“Hope?” tawag ni Marco sa pangalan ng dalaga habang mahinang kumakatok sa pinto ng kwarto nito, pero walang sumasagot. “Papasok ako, ah.” Hindi pa rin ito sumagot dahilan para pumasok na siya nang tuluyan sa kwarto nito. Kagagaling lang niya sa paghatid kay Scarlet sa school nito. Bumalik siya nang malaman mula kay Scarlet na parang walang ganang gumalaw ang ina nito at hindi ito pumasok sa trabaho. Nag-alala siya kaya naman pinuntahan na niya ito ng matapos niyang ihatid ang bata. Hindi niya kasi nakita si Hope kanina kasi si Scarlet na mismo ang pumunta sa bahay niya para magpahatid ito sa eskwelahan. Nakita niya si Hope na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama at nakakumot. Umupo siya sa tabi nito. Nakita niyang nakapikit ang mga mata nito na para bang natutulog, pero alam

