bc

Lover's Moon

book_age0+
219
FOLLOW
1.7K
READ
sex
one-night stand
opposites attract
second chance
goodgirl
sensitive
drama
sweet
bxg
no-couple
like
intro-logo
Blurb

Masakit para kay Ysa na matuklasang pinagtataksilan siya ng nobyo. To make matters worse, kitang-kita niyang magkaulayaw ang kanyang nobyo at ina-inahan kahit sa gitna ng hallway isang gabing galing siya sa Baguio mula sa dinaluhang conference.

Para makapag-move on sa sakit na dinanas, nagbakasyon siya mula sa trabaho at nagtungo ng Ilocos. Doon ay nakatagpo niya si Caine. At hindi niya maitatangging malakas ang hatak ng atraksiyon sa pagitan nila. Hanggang sa isang gabi, namalayan na lang niyang kaulayaw na niya ito sa gitna ng tanglaw ng mabilog na buwan. Para lang matuklasan niyang kapatid ito ng dating nobya ng walanghiyang nobyo niya at siya ang pinaghihigantian nito!

chap-preview
Free preview
River of Pleasure
"OH...it feels so good. Damn it!" Nakagat ni Ysa ang pang-ibabang labi nang minsan pa'y hinagod ng kamay ang kanyang kaselanan. Sunod-sunod ang naging buntong-hininga. Napapikit siya. Lumitaw agad sa balintataw ang nakita niya sa gilid ng ilog nang nagdaang gabi. Ni hindi niya kilala ang mga pangahas. Ang alam lang niya'y nagising siya nang madaling araw na iyon dahil naiihi siya. Matapos siyang manubig sa banyo'ng nasa labas pa ng mini-kubo na inuupuhan niya sa river resort na iyon sa Ilocos Norte, may naulinigan siyang parang panaghoy nang umihip ang mabining hangin mula sa kabundukan. Maliwanag naman ang buwan at mula sa mini-veranda ng kubo, makikita na roon ang ilog na waring pilak na umaagos nang mga sandaling iyon. May malawak na man-made na pampang doon na sinadyang tabunan ng may kapinuang graba at malalaking batong may malalapad na ibabaw. Ang mga iyon ang nagmumukhang upuan at mesa at sa gilid ng mga batong iyon ay may mga nagkalat ding silungan na tila kabute ang porma at gawa sa kahoy at anahaw na tinalukbungan ng screen. Malapit-lapit lang ang kubo niya roon at mas may privacy rin mula sa mga clusters ng iba pang mini-kubo roon na pinapaupahan din. At kung hindi ka masyadong mapag-usyoso, agad-agad mo'ng iisipin na natural ang nasabing ilog at ang mga nakapaligid doon. Pero ang totoo ay sadyang pinaayos lang ng nagmamay-ari ng river resort na iyon ang lugar para mukhang tunay. Ang tunay na ilog ay malayo pa roon. Ibinuwelta lang ang ibang tubig sa river resort sa pamamagitan ng konkretong pasukan ng tubig na kagaya ng sa irigasyon. Kapag tag-ulan at malakas ang agos, bahagya iyong sinasarhan para huwag makapanira roon. First hand infos mula sa isang staff na napagtanungan niya two days ago. Sa minsan pa'ng pag-ihip na iyon, muling dinala ng hangin ang panaghoy. Napakunot-noo siya. Iba ang panaghoy na iyon. Hindi nasasaktan. Hindi nahihirapan. Kundi panaghoy ng- Nahawakan ang dibdib sa reyalisasyon. At hindi niya alam kung bakit sa minsan pang pagkakadinig sa panaghoy na iyon, naapektuhan siya. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Napahawak siya sa hamba ng pinto at hindi malaman kung papasok o hindi. Napasandal na siya sa dingding. Natagpuan na lamang niya ang sarili na humahagod ang kanyang kamay sa tapat ng dibdib. Ginamit niyang pantulog ang racerback sando niya. No bra. At panty lang ang suot niya. At sa alinsangan ng panahon nang buwang iyon ng Marso, kahit siguro matulog siyang hubo't hubad ay gagawin niya. Lamang ay probinsiya roon. Mahirap na. Lalo at nag-iisa siya roon. Nag-iisa siya, in a sense na siya lang ang nagbakasyon doon para makalayo muna sa lahat-lahat ng nagpapaalala sa kataksilan ng nobyo at ng kanyang kinikilalang ina. Napasinghap siya nang maramdaman ang tuluyang pagsakmal ng init sa kanyang katauhan sa nadidinig na sunod-sunod nang paghalinghing. Sa pagkakabuhay ng kanyang mga ugat, nangabay ang kanyang mga paa na tila magnanakaw at tuluyang bumaba sa veranda. Nanainga siya. Iginala sa paligid ang kanyang mga mata para makatiyak na walang ibang tao sa paligid. Nang makasigurado, kumakabog ang dibdib na binaybay ang daan papunta sa dalampasigan. Nagpakatago-tago siya sa anino ng mga puno at ng mga silungan. Dumako siya sa pinakahuli at ingat-ingat na tumunghay sa pababang dalisdis papunta mismo sa ilog. At doon, sa gitna ng agos ay tila nagdidiliryong nakayakap ang isang babae sa malaking bato habang ang isang lalake naman ay abala sa pag-ulos sa likod nito. She was transfixed with the sight. Those two lovers were just silhouettes in the silver moonlight. At ang dilim na bumabalot sa mga ito sukat para maitago ang identity sa kagaya niyang naninilip lang ay parang aphrodisiac sukat na pag-ibayuhin nu'n lalo ang init na nadarama. Parang hindi malaman ng babae kung saan kakapit. Sa paraan nito na tila nalulunod na sa sobrang sarap at ligaya, hindi na rin mapigil ang sarili na lalong madama ang pagnanasang rumaragasa na mula sa sentro ng kanyang pagkababae. Bumaba ang kamay niya. Ipinasok iyon sa loob ng kanyang panloob at marahang hinimas ang kanyang kaumbukan. Ipinasok ang isang daliri sa kanyang lagusan. Napapikit siya. Nakagat ang pang-ibabang labi nang muntik nang tumakas ang isang impit na ungol sa kanyang lalamunan. "Oohh..." Sa pagkabigla niya'y naalis ang kamay sa loob ng kanyang panloob at alertong nanainga. That groan was too near to miss. And certainly, hindi mula sa isang babae. It WAS a baritone. Sa lalake! Kinakabahang iginala ang tingin sa paligid niya subalit wala siyang makitang kumikilos na puwedeng ipagpalagay na tao. Nasa kainitan pa rin ang pagtatalik ng dalawang nilalang sa gitna ng ilog. This time ay nakaharap na ang babae sa lalake paupo ulit sa bato. Kandaliyad sa paghabol ng hininga at sa pag-ungol sa sarap na nararanasan. "Oohh...shit, Dave. D-dalian mo pa. Ibaon mo nang sagad. Malapit na ako...aahh..." halinghing ng babae. "H-hintayin mo ako. Sabay tayo...shit. Oh. Clenched it, woman. I love that feeling!" sambot ng lalake na binilisan na ang pagkadyot. Sa ingay ng mga ito, siya na tuloy ang kinakabahan na baka magising na ang buong resort. Saka na lang may kumilos na tila sumingit sa gitna ng dalawa ring malalaking bato ilang dipa lang mula sa kinaroroonan niya. Sa tanglaw ng buwan, natanto niyang lalake ang naroon at pilit na inaayos ang sarili sa pagtanaw sa dalawang nagtatalik sa gitna ng ilog. Damn if that sight does not heightened the lust that wanting to erupt inside her. Dahil kahit impit ay napapaungol din ang lalake na waring hinahabol ang dalawa para makasabay habang taas-baba ang kamay nito sa sariling pagkalalaki. Iglap, tuluyan na ring sinakop ng kamay niya ang kanyang kaumbukan at sinimulan ulit na paglaruan iyon. Binilisan niya. Dahil kung ibabase na sa sunod-sunod nang ungol ng nasa ilog at sa lalakeng nagtatago sa gilid ng bato, malapit na nilang marating ang kasukdulan. Kailangan niyang makahabol at mairaos din nang sabay sa mga ito ang init na sumasakop nang husto maging sa kamalayan niya. Bandang huli, nakagat na niya nang tuluyan ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang hudyat na malapit na siyang sumabog. Sa pagkakasandig niyang iyon sa gilid din ng bato, salit-salitan ang ginagawa niyang panonood sa tatlo. Malapit na siya. Malapit na siya... Pero nauna na ang dalawa sa ilog na halos nagyakapan pa nang buong higpit kasabay ng pag-ungol ng mga ito. Napatingin siya sa lalake sa gilid ng pinagtataguang bato, napatihaya na ito ng kunti habang kay bilis ang palad nito sa ginawang pagtaas-baba sa pagkalalaki nito. Malapit na siyang labasan nang makita niya rin itong parang nagsunod-sunod na ang paghinga nito saka tila napaigtad ang ulo at impit na napaungol. That Peeping Tom of a man was done and finally, she felt the gripped of her own release nang mag-contract nang tuluyan ang kaloob-looban ng kanyang pagkababae. Tila gusto niyang kumisay sa tindi ng orgasmo'ng kumawala sa kanya. SHE laid there, spent and sated from her self-pleasure. Habol ang hininga na napangiti siya ng pilya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinaligaya niya ang sarili at hindi niya akalaing may kakaibang thrill na lumukob sa kanya. Hindi niya kailanman iyon nararamdaman kay Daniel-ang walanghiyang ex niya na pati ang kinikilalang ina niya, nakuha nitong patulan nang gayon na lamang. Akala ng mga ito, hindi pa siya uuwi mula sa dinaluhang convention ng mga acountant sa Baguio nang gabing iyon kaya huling-huli niya ang mga itong walang kiber na naglalampungan sa hallway ng bahay nila. Ang mga pinagbihisan, basta na lang nakakalat iyon mula sa hagdanan. At sinundan ang dalawang walanghiya na nagpaparaos na tila wala nang umaga. Si Daniel na nakahiga sa sahig at si Alicia na nakapatong patalikod dito. Dahil nakaharap ang posisyon na iyon sa bungad ng hagdan, kitang-kita niya ang pagkakabaon ng pagkalalake ng ex niya sa pagkababae ng may asim pang stepmother niya habang panay ang ungol nito. Sinasalubong ang bawat kadyot. Na nang mapansin siya ni Alicia roon na natigagal na at hindi malaman kung sisigaw, iiyak o magwawala ay natigilan lang muna. Habang si Daniel, umuulos pa rin palibhasa hindi pa siya noon nakikita. At nang maramdaman marahil na may iba nang nangyayari, parang nakakita ng multo na biglang napabangon at naisalya si Alicia sa isang tabi. No, hindi siya nagwala. Nang makahuma, nagtatakbo siya pababa ng hagdanan, grabbed her travelling bag and her purse and run out again. Hindi pinansin ang pagtawag ng kahit sino sa dalawa na pinara ang taxi'ng papadaan. Hindi rin niya halos maisip kung paano siya nakarating sa townhouse ng kaibigang si Joy. Dahil hindi pa siya nakakapasok, umiiyak na siyang napaupo sa dalawang baitang na hagdanan papasok sa bahay. Doon siya nadatnan ang kaibigan na gulat na gulat nang mabungaran siya roon. Sa pagitan ng pag-iyak at sa tulong ng alak na ipinagpilitan niyang bilhin ng kaibigan niya, ikuwento niya kahit paputol-putol ang nadatnang tagpo sa bahay nila. Naturally, galit na galit ito. At kung hindi pa niya napigilan, malamang ay sumugod sa bahay nila na may dala-dalang kutsilyo para resbakan ang dalawang taksil. Sa bandang huli, ito na ang pinakiusapan niyang magpa-file ng indefinite leave on her behalf sa opisina nila. Gusto niya munang lumayo. Pinakinggan ang suhestiyon ng kaibigan na sa Norte na lang siya muna magpunta. Na siya niyang ginawa. And what a decision, really? Kahit na papaano, nakatulong ang bagong kapaligiran sa pamamanglaw niya at sakit sa damdamin. Sinikap niyang libangin ang sarili. Maganda sa Ilocos Norte. Sa gaya niyang sa Manila na isinilang at lumaki, its always a treat to get out from the bustle and hustle of city living. Para naman makalanghap na rin ng sariwang hangin. Nagpalipat-lipat siya ng tinuluyang hotel at inn hanggang sa mapadpad siya sa river resort na iyon. At ngayong gabi, she got a taste of an adventure she never thought possible until it happened! So risky and yet it excite her. Minsan pa, naramdaman na naman niya ang init nang maisip ang lalakeng nagbabayo ng sarili. Mas masarap pakinggan ang ungol nito kaysa duon sa dalawang nasa ilog. May ginigising sa katauhan niya lalo na nang makita kung paano nito maabot ang kasukdulan sa ilalim ng buwan. At gusto niyang pagtawanan ang sarili sa ginawang pagmamadali na makalayo doon. Nangangatog pa ang tuhod niya nang mga sandaling iyon habang ramdam pa niya ang after glow ng ginawa niya ring pagsasarili. She literally drag herself out from the scene bago pa siya madiskubre. At ngayong nandito na siya sa kanyang kuwarto, hindi niya maiwasang himasin ang kanyang pagkababae na sensitive pa hanggang ngayon. ****sundan ang karugtong****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire Quadruplet Alphas

read
2.8M
bc

Prince Reagan

read
6.4M
bc

Inseparable

read
378.9K
bc

Innocent Little Runt

read
580.8K
bc

Year of Goodbyes

read
3.2M
bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
63.0K
bc

The Alpha's Abused Mate

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook