“La, nakita niyo po ba si Davis?” tanong ni Hope sa kanyang Lola Belya. Nagising kasi siya kanina na hindi ito nakita sa bahay. Akala niya ay hindi pa ito nagigising kanina, pero nang lumipas ang ilang minuto ay sinilip niya ito sa kwarto ay wala na ito doon. Malinis na ang kama na hinihigaan nito, at nakatupi na ang kumot. Tiningnan na din niya ito sa labas dahil baka nandoon ito, pero wala. Wala din naman ito sa kusina. “Pumunta siya ng bayan kanina,” sagot nito habang nagtutupi ng mga damit. “Ha? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?” Napanguso siya dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. “Tulog ka pa kasi kanina, Apo.” Napatango-tango na lang siya. “Babalik din ‘yon mamaya.” “Ano nga pa lang ginagawa niya sa bayan, ‘La?” Tumabi na siya nang u

