Magkita tayo sa may park pagkatapos ng trabaho mo. Hihintayin kita. - Saya. Bumilis ang t***k ng puso ni Hope nang mabasa ang pangalan ng dalaga sa sulat na nakuha niya nang buksan niya ang locker. Mahigpit niyang nahawakan ang papel, halos mapunit na ito. Ano naman kayang kailangan nito sa kanya? Alam na pala nito na nandito na siya sa Maynila. Malamang alam na din nito na nagkita na sila ng binata. Kaya ba siniraan agad siya nito kay Davis nang malaman nitong nandito na siya? Napatiim-bagang siya. Ang buhay na para sa kanya at sa anak niyang si Scarlet ay inagaw nito. Para na din nitong inagawan ng karapatan ang anak niya na malaman kung sino ang ama nito. Dahil sa sitwasyon ni Davis at dahil sa babaeng ito ay hindi niya magawang ipakilala si Scarlet, sa ama nito. Ayaw niyang

