Nagising si Hope sa mga mahihinang katok, sapat na para marinig niya. Napatingin siya sa orasan at nakitang alas-dyes na ng gabi. Napakunot-noo siya at napaisip kung sino ang taong kumatakot ng ganitong oras sa bahay niya. Tumayo siya saka pumunta sa pintuan. “Sino ‘yan?” tanong niya nang makalapit na siya sa may pinto. Ayaw niyang buksan ang pinto kung hindi niya naman ito kilala lalo na’t gabi na. Pinaalalahanan siya ni Marco bago ito umalis na huwag magbukas ng pinto sa kung sino man kumakatok lalo na kung gabi dahil maraming magnanakaw at masamang tao sa paligid. “Hope.” Nagulat siya nang marinig ang boses ni Marco. Mahina man pero alam niyang ang binata iyon. Agad niya itong binuksan at bumungad sa kanya ang binata na nakayuko. “Napaaga ata ang uwi mo, Marco?” Sa p

