AKO ang unang nilingon ni mommy kahit halata sa mga mapupungay n’yang mga mata ang paglusot nito at ang pagod na nararamdaman n’ya sa buo n’yang katawan. Patuloy pa rin siya sa paghingal pero nagawa n’yang mag-nod sa kin sabay taas ng kamay n’ya para sabihin sa king puntahan ko siya. From that moment, I already know. My mom will leave in no time. Tumango rin ako habang patuloy na ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Agad akong tinakbo ni Tita Venice para hawakan ang magkabilaan kong balikat n’ong itakip ko na ang dalawa kong palad sa bibig kong kanina pang nais na magpakawala ng malakas na sigaw. Mas lalo kong naramdaman ang pahigpit na pagyakap sa kin ni Tita Venice n’ong unti-unting balingan ng tingin ni mommy si daddy na patuloy pa ring tumatakbo.

