Third Person’s POV “SI Nikita ang pinaka may maraming resources sa aming lahat dahil halos lahat ng dapat n’yang malaman patungkol sa sumpa ay pinaalam ko sa kan’ya ngunit hanggang ngayon hindi n’ya binabasa ang mga talaarawan na ito dahil nga simula pa lang hindi katulad ko ay nagrebelde siya. Maaga siyang nagkamuwang lalo na at nasa sekondarya pa lang siya ay hinahayaan ko na siyang manirahan ng mag-isa sa sentro. Lagi rin kasi siyang mas pinapaburan ng mga tiyahin n’ya sa side ng tatay n’ya kaya kahit hindi ko siya padalhan ng allowance ay wala lang sa kan’ya, hindi n’ya alintana dahil isang tawag n’ya lang sa kahit na sino sa mga tita n’ya ay alam n’yang papadalahan siya ng mga ‘yon. Siguro ang pagkakamali ko lang din ay hindi ko talaga tinangkang sabihin sa pamilya nila William ang t

