Third Person’s POV “MANANG Soleng! Si Bearlene nasaan?” agad na tanong ni Hendrix n’ong makapunta siya sa bahay ng mga Echavez at hindi n’ya agad nakita ang dalaga sa paligid. Ngunit hindi agad siya nasagot ng matanda na kasa-kasama sa salas ang iba pang mga kasama sa bahay ng mga Echavez. “Nasaan na, manang? At siya nga pala bakit kayo nandito? Hindi ba kayo magdadala ng pagkain? Akala ko sabi ni Lola Herms magdadala kayo ng makakain sa funeral home?” muling tanong ni Hendrix habang hawak-hawak pa ang phone dahil kakagaling lamang ito sa kung saan kasalukuyang nakahimlay ang katawan ng ina ni Bearlene. “Nasa kusina. Ayaw kasi kaming papasukin at siya na lang daw maglulutong mag-isa n’ya. Ang inaalala ko lang naman ngayon, hijo, ay kanina pa siya sa loob

