“Good afternoon, Mr. Montefalco,” bati ng isang staff kay Davis. “Where is Hope?” tanong niya dito. “Nasa opisina niya po.” Malaki ang ngiti nito nang makita ang isang bouquet ng tulips ang dala niya. “Ang sweet niyo naman po,” kinikilig nitong sabi. “Ang swerte naman ni Miss Hope. Sana magkaroon din po ako ng boyfriend na kasing sweet niyo.” Tanging ngiti lang ang sinagot niya dito saka tumungo sa opisina ni Hope. Hindi siya kumatok at binuksan lang ito agad. Nakita niyang may binabasa ito. Seryoso ito sa binabasa dahilan para hindi nito mapansin ang pagpasok niya. Hindi lang ito mabait sa kanya kung hindi pati na din sa ibang mga tao. Yon ang sinasabi sa kanya ng mga staff nang tanungin niya ang mga ito tungkol sa dalaga. Ginagawa naman nito ng mabuti ang trabaho nito. Noong una ay g

