“O AYA, nandiyan ka pala. Anong ginagawa mo riyan?” Mula sa ginagawang pagtanaw sa malayo ay lumingon si Aya sa kanyang likuran. Palapit na sa kanya si Tito Roel. Nasa labas siya ng gate ng bahay nito at ng nobyo. Hapon na iyon at kagagaling niya sa trabaho. Kanina ay magkausap sila ng kasintahan na doon nalang sila maghapunan sa bahay ng mga ito. Napag-usapan din nilang doon nalang sila magkikita pero hindi muna siya pumasok sa loo. Iisa ang rason niya, naroroon si Tito Roel. Hinihintay niya ang nobyo kaya siya naroroon sa labas ngayon. “Ah, hinihintay ko ho si Christian. Parating na rin ho kasi siya.” magalang niyang sabi pero hindi ngumiti. Tuluyan itong nakalapit sa kanya. Pasimple siyang umurong dahil napasobra naman ang paglapit nito. “Kung ganon ay dito mo nalang siya hintayin

