Nang makarating ako sa hospital ay agad akong pumasok sa loob, tinanong ko ang room number ng Merimie na 'yon dahil deserve niyang nandito siya sa hospital, anlandi landi kasi. Nang makuha ko na ay agad akong pumunta roon, hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa room number niya ng lumabas si Jin. Gosh, my husband! Nang mahagip ako nito ng mata niya ay agad nag salubong ang mga kilay niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin at nilapitan siya saka yumakap sa kaniya. "Andito ka lang pala, I was worried. Are you okay? May masakit ba sayo?" Nag aalala kong tanong sa kaniya kahit alam kong hindi naman siya ang na hospital. Inilayo naman niya ako sa katawan niya, "can you stay away from me Kathrine? Matagal na tayong tapos kaya wala nang dahilan para mag kita pa tayo." Naiinis nitong sabi. Nakaramda

