Hindi mapakali si Hope habang nakatingin kay Davis na nakikipag-usap sa mga kapwa niya dalaga sa lugar nila. Ilang araw na siyang hindi pinapansin ng binata at nababalisa siya at hindi mapakali. Hindi niya maiwasan na masaktan at magselos sa mga kababaihan na kausap at katawanan nito.
Napabuga siya nang hangin. Ito naman ang ginusto niya, pero bakit nasasaktan siya? Pakiramdam niya ay gusto niya itong lapitan at bawiin ang sinabi niya dito. Gusto niyang siya lang ang kausap nito. Gusto niyang siya lang ang nginingitian nito. Napailing-iling siya. Bakit pakiramdam niya ay nagiging makasarili na siya pagdating sa binata?
Tumalikod na lang siya saka umalis. Ayaw niyang makita ang binata na may kausap na iba, lalo na’t katawanan pa. Masyadong masakit sa mata at puso niya.
KINAKABAHAN si Hope habang nasa harap ng bahay kung saan natutulog si Davis at ang mga kasama nito. Bitbit niya ang mangkok na may lamang ulam para sa binata. Ayaw niya sanang makita o malapit man lang dito dahil baka mas mahulog lang ang loob niya, pero ito kasing lola niya ay pinilit siya dahil matagal na ang huli nitong punta sa bahay nila. Gusto nitong ikumusta ang binata.
“Oh, Hope.” Nakita niya si Eren na kakabukas lang ng pinto. Nakabihis ito nang pang-alis. “Napadalaw ka?”
“Pinapabigay kasi ni lola itong ulam para sa inyo.” Ipinakita niya ang mangkok na hawak.
Napangiti ito nang nanunukso. “Sa amin nga ba o para lang kay Davis?”
“Para sa inyo nga,” mabilis niyang sagot. “Ito, oh, kunin mo.” Ibinigay niya ang mangkok dito, pero umiwas ito.
“Ikaw na ang magdala niyan sa loob. Aalis pa kasi ako. Pupunta ulit kami sa bayan ngayon para makahanap ako ng signal at para matawagan ko ang nobya ko.”
“Oh, may nobya ka na pala?”
Natawa ito. “Hindi ba halata?”
“Hindi na nakapagtataka.”
Napangiti ito saka tinaas-baba ang kilay. “Si Davis ang wala pang-nobya.” Nginitiin na naman siya nito na may kasamang panunukso.
Napailing-iling na lang siya. Nakilala niya ang binata na isang mapanukso, pero mabait naman. “Imposible ‘yang sinasabi mo.”
“Bakit naman imposible? Alam mo, Hope, kapag sinagot mo ang kaibigan ko hinding-hindi ka magsisisi sa kanya. Maliban sa mayaman siya, gwapo, ay mabait na, matulungin pa. Ano pa bang hahanapin mo na wala sa kanya? All in one package na si Davis.”
Kahit hindi niya naiintindihan ang huli nitong sinabi ay kung tutuusin ay tama naman ito. Nasa kay Davis na nga ang lahat, pero hindi pa rin iyon sapat para mawala ang takot niya. Wala namang problema kay Davis, siya lang talaga itong may malaking problema.
“Eren, bilisan mo!” sigaw ng kasama nito.
“Oo, nandiyan na.” Mahina nitong tinapik ang kanyang balikat. “Sige, ipasok mo na lang ‘yan doon, Hope. Mauna na ako.”
Tumango siya bilang sagot. Napatingin na lang siya dito na sumakay ng dala nitong sasakyan na nilagyan ng mga ito ng tulong para sa kanila. Napabuga na lang siya nang hangin. Buo na ang desisyon niya. Ayaw niyang magmahal, lalo na’t alam niyang iiwan din siya sa bandang huli.
Pumasok na siya sa bahay saka inilagay ang mangkok sa mesa. Napatingin siya sa paligid. Ang bahay na ito ay matagal ng walang nakatira. Nilinisan lang nila at inayos ng kaunti para sa mga bisita nila. Maayos ang mga gamit at hindi makalat. Talaga namang napaka-responsable ng mga taong nakatira dito.
Aalis na sana siya ng marinig ang pagbukas ng pinto sa loob. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Davis na walang suot pang-itaas at tanging towel lang ang nakatakip sa baba. Hindi niya maiwasan na mapalunok nang makitang lumalakbay sa matitigas nitong abs ang tumutulong tubig galing sa buhok nito.
“Hope,” tawag sa kanya ng binata, pero hindi niya naririnig dahil naka-focus siya sa matitigas at anim nitong abs.
Para tuloy gusto niya itong hawakan at madama ng kanyang mga kamay. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong katawan. May iilang abs din naman ang mga binata sa kanila, lalo na’t nagsisibak ito ng mga kahoy. Pero kakaiba ang sa binatang ito. Para bang magnet ang mga abs nito dahilan para hindi niya maiwas ang kanyang tingin.
“Hope!” Nabalik siya sa ulirat nang matakpan na ang tiyan nito. Napatingin siya sa mukha nito. Nagpupunas na ito sa basa nitong buhok. “Ayos ka lang ba?” Hindi siya nakasagot dahil sa gwapo na naman siyang mukha nito nakatutok. “Tumutulo ang laway mo.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito dahilan para mapahawak siya sa kanyang bibig.
Mas nanlaki ang mga mata niya ng may basa nga ang bibig niya. Agad siyang napatalikod dito saka pinunasan ang kanyang bibig. Napapikit siya ng mariin dahil ito ang unang beses na tumulo ang kanyang laway ng dahil sa katawan ng isang lalaki. s**t! Nakakahiya na makita siya ng binata na gano’n.
“Ayos ka lang ba?” Nabatid niyang may bahid nang pag-aalala ang tinig nito.
“A-ayos lang ako.” Napakagat-labi siya nang mautal siya.
“Sigurado ka?” paniniguro nito na ikinapikit ng mga mata niya.
Bakit ba ang kulit nito? Sinabi na nga niyang ayos lang siya, pero nagtatanong pa ulit ito. Hindi ba nito napapansin na nahihiya na siya dahil tumulo ang laway niya dahil dito?
Huminga siya nang malalim dahil baka mautal pa siya ulit gaya kanina. “Oo, ayos lang ako.” Tumikhim siya nang mapansin na parang may bumabara na naman sa lalamunan niya. “May pinabibigay pa lang ulam si Lola Belya sa ‘yo. Matagal ka na kasing hindi dumadalaw sa bahay kaya nangungumusta siya,” sabi niya habang hindi pa rin nakatingin dito.
“Gano’n ba? Buti pa si Lola Belya, nami-miss ako.”
“Anong sabi mo?” Bigla siyang napalingon dito dahil hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito. Nakita niyang binuksan nito ang mangkok saka inamoy ang laman nito.
“Pakisabi kay Lola Belya na ayos lang ako, medyo naging abala lang kaya hindi ako nakakadalaw sa kanya.” Lihim siyang napaikot ng mga mata. Saan ito abala? Sa pakikipag-usap sa mga dalaga? “Pakisabi na din sa kanya na salamat sa ulam na bigay niya.”
“Ako ang nagluto niyan.” Napatakip siya sa sariling bibig.
Gusto niyang batukan ang sarili sa sinabi. Bakit bigla na lang niyang nasabi iyon? Hindi naman ito nagtatanong kung sino ang nagluto.
“Gano’n ba?” Napayuko siya nang makita na hindi man lang ito natuwa. “Uubusin ko ‘to dahil ikaw mismo ang nagluto.” Napaangat siya nang tingin sa sinabi nito at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.
Muli na naman tumibok nang mabilis ang kanyang puso. Ito ang iniiwasan niyang mangyari ang mas mahulog pa sa binata, lalo na kapag nakikita niya itong nakangiti.
Sabay silang napalingon nang bumukas ang pinto. “Oh, bumalik ka?”
Natawa si Eren habang pumapasok saka pumunta sa kama nitong gawa sa kahoy. “I forgot my phone. Silly me.”
“Baliw,” sabi ni Davis. “Bumalik ba kayong lahat?”
“Yeah. Why? Sasama ka?”
“Oo, eh. Tatawagan ko lang si mommy, baka nag-aalala na ‘yon. Ilang araw na akong hindi nakakatawag sa kanya simula nang dumating tayo dito.” Inayos nito ang laman ng bag nito.
“Sige. Hintayin ka na lang namin sa labas,” sabi ni Eren saka ngumiti nang tumingin ito sa kanya. Tumango naman siya saka ngumiti. Tuluyan na itong lumabas at naiwan na naman sila ng binata sa loob ng bahay.
“Aalis ka?” hindi niya maiwasan na tanong sa binata na may nilalagay sa bag.
“Oo, sasama ako sa kanila. Kailangan kong tawagan ang ina ko dahil baka nag-aalala na siya sa akin.”
Napayuko siya. Hindi niya maiwasan namalungkot. “Gano’n ba?”
Nagulat siya nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang ulo. “Huwag kang mag-alala, uubusin ko ang pagkain na niluto mo.”
Naglakad na ito papunta sa pinto. Napakuyom siya ng kamao dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba sa pag-alis nito at wala sa sariling napahawak siya sa kamay nito. Nagulat ito sa ginawa niya at napatingin sa kanya.
“Bakit?” tanong nito. Naramdaman nito ang panginginig ng kanyang kamay dahila para mag-alala ito sa kanya. “Ayos ka lang ba, Hope? Nanginginig ang kamay mo.”
“Babalik ka, ‘di ba?” Nagulat ito sa naging tanong niya dahilan para hindi agad ito makasagot. “Babalik ka, ‘di ba?” tanong niya ulit.
Mas natakot siya ng hindi ito sumagot. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay iiwan siya ulit ng mga taong naging bahagi ng buhay niya. Ayaw man niyang mahulog sa binata ay huli na ang lahat. Natatakot na siya na baka iwan na nga siya nito.
Nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang kamay saka siya hinila papalapit dito. Niyakap siya nito ng mahigpit dahilan para mawala ang kanyang panginginig at kumalma ang sarili.
“Babalik ako, Hope. Babalik ako sa ‘yo. Kahit na anong mangyari, sa ‘yo at sa ‘yo pa rin ako babalik dahil mahal kita.”
Bigla na lang tumulo ang mga luha niya sa sinabi nito. Ilang araw niyang hindi narinig mula sa binata ang katagang iyon. She kinda miss it. Ngayon na narinig niyang muli ang katagang iyon ay nagdiwang ang kanyang puso.
Niyakap niya ito pabalik at napapikit. Huli na nga ang lahat para pigilan pa niya ang nararamdaman.
NAKAHINGA nang maluwag si Davis ng makasagap na din siya ng signal. Sa wakas ay matatawagan na din niya ang kanyang ina.
“Mom!” masaya niyang tawag dito nang masagot nito ang tawag.
“My gosh, Davis! Bakit ngayon ka lang tumawag? Isang linggo na akong naghihintay nang tawag mo!” Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil nami-miss niya ang boses nito. “Hindi ko tuloy maiwasan na mag-alala sa ‘yo.”
“I’m okay, Mom. Wala lang signal dito kaya hindi agad ako nakatawag sa ‘yo.” Narinig niya ang pagbuga nito nang hangin. “Alam mo bang umakyat pa ako sa malaking puno para lang makahanap ng signal at para makatawag sa ‘yo.”
“Lintik kang bata ka! Bumaba ka nga diyan! Paano na lang kung mahulog ka?” Natawa siya dahil naniwala naman ito sa kanya. “Ikaw talagang bata ka! Pinagloloko mo na naman ako. Humanda ka sa akin kapag nakauwi ka na dito.” Natawa siya dahil alam niyang umuusok na naman ang ilong nito.
“Eh, ‘di hindi na lang ako uuwi.” Napanguso siya kahit hindi naman nakikita ng kausap niya.
“Umuwi ka na dito, Anak. Nami-miss na kita,” biglang lumambot ang boses nito dahilan para mas mami-miss niya ito.
“Baka matagalan pa bago ako makauwi diyan, Mom.”
“Bakit? Akala ko ba two weeks lang kayo diyan?”
“Uuwi din sina Eren pagkatapos ng two weks, pero magpapaiwan ako dito.”
“Ha?” Nagulat ito. “Bakit?”
“Nahanap ko na siya, Mom.” Biglang natahimik ang nasa kabilang linya.
Tiningnan niya ang kanyang cellphone dahil baka nawala ang signal dahilan para maputol ang tawag. Napakunot-noo siya nang makitang naka-connect pa rin naman ang tawag.
Ibinalik niya ito sa tenga. “Mom? Are you still there?”
Ilang segundo bago niya narinig muli ang boses ng ina. “S-sino ang nahanap mo, Anak?”
Nakahinga siya nang maluwag ng sumagot na ito ulit. Akala niya ay nawala na ito sa linya. “Ang babaeng papakasalan ko, Mom. Nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay.”
“Really, Son?” Hindi pa rin ito makapaniwala.
“Oo, Mom. Taga-rito siya at nililigawan ko, kaso mukhang matatagalan bago ko siya mapasagot.”
“Ayos lang ‘yan, Anak. Hindi mo dapat minamadali ang isang babae.”
Napangiti siya sa pagiging supportive nito. “So, ayos lang sa ‘yo na matagalan ako dito?”
“Ayos lang sa akin, basta dapat magbunga ang pag-i-stay mo diyan at dapat sa pagbalik mo dito ay dala mo na siya.” Naramdaman niya ang tuwa sa boses nito. “I’m so happy for you, Son. Nahanap mo na din siya.”
“Thank you, Mom.” Napangiti siya dahil hindi pa naman nakikilala ng ina niya si Hope ay tanggap na agad nito.
“Basta mag-iingat ka. Balitaan mo ako kung anong ganap na sa ‘yo ng hindi ako mag-alala.”
“I will, Mom,” nakangiti niyang sagot.
“Sobrang saya ko para sa ‘yo, Davis. Sa wakas, nahanap mo na din siya at alam kong hindi ka na mag-iisang tumanda.”
Natawa na lang siya sa sinabi nito. “Sige na, Mom. Babalik na kami. Tatawagan na lang kita para balitaan.”
“Okay, Anak. I love you.”
“I love you, too, Mom.” Tinapos na niya ang tawag at hindi maiwasan na mapangiti.