“Hope!” Hinawakan ni Ethan ang kamay ni Hope dahilan para mapatigil ito sa paglalakad. Biglang napaharap si Hope sa binata nang hilain siya nito paharap dito at napahawak sa matipuno nitong dibdib. Nagulat si Hope sa ginawa nito at napaangat nang tingin sa binata dahil mas mataas ito sa kanya. “Are you avoiding me?” tanong nito habang nakakunot ang noo. “Ha?” “Iniiwasan mo ba ako?” Napakunot-noo siya. “Hindi naman. Bakit?” Binitawan na siya nito. “Para kasing iniiwasan mo ako. Ilang araw na kasi akong pumupunta dito, pero hindi kita makita-kita.” Bahagya siyang natawa. “Hindi kita iniiwasan, okay? Medyo busy lang ako sa trabaho at alam mo naman ang trabaho ko, hindi ako napeperme sa iisang lugar.” “Oo nga pala.” Napakamot ito sa batok. “Bakit mo pala ak

