CHAPTER 13

1442 Words

Napapatingin ang mga tao habang naglalakad sina Davis at Hope papunta sa bahay ng dalaga. Mataas na ang araw nang bumalik sila kaya naman maraming tao ang nakakakita ng kamay nilang magkahawak ngayon. Dahil sa hiya ay hinila ni Hope ang kanyang kamay, pero hindi niya magawa dahil mas hinigpitan pa ito nang hawak ng binata.   Tumingin siya sa binata saka bumulong, “D-Davis,”   Hindi ito tumingin sa kanya at diretso lang itong nakatingin sa daan. Taas-noong naglalakad at hindi iniinda ang iniisip o ang sinasabi ng mga tao sa kanila. Hindi basta-basta hinahawakan ng mga kalalakihan ang mga kababaihan sa lugar nila, maliban na lang kung may relasyon ang dalawang tao. At sa nakikita ng mga ito sa kanila ay alam niya na iniisip ng mga ito na may relasyon sila.   Wala naman siyang problema

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD