“Hope?” Napatingin si Hope sa tumawag sa kanya at nakita si Lolo Aka na papalapit sa kanya. Tumigil ito sa harap niya saka napabuntong-hininga. Ngumiti lang siya dito kasi alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Tumingin ito kung saan siya nakatingin kanina. Sa daan. “Hanggang ngayon ay naghihintay ka pa rin sa kanya?” Tanging ngiti lang ang kanyang sinagot dahilan para mapabuntong-hininga na naman ito. “Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pala sumusuko at naghihintay pa rin sa kanya?” “Mahal ko po kasi siya Lolo Aka, kaya kahit gaano katagal ay maghihintay pa rin ako sa kanya.” Napailing-iling ito sa kanyang sinagot. Alam niya kung anong iniisip nito. Nangyari din sa kanya ang nangyari sa kanyang ina. Nagpaalam ang ama niya noon na uuwi ito at babalikan ang kanyang ina, pero

