“MAMENG, wala po ba talaga kayong alam like prior happening po bago tuluyang hindi nagparamdam si dad?” tanong ko kay Mameng after hearing na bilid siya sa pagmamahal ng tatay ko sa ming dalawa ni mom. If mameng purely believes that he loves us, then why? Ano ang malaking rason kung bakit hinayaan n’ya kami ngayon ni mommy na wala siya? “Apo, mas mabuti pa siguro ay sa mommy mo ‘yan itanong. Wala akong karapatan na panghimasukan ang pagpapalaki n’ya sa ‘yo as well as how will she deal with this issue, hintayin na lang natin na makaya n’yang sabihin sa ‘yo ang totoo. Your mom knows what she is doing at alam kong may hinihintay lang siya,” mameng assures me pero mas lalo kong ginustong malaman. May karapatan din naman akong malaman at isa pa ay malaki na ako to handle things maybe kasi baka

