SA araw na iyon ay nakatanggap si Aya ng isang regalo na hindi niya inaasahan. Isa iyong normal na araw ng Sabado. Nakasalo niya si Elijah sa isang masiglang agahan. Kagabi ay nagsabi si Christian na gusto nitong magkita sila ngayong araw subalit tumanggi siya. Sinabi niyang may trabaho siya at kailan lang natanggap. Sinabi niya ritong nangangamuhan siya sa isang mayamang pamilya at hindi siya basta-basta puwedeng umalis. Bukas nalang niya ito kikitain. Wala itong nagawa kundi ang pumayag. Katatapos lang ng agahan. Kagaya ng nakagawian niya tuwing umaga pagkatapos ng agahan, pupunta siya sa hardin at magpapahangin. Presko kasi roon at masarap sa pakiramdam. Masarap din sa mga mata ang iba’t-ibang kulay ng mga bulaklak. Kagaya ng isang normal na babae, hilig niya ang mga bulaklak pero pina

