CHAPTER 5

3020 Words
MERIMIE Nagising ako ng maka rinig ako ng ingay, naalala ko namang nasa trabaho pala ako at dito ako natulog kagabi. Agad naman akong tumayo at pa takbong pumunta sa banyo; may narinig pa akong nag comment: "Eh? Bakit siya dito natulog?" Co-worker no.1 "Diba over time siya? Parusa 'yon ni boss sa kaniya dahil sa ginawa niya." Co-worker no. 2 Huminto naman ako sa pag takbo saka sila sinamaan ng tingin, nagulat naman sila kaya agad silang nag iwas ng tingin sa 'kin, eh kung pag umpugin ko kaya mga ulo nila at nang maisip nilang kasalanan nilang nag oover time ako dahil hindi nila tinatapos yung trabaho nila. Haist, mga immatured. Nakalimutan kong kumuha ng damit sa kotse kaya kailangan ko pang bumaba mula sa ground floor, pero maghihilamos muna ako dahil kakagising ko at may mga muta pa ako. Napansin kong pati dito sa hallway ay pinag titinginan nila ako, ano bang meron sa mukha ko? Malamang kakagising ko kaya may dumi dumi pa mukha ko. Pero parang iba yung nakikita ko sa reaction nila, lahat sila tumatawa habang nakatingin sa... noo ko? Agad naman akong pumasok sa ladies room, at nang tignan ko ang noo ko ay may L na nakasulat doon. Haaaa? Sinong impakto ang gagawa nito?! Buti nalang at mabilis natanggal ang pentelpen, sisiguraduhin kong mag babayad ang gumawa nito sa 'kin. Ngunit paano ko siya magagantihan kung hindi ko alam sinong gumawa nito sa 'kin? Hindi kaya may nakakita? Oo, may witness 'yon. Kailangan kong mag tanong sa mga kasamahan ko. Pero bago ako muling bumalik sa floor namin ay naligo muna ako. Nang makabalik ako'y nakita ko ang mga kaibigan kong naka tayo sa tabi ng lamesa ko. Nilapitan ko naman sila kaagad. "Hey, buti nalang at tapos kana." "Ahh ehh oo, nga pala nakita niyo ba kung sinong nag sulat sa noo ko?" Hindi naman maipinta ang mga itchura nila, ramdam kong may alam sila sa mga nangyare kanina, alam nila kung sinong nag sulat sa noo ko. "Ahhh ahmm, actually si... boss yung gumawa non." Kamot batok nitong sabi, wala na talagang magandang ginawa ang lalaking 'yun. Mag babayad siya sa 'kin! Bago pa man ako maka alis ay pinigilan na ako ng mga kaibigan ko. "Oi babae, wag ka na gumawa pa ng g**o!" Hamp, bakit hindi? Kailangan niyang pag bayaran 'to. "Don't worry, hindi ako mag i-iskandalo," Kumatok muna ako sa office ng dinosaur na 'yon ngunit walang sumasagot mula sa loob kaya't pumasok na lamang ako. Pag pasok ko ay agad akong natigilan, wala itong saplot pang itaas habang naka higa sa sofa na nasa gilid ng office niya. Ba-ba... Mabilis ko namang isinara yung pinto, anong ginagawa niya? At saka may aircon naman sa office niya ah? Bakit naka h***d siya? Shocckssss, parang naramdaman kong umiinit yung mukha ko. Nako, panigurado pulang pula na ako. Arghhh! Porket nakakita ka lang ng abs nababaliw ka na?! Aisshh! Hindi ko na siya ginulo dahil mukhang natutulog siya, psh. Swerte niya may natitira pa akong bait sa kaniya. Bumalik na ako sa pagta-trabaho, dahil paniguradong tambak na naman ang mga papeles na ipapagawa sa 'kin ng lalaking 'yun. 7 pm na nang gabi at talaga nga namang pagod na pagod na ako, nag sisi uwian naman na ang mga kasamahan ko. Aish, nakaka inggit naman. Tinignan ko naman ang office ni dino, kanina pa siya hindi lumalabas ng office niya ah? Ano na kayang nangyare dun? Bilang secretarya niya, kailangang alam ko kung anong kalagayan ng ugok na 'yon. Kaya naman pinuntahan ko siya. Kumatok muna ako ngunit wala paring sumasagot, kaya inopen ko nalamang ang pinto at muling bumungad sa 'kin ang h***d nitong katawan. Ahhhhh gusto ko siyang sigawan, ano bang problema niya? Sobrang lamig na dito ah? Gumalaw naman ito ngunit parang narinig ko siyang nasaktan. Ha? May sakit ba siya? Nilapitan ko naman siya, at sobrang pulang pula yung mukha niya. Hindi na ako nag alinlangang hawakan ang leeg niya. Sobrang init niya! Tumawag naman ako ng kasama kong mag bubuhat sa kaniya para maitakbo sa hospital. Ano bang ginawa ng lalaking 'to at ang taas ng lagnat niya? Buti nalang at mabilis siyang na ipunta sa hospital, inaasikaso na siya ng mga doctor ngayon. Ilang minuto ang nakalipas ng may doctor na lumabas mula sa ER. "Mrs. Stable na ang lagay ng asawa mo, hindi naman ganon kalala ang sakit niya. May lagnat lamang siya ngunit kailangan niya paring manatili rito sa hospital para ma check namin ang kalagayan niya bawat oras." Parang nabingi naman ako sa unang sinabi ng doctor. Tama ba ang narinig ko? Mrs. ang itinawag niya sa 'kin at asawa ko raw si dino? No way, hallway! "Ahhh sorry Doc. pero nag kakamali po kayo, hindi ko po asawa yung nasa loob, boss ko po siya." Mukha namang nahiya yung Doctor sa sinabi ko. Mukha na ba talaga akong may asawa? "Oww, I'm sorry Ms.?" "Merimie Bautista po," natawa naman siya, dahil ba sa pangalan ko o dahil sa pag kakamali niya? Ahh weird. "Sorry Ms. Bautista, I thought he's your husband. Bagay kasi kayo." Siguro kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula, bakit ba ganiyan ka Doc.? "Wala pa bang pamilya si Mr. na dumating?" Nilingon ko naman ang likod ko, ngunit wala namang nag kukumaripas na tumakbo papunta dito. Siguro nga wala. "I think wala, so ikaw nalang ang kakausapin ko about sa mga gamot na kailangan niyang i take, follow me please." Sumunod naman ako kay Doctora. Psh, bakit ba pino-problema ko pa 'tong lalaking 'to? ⁂ Kumatok muna ako bago pumasok sa silid ni dino, nadatnan ko naman siyang gising na. Haist, buti naman at ng makapag paalam na akong uuwi. Nga pala wala akong uuwian. Napatingin naman ito sa 'kin ng pumasok ako. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil sinusundan lamang ako nito ng tingin. Kinuha ko naman sa bulsa ko yung papel kung saan isinulat ni Doctora ang mga gamot na kailangan niyang inumin. Iniabot ko iyon sa kaniya, ngunit hindi niya iyon pinansin. Nakatingin parin ito sa 'kin. Ano bang problema niya? Parang ngayon lang siya naka kita ng anghel ah? jok. "Ahmm, wala ka nang po-problemahin sa bill, binayaran ko na lahat. Kailangan ko nalang siguro bumili ng gamot para maka inom kana. Lalabas lang muna ako para bumili ng makakain mo." Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Ahmm... salamat," Kailangan ko bang magulat? Pero hindi ako makapaniwalang bumait siya and worst, nag pasalamat pa siya! Jok, masyado akong harsh dun part. Pag katapos niyang mag pasalamat, binitawan na niya ang kamay ko saka muling humiga. Hindi ko mapigilang ngumiti, kahit pala mala dino siya sa labas, may bait parin pala siya sa loob. Okay, ang harsh ko na naman. Nang maayos na ang lagay niya, nag handa na kami sa pag labas niya ng hospital. Ako palagi ang nandito dahil kahit isa manlang sa pamilya niya ay walang dumalaw sa kaniya. Gusto ko siyang tanungin kung may pamilya pa ba siya ngunit wag nalang dahil baka mainis lang siya sa 'kin. This past few days na nag sama kami sa maliit na kwartong 'to. Bumait naman siya. Hindi ko nga alam anong good spirit yung pumasok sa katawan niya at naging mabait siya sa 'kin. Pero hindi parin nawawala yung pagiging dino niya dahil nang-aasar parin siya. Busy ako sa pag-aayos ng mga damit niya nang bumukas ang pinto ng cr. Nakapalit siya ng pang work attire. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ganon din ang ginawa niya sa 'kin. Aba! Naghirap akong alagaan siya ng tatlong araw, ka gagaling lang niya sa sakit, babalik agad siya sa trabaho?! "Alam mo dino—este Mr. Montrales, wala namang masama sa pagta trabaho. Ang masama yung ka gagaling mo lang, papasok ka na kaagad sa trabaho. Hindi ba pwedeng mag pahinga ka nalang muna? Tutal ikaw naman yung CEO nang companya, wala naman siguro silang problema kung mag te-take ka ng leave dahil sa kailangan mong mag pahinga para totally recovered ka na." Mahabang huwisyo ko. Hindi naman siya sumagot at dere-deretsong lumabas ng silid. Aba! Bastus 'yun ah! Hinabol ko naman siya, akala ko pa naman bumait na siya pero dinosaur parin pala ugali niya! Di nawala! Kahit nag lalakad lang siya, tumatakbo ako dahil sa anlalaki ng step niya sa pag lalakad, hindi lang pala dino 'to, Kapre din! Nang makalapit na ako sa kaniya'y hinila ko ang kamay niya. Natigil naman siya sa pag lalakad saka ako nilingon. "What's your problem Ms. Bautista? I need to go back to work." Gusto ko siyang sampalin ngayon. Hindi ba pwedeng makinig nalang muna siya? For once, makinig naman siya sa sinasabi ng ibang tao? "I will not allow you to go back to work, I want you to rest until you fully recovered and that's final." Bossy man pakinggan pero para rin naman sa kaniya 'yun. Hindi ako concern sa kalagayan niya—okay concern nga ako. Tinabig naman niya ang kamay kong nakahawak sa wrist niya. "Stop fooling around Ms. Bautista, you're not my wife nor family, so you don't have the rights to tell me what I'm going to do. And besides you are just my secretary, you're nothing but a trash to me." Sabi nito saka tuluyang lumisan. Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maiproseso ng mabuti yung mga sinabi niya. Huh. Hindi na ako pumasok nung araw na 'yon, ipina abot ko nalang sa guard yung bag niya saka ako umalis. Saan naman ako pupunta ngayon? Naalala ko yung river side na pinupuntahan ko, kung saan kami tumatambay ni—haist nevermind. Sobrang ganda parin dito. Malinis parin ang tubig. Umupo ako sa damuhan, dito kami palaging nakatambay, dito... dito niya ako dinadala kapag nag pi-picknic kami. Ang saya namin dito. Sobrang dami ng memorya namin; pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sabado ngayon at na mamalengke ako, gusto ko kasing kumain ng sinigang kaya busy ako ngayon sa kakahanap ng mga ingredients ng makita ko si— "Babe gusto ko 'to," may kasama siyang babae; at babe yung tawag sa kaniya. Nilapitan ko naman siya, nagulat pa siya nung makita niya ako. "Anong ginagawa mo dito?" Hindi niya makapaniwalang tanong, ngumiti lamang ako sa kaniya. "Babe, who is she?" Hindi niya pinansin yung babae, sa 'kin lang ang tingin niya pero hindi ko makita sa mata o sa expresyon niyang masaya siyang makita ako. Hinawakan naman niya yung kamay nung babae, saka sila umalis. Hindi ba dapat ako yung nasa pwesto nung babae? Hindi ba dapat sa 'kin yung kamay na hinahawakan niya? Pinigilan kong tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumakbo ako kaagad sa tambayan namin. Sa river side. Dun... dun na ako lumuha. Dun na ako humagulgol ng iyak. Bakit niya nagawang saktan ako? Bakit niya nagawang lokohin ako? May narinig naman akong mga yapak na palapit sa pwesto ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko siya. Gusto ko siyang saktan pero nang hihina ako. "Iniisip mo bang minahal kita?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Kahit kailan hindi kita minahal at hinding hindi kita mamahalin." Nakatingin ito sa 'kin na parang hindi niya ako kilala. Hindi ako makapagsalita, naninikip ang dibdib ko. Tumalikod na siya ngunit bago pa siya umalis ay may sinabi pa siyang tuluyang nag paguho ng mundo ko, "you're nothing but a trash to me." At tuluyan na niya akong iniwan. Simula noon hindi ko na siya nakita. Hindi ko rin alam kung ano nang nangyare sa kaniya. Wala na akong naging balita sa kaniya. Pero nung sinabi ni Mr. Montrales sa 'kin yung mga katagang 'yun. Naalala ko siya. Sinabi niya rin kasi sakin 'yun. Yung huling katagang nag padurog lalo sa 'kin. Huling katagang nag-iwan sa 'kin ng puot at sakit. Ganon na ba talaga tingin ng mga tao sa 'kin? Isang basura lang? Isang bagay na pag hindi na kailangan, itatapon nalang? Naalala ko rin ang mga magulang at kapatid ko, ganon rin ang tingin nila sa 'kin dahil akala nila ay wala akong mararating sa buhay, kaya lumayas ako sa amin dahil hindi pamilya ang turing nila sa 'kin kundi basura, kasambahay, patapon. Hindi ko mapigilang mapahagulgol nang iyak. Kahit ang kaisa isang bestfriend ko noo'y basura nalang din ang tingin sa 'kin. Dahil ba 'yun sa issue? Sa isang issue na hindi naman totoo? Hindi ko alam kung bakit mas pinaniwalaan niya 'yun kaysa sakin na bestfriend niya. Kilala niya ako, hindi ako mahilig mag sinungaling pero hindi niya ako pinaniwalaan, mas pinaniwalaan niya yung pamilya ko at yung mga taong nag kalat ng maling balita tungkol sa 'kin. Aish! Bakit ko ba inaalala lahat ng 'to! Kailangan ko pang mag trabaho para may ipangbubuhay ako sa sarili ko sa mga araw na mag dadaan. Dahil wala naman akong ibang mapagkukuhanan nang lakas ng loob, sarili ko na lamang ang maaasahan ko. Habang nag lalakad ako ay may nakita akong sign sa bintana ng cafe, 'WANTED: HELPER' Hindi na ako nag alinlangan pa, pumasok ako sa cafe na 'yun. Nasa pintuan palang ako ay amoy ko na ang barakong tinitipla, sobrang bango. Kahit araw araw ko pang amuyin ito ay hindi ako magsasawa. Lumapit naman ako sa babaeng nasa counter, mukhang mga nasa mid 20's ito. "Goodafternoon ma'am, what can I get for you?" Sobrang maaliwalas naman ang ngiting ibinigay nito sa 'kin. Tinuro ko naman ang sign na nakadikit sa bintana. "Oww helper? Gusto mong mag apply?" "Ah oo sana," may inabot naman siya mula sa baba ng counter. Isang papel at ballpen, "mag fill-up ka dito and then mamaya kapag andito na si boss, siya na ang mag i-interview sayo." Kinuha ko naman ang papel saka umupo sa isang silya. Mag susulat na sana ako nang abutan ako ng juice nung babae kanina sa counter. "Ito uminom ka muna, ako nga pala si Maetel," pinasalamatan ko naman siya, nag pakilala na rin ako sa kaniya. "Ang ganda naman ng pangalan mo, well nice to meet you Merimie, sige iwan na muna kita dyan. Lapitan mo nalang ako if sakaling tapos kana," sabi nito. Muli akong nag pasalamat bago siya maka alis. Finill-apan ko naman lahat ng nakalagay sa papel na ito. Well, pangalan, ilang taon, saan nakatira, kung anong kayang gawin o di kaya anong mga experience at kung ano ano pa. Nang matapos ko ang pag fifill-up ay ibinalik ko na kay Maetel ang papel. "Sige maupo ka muna habang hinihintay si boss na makara—" hindi na niya natapos ang sinasabi ng may isang lalaking ubod ng gwapo ang pumasok. Malaki ang katawan nito na halatang nag gy-gym. Bagsak ang buhok at parang sobrang lambot pa nito kung hahawakan, may mapupulang labi, maputi at matangkad, yung way naman ng pananamit niya ay para siyang taga ibang bansa o koryano, basta ang haba ng jacket niya na pinaresan niya ng puting V-neck shirt, fitted black pants, at snickers na black and white. Para siyang artista. "Goodafternoon boss Kairo," bati rito ni Maetel, binati rin siya pabalik nitong si Kairo. Napatingin naman ito sa akin. "Ah oo nga pala boss, Si Merimie nga po pala, interested po siya dun sa needed natin na helper, ito po yung form niya." Ibinigay naman ni Maetel yung papel kay Kairo, iniscan niya ito. "Merimie Stanley Mores Ferrer Bautista?" Banggit nito sa buo kong pangalan, tumango naman ako, "Your name is quiet long, wala na ba itong idadagdag?" Pagbibiro nito. "Wala na po sir," tumango tango lamang siya. "Then Maetel, ayusin mo yung table sa 2nd floor, I'll interview Ms. Bautista," nakangiti naman ito habang sinasabi 'yun kay Maetel. Nag iwas nalamang ako ng tingin dahil sobrang awkward, ba't kailangang sa 'kin tumingin samantalang ibang tao naman kinakausap niya? Nang matapos ni Maetel ang pag aayos ay pina akyat na niya kami ni Kairo, kahit dito sa taas ay maganda rin. Mukhang hotel itong 2nd floor dahil may mga kwarto. Hindi kaya may mini hotel 'tong cafe? Umupo naman kami sa table na nasa gitna nang hallway, ewan ko basta nasa gitna eh. Siguro wala nang ibang mapag lalagyan kaya dito nalang. Pero parang hindi naman siya sagabal kaya okay na rin. "So sa isang sikat na companya ka pala nag ta-trabaho sa ngayon Miss Bautista?" Tanong nito. Medyo nailang naman ako sa pagiging formal niya sa 'kin. Pwede namang Merimie nalang sir diba? Employee mo lang naman ako dito. "Merimie nalang po o 'di kaya Meri, at opo sa Dillera Corp. ako nagta-trabaho pero kailangan ko pa kasi nang extra money kaya nung makita ko yung sign niyo sa labas na needed niyo ng helper hindi na ako nag alinlangan." Mukhang sang-ayon naman siya sa sinabi ko, sa panahon ngayon kailangan mo munang mag hirap bago mag pakasasa sa buhay. No Pain No Gain. "You can cook, make different types of coffee, can do anything," pagbabasa nito sa sinulat ko sa form ko. Totoo naman 'yun, dati na rin kasi akong nag trabaho sa cafe kaya marunong ako gumawa ng iba't ibang klase ng kape. Ibinaba naman nito ang papel na hawak, "okay, you're hired." Tuwang tuwa naman akong napa tingin sa kaniya, buti nalang hindi ko siya nayakap dahil sa tuwa. Pero may isa pa akong problema, mag hapon akong nasa office, sa gabi lang ang free time ko. Kaya mag papaalam ako kung pwedeng sa gabi lang ako mag tatrabaho para hindi ko maabala ang pag tatrabaho sa companya sa umaga. "Ahmm boss—" "Call me Kairo and yes, what is it?" Hugumot naman ako ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya 'yon, sana payagan ako. "Mag hapon po kasi ang trabaho ko sa office, baka pwede pong kunin ko ang night shift if okay lang?" Walang alinlangan naman itong pumayag sa gusto ko, kaya naman pinasalamatan ko siya saka umalis na roon. Sa wakas meron na akong side work kung sakaling mapapalayas na naman ako sa companya. Nakalimutan ko na rin kahit papaano si dino, pero syempre mamayang pag pasok ko makikita ko nanaman siya. Haist! Buhaayyyy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD