kasal niyo ng aking bruhang kapatid na si Merilla," kitang-kita ang galit at poot sa kanyang mga mata. Nagulat naman si Haring Arthur sa kanyang sinabi.
"Nagdalang sirena ka? P-pero bakit hindi mo sinabi sa akin iyon?" ngayon kahit na nahihirapan na siyang huminga ay naglalamhati siya dahil magkakaroon pala sila ng anak ni Varakuda pero hindi man lang naisilang. "P-patawad."
"Kahit humingi ka pa ng paulit-ulit na kapatawaran sa akin ay hindi na mababago ang katotohanang wala na ang magiging anak sana natin! Kaya kinamumuhian kita! Kayo ng aking kapatid lalo na ang anak mong ginawa mo pag susunod na reyna ng Atlantis! Pero syempre hindi ko hayayaan iyon---"
"Dahil ako lang ang nag-iisang nababagay upang maghari sa Atlantis! Ako lang at wala ng iba!"
---