“Salamat sa paghatid sa akin, Marco. Hindi mo naman kailangan na ihatid pa ako dahil hindi na ako bata katulad ni Scarlet,” biro ni Hope nang tumigil na sila sa harap ng Hope Charity. “Alam ko. Gusto ko lang makasiguro na ligtas kang makakapasok sa trabaho.” Napailing na lang siya sa naging sagot nito. Kahit hindi nito sabihin ay alam at nararamdaman niyang nag-aalala pa rin ito para sa kanya kahit pa ilang beses niyang sabihin sa binata na ayos na siya. Masarap pala sa pakiramdam na may ibang taong nagmamalasakit sa ‘yo kahit hindi mo kadugo. “Sige na. Papasok na ako.” Kumaway siya dito saka tumalikod. “Hope!” Muli siyang napalingon dito nang tawagin siya nito. “Susunduin kita mamaya tapos kakain tayo ni Scarlet sa barbecue,” sabi nito saka mabilis na umalis dahilan para h

