KATHRINE "Nabalitaan mo na ba? Na hospital daw si Merimie dahil sa ginawa ni Brent. 'Di ba ex-boyfriend mo 'yon?" Natatawang ani ng kaibigan ko. Nag kunyare naman akong nasuka sa sinabi niyang ex-boyfriend ko si Brent. Mas nauna kong nakilala si Brent kaysa kay Jin. Actually, Brent is already my boyfriend after I met Jin. Inakit ko lang si Jin dahil marami siyang pera. Hindi ko alam na mabubuking lang din pala kami, sayang. Naka doble na sana ako. Marami na sana akong nakuhang pera kay Jin. Kung hindi lang kasi tanga tanga noon si Brent na pumasok sa ladies room. E 'di sana hindi kami nahuli. "Nakulong ba si Brent?" Tanong naman ng 'di namin kilalang lalaki. Asa bar kasi kami ngayon. May mga lalaking lumapit samin ng kaibigan ko at nakipag landian samin. Syempre, pumatol na rin ako kah

