CHAPTER 10

2256 Words
“Lola naman,” reklamo ni Hope sa kanyang lola. “Sige na, Apo. Pagbigyan mo na si Lola.” “Bakit hindi ikaw ang pumunta, Lola? Ikaw naman itong mangungumusta sa kanya.” Pinipilit kasi siya ng lola niya na pagdalhan na naman ng ulam si Davis. Simula kasi nang hatiran niya ito ng ulam ay hindi na sila ulit nag-usap pa. Bigla siyang nahiya sa ginawa niya ng araw na ‘yon. Huli na nang maisip ang kakahiyan na ginawa niya. Nakaalis na ang binata nang ma-realize niya ang katangahan niya, huli na ang lahat. “Hmp!” Tumalikod ito sa kanya habang naka-cross arms, tila ba nagtatampo. “Kung hindi mo kasi inaway ‘yong tao, eh ‘di sana dumadalaw pa rin ‘yon dito. Eh, ‘di sana hindi na kita inuutusan.” Napanganga siya sa sinabi nito. “Hindi ko naman siya inaway, ah. Siya ba ang nagsabi sa ‘yo na inaway ko siya? Lola, ah. Huwag kang maniwala sa lalaking ‘yon.” “Hindi niya sinabi sa akin, pero nararamdaman ko. Ikaw lang naman ang pinupunta no’n dito. Ano sa tingin mo ang iisipin kong dahilan niya kung bakit hindi na siya pumupunta dito.” Biglang lumambot ang boses nito. “Bakit hindi mo pagbigyan ‘yong binata?” Kinuha niya ang mangkok saka humarap sa lola. “Sige na po, Lola. Ihahatid ko na ito.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil mauulit na naman ang usapan nila. Ang tungkol sa ina at ama niya. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon. Nasa malayo pa lang siya ay nakita na niya si Saya sa harap ng bahay ni Davis. Napakunot-noo siya nang makitang may hawak din itong mangkok. Napahinto siya sa paglalakad at tiningna kung anong ginagawa ng dalaga doon. Maganda si Saya, mabait din, morena, at matangkad. Mas matangkad pa nga ito sa kanya at kung siya ang tatanungin ay mas maganda ito sa kanya. Pakiramdam niya ay maganda lang siya dahil maputi siya, pero kung magiging maitim siya ay hindi niya alam kung maganda pa rin siya. Kahit naman kasi anong bilad niya sa araw ay hindi siya mangitim-ngitim. Nagiging mapula lang ang kanyang balat. Ang sabi ng mga tao ay gano’n din daw ang balat ng tatay niya kaya alam nila na sa ama niya siya nagmana. Ilang katok ang ginawa ni Saya nang bumukas ang pinto. Ang kasama nina Davis ang nagbukas nito. Nag-usap ang mga ito, hindi niya naririnig kung anong pinag-uusapan ng mga ito dahil medyo malayo siya. Muling pumasok ang kasama nina Davis at hindi nagtagal ay lumabas si Davis. Mahigpit siyang napahawak sa mangkok nang makitang nakangiti ang binata sa dalaga hanggang sa magtawanan ang mga ito. “Ano bang pinag-uusapan nila? Ano kayang nakakatawa ang sinabi nila para magtawanan sila?” Nanliksi ang mga mata niya nang kinuha ni Davis ang mangkok na bigay ni Saya. “Ano ba? Bakit mo tinanggap?” asik niya na tila kaharap ang binata. Parang gusto niyang sugurin ang dalawa at ibalik sa dalaga ang dala nitong mangkok saka ibigay ang dala niya. Pakiramdam niya ay gusto niya na ang bigay niya lang ang kukunin ng binata at hindi ng iba. Dahil sa hindi na niya nagugustohan ang nakikita ay umalis siya nang hindi man lang binigay ang pinabibigay ng lola niya. Hindi siya umuwi sa bahay nila dahil alam niyang kukulitin na naman siya ng kanyang lola. MALAPIT ng maghapon ng mapag-desisyonan ni Davis na pumunta sa bahay nina Hope. Gusto niyang dalawin ang dalaga dahil ilang araw na niyang hindi ito dinadalaw. Hindi porque hindi siya nagpakita at dumalaw dito ng ilang araw ay sumuko na siya. Binigyan niya lang ito ng oras para mag-isip. Bigla kasi niyang naisip ang sinabi nito. May point naman kasi si Hope, masyado siyang mabilis. Kung ang iba ang sinasabi ay ‘gusto kita’ sa kanya naman ay ‘mahal kita’. Parang mabilis sa dalaga at kailangan nitong mag-isip-isip. Siguro tama na ang ilang araw na binigay niya dito. ‘Yon din kasi ang sinabi sa kanya ni Eren. Magpa-miss muna siya kay Hope. He wonder if Hope really missed him. “Oh, Davis, Hijo.” Mas niluwagan nito ang pinto nang makita siya. “Anong ginagawa mo dito?” “Dadalawin ko po sana si Hope,” pagsabi niya agad sa pakay niya. Napakunot-noo ito. “Si Hope?” “Opo, Lola Belya.” “Hindi ba kayo nagkita kanina?” Siya naman ang napakunot-noo. Napailing na lang siya bilang sagot dito. “Eh, inutusan ko siya kanina na dalhan ka ng ulam. Hindi ba siya pumunta sa inyo?” Umiling na naman siya. “Eh, nasaan pala ang batang ‘yon? Kanina pa kasi hindi ‘yon umuuwi simula nang inutusan ko. Magdidilim na.” Napatingin naman siya sa kalangitan na malapit nang magdilim. Bigla din siyang kinabahan dahil nag-aalala ang lola nito at kanina pa pala ito hindi umuuwi. Bumaling siya ulit kay Lola Belya. “Hahanapin ko na lang po siya at magtatanong-tanong na din sa iba, baka may nakakita sa kanya.” “Sigurado ka ba talaga na hindi kayo nagkita kanina?” Umiling siya ulit. “Hindi po talaga, Lola Belya. Baka wala ako sa bahay nang pumunta siya at baka sina Eren o ang iba kong kasamahan ang nakausap niya.” Bigla niyang naisip na kung pumunta nga si Hope sa bahay nila ay bakit hindi sinabi sa kanya ng kaibigan? Napaisip naman ito saka napatango-tango. “Baka nga.” “Sige, Lola Belya. Hanapin ko lang po si Hope.” Tuluyan na siyang nagpaalam dito. Habang papauwi siya ay napapaisip siya kung nasaan ngayon ang dalaga at bakit kanina pa ito hindi umuuwi. Napailing-iling siya nang maisip na baka may nangyaring masama sa dalaga. Imposible naman ata iyon dahil hindi naman iyon umaalis sa lugar nila. Alam niya din na hindi ito pumupunta sa tambayan nito kung may araw. Sinabi iyon ng dalaga sa kanya. “Eren?” pagtawag niya sa kaibigan niya nang makapasok siya sa bahay na tinutuluyan nila. Nakita niyang nakahiga ito sa kama nito. “Bakit?” tanong nito ng hindi man lang bumangon sa pagkakahiga. Lumapit siya dito saka naupo sa tabi nito. “Pumunta ba dito si Hope kanina?” Napakunot-noo ito. “Hindi, bakit?” “Hindi pa kasi siya umuuwi simula kanina?” Napabangon na ito sa narinig. “Ha? Eh, anong kinalaman ng hindi niya pa pag-uwi sa pagpunta dito? Feeling mo ba pinuntahan ka niya dito? Ikaw, Davis, ha? Nagiging assuming ka na.” Binatukan niya ito dahilan para mapahawak ito sa batok. “Baliw! Hindi gano’n ‘yon.” Napanguso ito dahilan para paikotan niya ito ng mga mata. “Anyway, sabi kasi ng lola niya ay inutusan niya si Hope kanina na magdala ng pagkain dito, simula nang umalis daw iyon ay hindi pa umuuwi. Nag-aalala na sa kanya si Lola Belya dahil malapit nang magdilim.” “Naku! Nasaan pala ‘yon? Hindi ko nakita na pumunta siya dito.” “Nang umalis ako, hindi ba siya pumunta dito?” “Hindi, eh. Buong araw lang kaya akong nakahilata dito. Kung may nagdala man ng ulam dito ay si Saya ‘yon. Nagkausap naman kayo kanina, ‘di ba?” Tumango siya bilang sagot. “Maliban kay Saya at kay Berto ay wala ng iba pang pumunta dito. Isa pa, kung pumunta nga ‘yon dito, malamang sinabi ko na sa ‘yo.” Napaisip naman siya. “Nasaan kaya ‘yon?” “Gusto mo tulungan kita sa paghahanap sa kanya?” Napailing-iling siya. “Hindi na. Ako na lang. Siguro nandiyan lang ‘yon sa mga kapitbahay at nakikipag-kwentohan lang. Sige.” Umalis na siya saka nagtatanong-tanong sa mga tao sa lugar, pero wala ni isang nakakita sa dalaga. Mas tumindi ang kaba niya. Habang nag-iisip siya kung nasaan ang dalaga ay bigla siyang napatingin sa daan kung saan papunta sa tambayan ni Hope. “Posible kaya na nandoon siya?” tanong niya sa sarili. Ilang Segundo pa siyang nakatingin sa daan bago napabuntong-hininga. Wala naman sigurong mawawala kung titingnan niya ito doon. Kung saka-sakali nga na nadoon ang dalaga ay hindi niya alam kung may dala ba itong flashlight bilang ilaw. Kung wala ay baka hindi ito makauwi dahil madilim ang daan. Sa naisip niyang ‘yon ay napagdesisyonan niya na pumunta na lang sa tambayan nito. Kailangan niya lang siguradohin na walang taong makakakita sa kanya para walang makasunod. He wanted to keep Hope’s secret. Umuwi muna siya ng bahay para kumuha ng flashlight. Tumingin-tingin siya sa paligid, sinisigurado na walang taong nakatingin sa kanya. Nang masiguro niya na wala ay umalis na siya. Habang nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ay tuluyan nang dumilim ang paligid. Nasa malayo pa lang siya ay may nakita siyang isang bukas na mangkok. Doon pa lang ay nasasabi na niyang nandoon nga ang dalaga. “Hope?” tawag niya sa pangalan ng dalaga. “Hope?” tawag niya ulit dito ng hindi ito sumagot. “Hope?” Napatigil siya sa pagtawag ng makita na nakahiga ito sa ibabaw ng isang banig. Dahan-dahan siyang lumapit dito at ginawa ang lahat para hindi makagawa nang ingay. Ayaw niyang magising ang dalaga sa mahimbing nitong pagkakatulog. Naupo siya sa tabi nito nang makalapit na siya dito. Inilapit niya ang kanyang kamay sa pisngi nito para hawakan ang maamo nitong mukha, pero bigla ding napatigil. Pinigilan niya ang kanyang sarili na hawakan ito. Napaupo na lang siya sa sahig saka tiningnan na lang ang mukha ng dalaga. Maliban sa natatakot siya na baka magising ito ay gusto niyang makita pa itong mahimbing na natutulog. Masungit pa rin kasi ito sa kanya sa kabila ng sinabi nito noong nakaraang araw. “Sana magustohan mo din ako, Hope,” mahina niyang sabi para hindi ito magising. “Pakiramdam ko kasi may gusto ka na din sa akin kahit kaunti dahil sa ginawa at sinabi mo noong nakaraang araw. Pero natatakot ka lang na sabihin dahil natatakot kang masaktan. Pero, Hope, hinding-hindi kita sasaktan. Pangako ko ‘yan sa ‘yo. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa ‘yo.” Napabuga na lang siya nang hangin. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at hinaplos na niya ang malambot at kulot nitong buhok. Lumipas ang isang oras bago nagising ang dalaga. Napatayo ito at hindi nagulat nang makita siya. “Anong oras na?” tanong nito habang kinukusot-kusot ang mga mata. Napatingin siya sa relong pambisig. “Alas-otso na.” “Ha?” Nagulat ito sa sinabi niya. “Bakit hindi mo ako ginising?” “Nakita ko kasi na masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising.” “Baliw ka ba? Nakita mo nang wala ng araw, papaano tayo makakabalik ngayon? MAdilim ang daan, wala pa naman akong dalang flashlight.” Sinamaan siya nito nang tingin nang ngumiti lang siya dito. “Bakit nakangiti ka diyan? Anong nakakatuwa?” “Wala naman. Ang ganda mo pa rin kasi kahit na bagong gising ka pa.” Nanlaki ang mga mata nito at napatalikod sa kanya. “A-ano bang pinagsasabi mo diyan?” “Totoo naman kasi ang sinasabi ko.” May iilang mga fireflies ang nakapasok sa kubo dahilan para magsilbing ilaw nila. Nakita niya ang namumula nitong tenga. Hinawakan niya ito. “Bakit mapula ang mga tenga mo, Hope?” Bigla itong napalayo sa kanya. “A-ano bang ginagawa mo?” Naiwan sa ere ang kanyang kamay sa bigla nitong paglayo sa kanya. “Bakit? Hinawakan ko lang naman ang tenga mo, ah. Namumula kasi. Makati ba?” “Hindi Makati!” Nagulat siya sa sigaw nito. “Umuwi na nga tayo! Sigurado akong nag-aalala na si Lola.” Tumayo na ito saka naunang maglakad. “Sandali lang!” Mabilis siyang sumunod dito saka pinailaw ang flashlight. Napatingin siya sa hawak nitong mangkok. “Inutusan ka daw ni Lola Belya kanina na dalhan ako ng ulam?” Hindi ito sumagot at nanatili lang na tahimik. “Bakit hindi ka pumunta?” “Eh, bakit pa kita bibigyan kung binigyan ka na ni Saya?” “Si Saya?” nagtataka niyang tanong. Napatigil siya sa paglalakad nang tumigil din ito saka humarap sa kanya. Nagulat siya nang sinamaan siya nang tingin nito. “Oo, si Saya! Bakit pa kita bibigyan kung binigyan ka na niya ng ulam?” “Sandali… Hindi ka pumunta sa bahay dahil nakita mo si Saya?” “Oo. Nakita ko kung paano kayo mag-usap, magtawanan, at kung paano ka niya bigyan ng ulam.” “Nagseselos ka ba sa kanya, Hope?” Pareho silang nagulat sa naging tanong niya. Hindi niya kasi inaasahan na lalabas sa bibig niya ang tanong na iyon. Napatingin siya sa dalaga na gaya niya ay nagulat din, pero sinamaan din niya nang tingin. “At bakit naman ako magseselos?” sigaw nito sa kanya. “Wala naman tayong relasyon para magselos ako sa inyo.” fe “Pero---“ “Kung inaalala mo ang nangyari noong nakaraan, kalimutan mo na ‘yon. Nabigla lang ako at hindi alam ang ginagawa ko. Kung ‘yon ang pinanghahawakan mo, Davis, para maisip mo na may gusto ako sa ‘yo. Nagkakamali ka nang iniisip. Sinabi ko na sa ‘yo, wala kang pag-asa sa akin dahil wala akong gusto sa ‘yo.” Hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan at napatingin na lang sa dalaga na unti-unting nawawala sa paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD